GORGY RULA
Hindi pa nagre-release ng official announcement ang GMA-7 sa mga bagong programang aabangan sa taong 2026.
Pero may mga lumalabas na sa social media na ilang titulo ng mga teleseryeng aabangan natin sa susunod na taon.
APOY SA DUGO
Dapat ay ngayong 2025 ipalalabas ang Sister’s Game, na ginawa nang Apoy Sa Dugo, tampok sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Ang sabi ng ibang napagtanungan namin, maaaring ito ang ipalit sa Cruz vs. Cruz na magtatapos na raw sa January 2026.
Pero baka tapusin na rin daw ang replay na Unica Hija, dahil originally nasa third slot ng afternoon drama ng GMA-7 itong Apoy sa Dugo.
Read: Ellen Adarna reacts to Angelica Panganiban calling her “matapang”
HOUSE OF LIES
Nasa lineup din ang House of Lies na nagsimula nang mag-taping.
Nasa cast naman nito sina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Martin del Rosario, at Mike Tan.
Pero wala pang sinasabi kung pam-primetime ba ito o panghapon na lalong pinapalakas ng GMA-7.

NEVER SAY DIE
Meron pang isang nilulutong action-drama na posibleng pang-primetime.
Pinamagatang Never Say Die, pagbibidahan ito nina Jillian Ward at David Licauco.
Ito rin ang seryeng babalikan ni Raymart Santiago na matagal na rin nating hindi napapanood umarte.
THE MASTER CUTTER
Kaabang-abang na rin ang pagbabalik ni Dingdong Dantes sa acting sa pamamagitan ng The Master Cutter.
Pam-primetime din ito, pero wala pang sinasabi kung kailan ito magsisimulang umere.
Tuluy-tuloy na ang taping nila ngayon, na ang dinig namin ay ang team ng Incognito ang gumagawa nito.
Read: Iñigo Jose, Lee Victor evicted from PBB: Celebrity Collab 2.0

INAGAW MO, BABAWIIN KO!
Meron pang isang titulo na lumalabas na masyadong madrama ang dating — Inagaw Mo, Babawiin Ko!.
Parang-drama sa radyo ang dating nito, pero wala pa kaming ideya kung sino ang mga bida rito.
Maganda ang kinalabasan ng Sang’gre, na baka hanggang April 2026 pa.
Pagdating sa panghapon ay maganda rin ang performance ng Cruz vs. Cruz sa ratings.
Tingnan natin kung lalo bang mamamayagpag ang mga drama series ngayon sa telebisyon kahit marami na ang nanonood sa streaming kagaya ng Netflix, at ang iba ay naaaliw na ring manood ng mga vertical drama sa telepono.
DIPPING VIEWERSHIP
Mababa na talaga ang viewership ng mga programang napapanood natin sa telebisyon.
Dapang-dapa ngayon ang ratings, lalo na’t aligaga nang lumabas ang mga tao ngayong Christmas season.
Kaya makasampa lang ang TV program sa 5%, masaya na ang nasa production.
Kagaya noong nakaraang Huwebes, December 11, 2025, ang laki ng nabawas sa mga nanonood sa free TV. Mukhang nasa probinsya na lang ang karamihan ng viewers.
Ang It’s Showtime ay nagkasya sa 4.7%, at ang Eat Bulaga! naman ay 2.9%.
Ang sumusunod na Hating Kapatid ay 4.7%.
Ang Cruz vs. Cruz ay 5.6%, at ang sumusunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 3.9%.
Ang replay na Unica Hija ay 3.5%, at ang You Are My Make-up Artist ay 3%.
Medyo tumaas na pagdating sa Family Feud na naka-9.1%.
Itong Family Feud ang isa sa mga kumikitang programa ng Kapuso network.
Pagdating sa primetime ay naka-13.4% ang 24 Oras ng GMA-7; 3.2% ang TV Patrol ng Kapamilya Channel; at ang Totoy Bato ng TV5 ay 2.3%.
Nagtabla naman nung gabing yun ang Sang’gre at Batang Quiapo, na parehong naka-10.8%.
Ang Sanggang Dikit ay 7.4%, at ang katapat na Roja ay 5.7%.
Ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 ay 3.5%.
Read: Former QC Mayor Herbert Bautista acquitted in PHP25M solar project graft case
NOEL FERRER
Noong Biyernes, December 12, naman ay mas mababa pa lalo ang viewership lalo na sa panghapon.
Ang It’s Showtime ay 4.5%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Ang Hating Kapatid at ang Cruz vs. Cruz ay parehong naka-4.8%.
Sumunod ang Fast Talk with Boy Abunda na 3.3%.
Ang replay na Unica Hija ay 3.3%, at naka-2.4% naman ang You Are My Make-up Artist.
Medyo bumaba rin ang Family Feud na naka-8%, pero ito na ang pinakamataas sa panghapong slot.
Sa primetime ay 11.8% ang 24 Oras; naka-2.1% ang Frontline Pilipinas; at 2.9% naman ang TV Patrol; at ang Totoy Bato ay 2.6%.
Natalo ng Batang Quiapo, na naka-10.2%, ang Sang’gre, na naka-9.4%.
Ang Sanggang Dikit ay 7.6%, at ang katapat nitong Roja ay 5.9%.
Read: Dustin Yu, nilinaw ang estado nila nina Bianca de Vera at Will Ashley
JERRY OLEA
Ayon pa sa ilang sources ng PEP Troika, sobrang kina-career na raw ngayon ng TV5 ang pagpo-promote ng mga bago nilang series kagaya ng A Secret in Prague, The Good Doctor, at meron pa silang Magic Boys at Project Loki.

Pero nasagap din naming nag-meeting daw uli ang ABS-CBN at TV5.
Hinihilot daw na ituloy pa rin sa Kapatid Network ang pagpapalabas ng FPJ’s Batang Quiapo at ASAP Natin ‘To.
Abang-abang tayo kung talagang hanggang Enero 2, 2026 na lang ba ang FPJ’s Batang Quiapo sa TV5, or what.
Interesado rin tayong malaman kung na-renew na ba ang It’s Showtime sa GMA-7.
After all, ka-join si Shuvee Etrata sa promo ng MMFF 2025 entry ni Vice Ganda na Call Me Mother.
SOMEONE, SOMEDAY
Kapana-panabik ang mga programa ng Kapamilya Network sa 2026.
Payanig ang teaser ng Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Napaka-meaningful ng linya sa teaser na, “Life isn’t always easy. We all need someone…”
Between ABS-CBN and TV5, sino ang mas nangangailangan kanino?

LOVE IS NEVER GONE
Nagpa-teaser na rin ang teleserye nina Joshua Garcia at Ivana Alawi, ang Love Is Never Gone na nag-shoot sa Morocco.
Pagkatapos magpakitang-gilas ni Joshua sa family drama na Meet, Greet & Bye, tingnan natin kung waging-wagi rin siya sa bagong teleserye.

Read: Eric Quizon reveals how sister Nicole waived 50% inheritance of Dolphy's estate
