PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica, gustong maging boses ng mga babaeng gusto ng kalayaan

Ellen Adarna, natawa sa interview ni Angelica Panganiban.
by PEP Troika
Published Dec 12, 2025
angelica panganiban unmarry
Angelica Panganiban does not want to experience annulment: “Of course, nung nagawa ko yung pelikula, naisip ko na yan. Nakakatakot, ah! Nakakatakot! Di ba, may ibang tao na gumising na, 'Ahh, bakit ganun? Bakit parang hindi na ako inspired? Bakit hindi na ako masaya sa relationship, kahit wala naman ding masyadong problema? Hindi ka sinaktan, hindi ka niloko.' Of course may possibilities. Pero ayoko."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Nag-react kaagad si Ellen Adarna sa Facebook account ni Atty. Joji Alonso nang ini-repost nito ang interview kay Angelica Panganiban sa YouTube channel ni Karen Davila.

Comment ni Ellen sa FB account ni Atty. Joji: “Thanks for the info lol buhakhak ko ahahahah.”

Bisaya yung term na “buhakhak,” na ang ibig sabihin ay napahalakhak siya nang husto.

Read: Eric Quizon reveals how sister Nicole waived 50% inheritance of Dolphy's estate

angelica panganiban interview
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Atty. Joji ng Quantum Films ang producer ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 official entry na UnMarry na pinagbidahan ni Angelica. Katuwang niya rito ang Cineko Productions.

Maganda ang interview ni Karen kay Angelica na kinunan sa maganda at malawak na farm ng aktres sa may Tanauan, Batangas.

Ilan sa rebelasyong pinag-usapan ay tungkol sa pagiging ampon ng aktres.

Pero ang isa sa pinik-ap agad na bahagi ng interview ay nang hiningan ni Karen si Angelica ng opinyon sa hiwalayan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Si Angelica ang isa sa ex-girlfriends ni Derek, na sa pagkakaalala ko ay limang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon.

Ikinuwento rin ni Angelica na nagkakilala raw sila ni Ellen minsan noong pareho pa silang dalaga.

May kanya-kanya pa raw silang boyfriend noong panahon na yun.

May contact si Ellen sa ilang ex-girlfriends ni Derek, pero hindi pa raw iniimbitahan si Angelica sa group chat ng mga ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup

NOEL FERRER

Papanoorin kaya ni Ellen Adarna ang pelikulang UnMarry ni Angelica Panganiban Makaka-relate kaya siya sa kuwento nito?

Base sa mga pahayag ni Angelica, mapapansing kay Ellen ang simpatiya niya.

VOICE OF WOMEN WHO WANT FREEDOM

Sinabi naman kasi ni Angelica sa nakaraang media conference ng UnMarry na kapag ginawa niya ang pelikulang ito, magsisilbi siyang boses ng mga kababaihang gustong makamit ang tunay na kalayaan sa kanilang buhay.

Pahayag ni Angelica: “Para siyang calling na kung sa akin ito binibigay, kailangan kong mapanindigan.

“Kailangan ko maging boses ng mga babae na kahit na sino na may pinagdadaanang freedom nila.

“Kasi naniniwala ako na ang freedom deserved natin lahat kapag hinihingi na talaga ng pagkatao, di ba?”

Nilinaw niyang hindi nila ini-encourage ang mga mag-asawang magpa-annul.

“Base kasi sa script, actually hindi ko siya nakikita na ipinaglalaban yung annulment,” saad ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang nakikita ko talaga, ang ipinaglalaban niya is finding herself. Finding her voice, and loving herself.

“Na iyon yung gusto kong mag-mirror sa mga tao, na napakaimportante kapag natutunan mo nang mahalin yung sarili mo. Magkakaboses ka.”

Ayaw raw niyang mangyari ito sa kanya, ngayong masaya siya sa kanyang married life.

“Ayoko, hindi!” sabi ni Angelica sa interview ni Karen Davila.

“Of course, nung nagawa ko yung pelikula, naisip ko na yan. Nakakatakot, ah! Nakakatakot!

“Di ba, may ibang tao na gumising na, 'Ahh, bakit ganun? Bakit parang hindi na ako inspired?

“'Bakit hindi na ako masaya sa relationship, kahit wala naman ding masyadong problema? Hindi ka sinaktan, hindi ka niloko.'

“Of course, may possibilities. Pero ayoko.

“Hindi ko ina-attract yung ganung energy,” sey ni Angelica.

Read: Dustin Yu, nilinaw ang estado nila nina Bianca de Vera at Will Ashley

JERRY OLEA

Co-stars ni Angelica Panganiban sa comeback movie niya na UnMarry sina Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Eugene Domingo, Nico Antonio, at Solenn Heussaff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinirek ito ni Jeffrey Jeturian, mula sa panulat nina Chris Martinez at Therese Cayaba.

unmarry poster

Nagkaroon pa ba siya ng preparasyon para gampanan ang karakter ni Celine sa UnMarry? O ibinase na lang niya sa script ang portrayal niya?

Sagot ni Angelica sa mediacon noong Disyembre 5, 2025 sa Noctos Bar, Sct. Tuason St., Quezon City: “Both. Of course, may preparation dahil kailangan mong kilalanin yung character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But mapalad ako dahil halos yung bumubuo ng pelikula, nakatrabaho ko na silang lahat sa mga projects ko noon.

“So, kahit papaano, naging confident ako na alam kong mas magiging madali yung proseso ko dahil kilalang-kilala na namin yung isa’t isa.

“Alam ko kung paano i-approach si Direk Chris noong umpisa pa lang doon sa script.

“Na baka puwedeng mas ganito siguro. Baka mas lagyan ng ganitong texture pa yung character.

“Kasi, of course, noong ibinigay na sa akin ang character, may inputs na rin ako. May mga gusto na rin akong mangyari.

“Baka mas magwo-work, ganyan. And of course, si Zanjoe yung leading man. Pang-ilang project na namin ito ni Z and ang tagal na naming nagsama.

“From Banana Sundae, lahat yata ng genre, napagsamahan na namin. Yes, parang lahat!

“So, parang sobrang komportable na namin sa isa’t isa. But yung preparation, naging madali talaga siya.”

Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA PANGANIBAN TRIES THEATER ACTING

Bago ang comeback film niyang isa sa official entries ng MMFF 2025, sumabak muna si Angelica sa entablado.

Nagbida sila ni Peewee O’Hara sa one-act play na Don’t Meow For Me, Catriona ng Virgin Lab Fest 2025 noong nakaraang Hunyo sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez, Pasay City.

don't meow for me catriona
Angelica Panganiban and Peewee O'Hara in Don't Meow For Me, Catriona.
Photo/s: Erickson dela Cruz
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatulong ba ang VLF experience niya sa kanyang pagbabalik-pelikula?

Mabilis na tugon ni Angelica: “Yes! Iba ang discipline kasi ng theater. So ibang depth, feeling ko, yung ibinigay sa akin.

“Nagkaroon ako ng ibang understanding habang inaaral ko yung script. Dati kasi, parang, ‘OK, alam ko na ito, ganito lang yan. Basta papatak ang luha ko sa eksena, sa moment na ito…’

“Of course, noong nag-theater, nakita mo yung mas ano lang yung kailangan. Madami akong na-unlearn, and madami akong binitbit noong ginawa ko yung film.

“Kaya siguro mas lumiit yung mga galaw. Mas lumiit yung mga binibigay. Kasi nakita ko kung ano lang yung sapat, oo.

“Parang akala natin, di ba, pag nag-theater ka, lalaki yung acting mo. Yung movements mo. But, no.

“Of course, sa theater, oo. Pero kung ia-apply ko na siya sa film, ia-apply ko yung mga natutunan ko — hopefully, hopefully tumawid.

“Hopefully tama yung mga tools na nagamit ko dito sa pelikulang ito gamit ko yung mga natutunan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktres na walang show, tuloy ang sahod; TV exec, pinag-resign

MMFF 2025

Siyangapala, wala nang omnibus presscon ang walong official entries ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero for the first time, sponsored ng MMFF ang premiere nights ng lahat ng kalahok, kaya hindi na magkakasabay ang alinmang premiere night.

Sa Disyembre 19, Biyernes, ang Parade of Stars sa Makati City.

Babagtas ang parada sa Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, at J.P. Rizal St. patungong Ayala Malls Circuit Makati kung saan merong programa.

Bahagi ng Facebook post ng Circuit Makati ngayong Disyembre 12, Biyernes: “Circuit Makati is the official venue partner of the 51st MMFF Grand Parade of Stars, in coordination with MMFF and MMDA, marking the first time the Metro Manila Film Festival will come to Makati.

“In preparation for this cherished tradition on December 19, 2025, the Circuit Makati Open Carpark will be temporarily closed by 10 P.M. on December 17, 2025 [Wednesday] and will resume normal operations on December 21, 2025 [Sunday].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alternative parking is available at the Basement Parking Entrance, East Gala Parking, and S&R Parking.

“Theater Drive will also be closed on the day of the event, December 19 from 4:00 P.M. to 8:00 P.M.

“Thank you for your patience and understanding, Makatizens! Join us in celebrating Philippine cinema with colorful floats, movie stars, and performances across Makati’s vibrant arts and culture district.”

Walang premiere night ng MMFF entry sa gabing iyon. Ang mga premiere night ay kasado na sa Disyembre 15-18 at 20-23.

Gaya ng nasabi ni MMDA Chairman at concurrent MMFF Overall Chairman Don Artes sa Celebrity Golf Tournament noong Disyembre 9, Martes, sa Wack Wack Golf & Country Club, Shaw Blvd., Mandaluyong City, iba-iba ang venue ng premiere night.

Ayon sa source ng PEP Troika, ang mga pagdarausan ng premiere nights ng MMFF 2025 entries ay Trinoma, Gateway Mall, SM North EDSA, SM Megamall, Robinson’s Manila, Robinson’s Galleria, at Lucky Chinatown Mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27 naman sa Dusit Thani Hotel.

Read: PBB Celebrity Collab ex-housemates, paldung-paldo sa MMFF 2025

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban does not want to experience annulment: “Of course, nung nagawa ko yung pelikula, naisip ko na yan. Nakakatakot, ah! Nakakatakot! Di ba, may ibang tao na gumising na, 'Ahh, bakit ganun? Bakit parang hindi na ako inspired? Bakit hindi na ako masaya sa relationship, kahit wala naman ding masyadong problema? Hindi ka sinaktan, hindi ka niloko.' Of course may possibilities. Pero ayoko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results