JERRY OLEA
Sobrang nahirapan daw si Zaijian Jaranilla sa paghahanda niya sa pelikulang I’mPerfect bilang Ryan, nakababatang kapatid ni Jiro (Earl Amaba) na may Down syndrome.
“Hindi ko alam kung paano siya aatakihin,” pagtatapat ni Zaijian sa mediacon noong Disyembre 14, 2025, Linggo, sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.
“Pero gusto ko lang din i-share yung unang-unang pagkikita namin ni Kuya Earl.
“Parang pagkakita ko sa kanya, pagkapasok ko pa lang sa room, tinawag na agad niya ako sa pangalan ko na Ryan, hindi Zaijian.
“Nandoon na agad ang connection na para bang matagal na kaming magkakilala.
“Kahit po si Krystel [Go], si Jessica, nandoon na rin yung closeness namin.
“Kasi sinasabi niya sa akin palagi, ‘Uy! Pinapanood kita dati lagi sa May Bukas Pa. Si Santino. Ngayon, magkatrabaho na tayo.’
“Parang nakakataba ho ng puso. Nawala yung pagkaalinlangan ko sa sarili ko na, 'Paano ko ba gagawin ito?'
“Parang sila yung lumapit talaga sa akin. Kasi gaya nga po ng sinasabi nila, hindi naman sila natural born actors at first time din nilang gawin itong ganitong pelikula.
“So, mahirap talagang ituro agad-agad. Mahirap ituro basta-basta. Pero madali nilang napi-pick up iyon.
“At extra work din sa akin off cam. Kasi nga po, bilang magkapatid, kailangan na makita agad on screen na OK, magkapatid sila, meron silang ganoong relationship.
“Pero hindi po ako nahirapan na mag-build ng ganung relationship. Kasi, sa set nga ako lang yung pinakabata.
“Kami yung laging naglalaro. Pag sasayaw sila, sasayaw din ako, ganyan. Kami po talaga yung nagdya-jibe."
Read: Hollywood director Rob Reiner and wife found dead in their home
ZAIJIAN JARANILLA ON WORKING WITH CO-STARS WITH DOWN SYNDROME
Pagdating naman sa kanilang mga eksena, inamin ni Zaijian na medyo nahirapan sila sa ilang eksena.
Lahad niya: “Tapos in terms naman sa eksena, honestly mahirap talaga dahil minsan hindi sila nakakapagsalita nang maayos. Paulit-ulit sa audio.
“Tsaka maikli ang attention span nila. Minsan, kailangan yung instruction ni Direk… biglang nawawala sa isip nila.
“Pero mas lumawak yung pag-uunawa ko, mas humaba yung pasensya ko. Kasi, mas naiintindihan ko sila na, ‘OK, kaya natin itong gawin kahit nagkakamali tayo, kahit paulit-ulit lang. Basta matapos natin ito.’
“Tapos pag nakita mo yung eksena, sobrang magical.
“At yung lagi ko pong sinasabi rin, first take, susundin nila iyong instruction ni Direk. Tapos second take, meron silang ibibigay na sarili nilang interpretation.
“So, magugulat ka na lang at makikita doon sa camera na OK, raw yung reactions namin, na nakakagulat talaga.
“Nakakaya nilang gawin iyon, na may maibibigay pala silang ganun… ang saya lang po sa puso ko na makatrabaho sila.”
Ang I’mPerfect ay isa sa walong official entries ng MMFF 2025. Idinirek ito ni Sigrid Andrea P. Bernardo.
Maliban kina Earl, Krystel at Zaijian, kasama sa cast nito sina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Janice de Belen, Joel Saracho, Myke Salomon, at Viveika Ravanes.
Tampok din sa pelikula sina Angela Batallones, Carl Garcia, Javi Sarmiento, Jonathan Tilos, Bea Mendoza, Gio Dicen, Richelle Uy, at Royce Rivera.
Ang Nathan Studios ng pamilya ni Sylvia ang producer ng I’mPerfect.
Ang premiere night nito ay sa Disyembre 21, Linggo, sa SM North EDSA, Quezon City.
Read: Mga dapat abangan sa GMA-7, TV5, Kapamilya Channel sa 2026

GORGY RULA
Iniiwasan ni Sylvia Sanchez na pag-usapan ang mainit na isyung kinakaharap ng kanilang pamilya—ang pagkakasangkot ng panganay niyang anak na si Arjo Atayde sa flood-control controversy.
May tamang panahon daw para pag-usapan ito.
Sa media conference ng MMFF 2025 entry nilang I’mPerfect, emosyunal na ibinahagi ng actress-producer na noong bagsak na bagsak siya at ang buong pamilya nila, malaki raw ang nagawa ng persons with Down syndrome na naging alaga na niya ngayon.
Read: Arjo Atayde maintains innocence in flood-control controversy
Ang I'mPerfect, na iprinodyus ng Nathan Studios ng pamilya Atayde, ay kuwento ng dalawang kabataang may Down syndrome na nag-ibigan.
Bida sa pelikula ang mga baguhang sina Earl Amaba at Krystel Go, na parehong may Dwon syndrome.
Bukod sa kanila ay meron pang ibang cast members na may ganoon ding kundisyon, kabilang ang anak ng aktor na si Matthew Mendoza.
Read: Matthew Mendoza’s daughter Bea to make screen debut at MMFF 2025
SYLVIA SANCHEZ ON CAST MEMBERS WITH DOWN SYNDROME
Hindi raw inaasahan ni Sylvia na dadamayan siya ng mga alaga niyang may Down syndrome na itinuturing niyang anghel sa buhay niya.
Hindi raw niya akalaing alam ng mga ito ang mga nangyayari at nababalitaan ang hinaharap na isyu ng pamilya.
Sila raw ang tumulong sa kanyang bumangon nung panahong bagsak na bagsak siya.
“Sobra! Kasi mula nung October hanggang ngayon sa buhay ko, masaya, malungkot, sila yung nandiyan,” sabi ni Sylvia.
“Sila yung nagsilbi… lalo na nung emotionally downtime namin, sila yung every day nandiyan. ‘Mamang, how are you? How’s Papang?’ Yung mga ganun.
“Yung mga simple… 'How’s the family?' Isipin niyo bang gagawin nila yun?
“Pero andun sila. Kahit ang mga magulang, alam mo yun? So, sabi ko nga, kaya pala dumating sila sa buhay ko. May rason.”
Ang "Papang" na tinutukoy ni Sylvia ay ang mister niyang si Art Atayde, na isinangkot din sa isyu ng flood control projects.
Nagtaka raw si Sylvia kung paano nalaman ng mga alaga niyang may Down syndrome ang pinagdadaanan niya, at kinukumusta siya ng mga ito.
“Sabi ko, ‘Naiintindihan ba nila ang mga nangyayari? Bakit alam nila?’” bulalas ni Sylvia.
“Alam mo, sabi ng magulang, nagbabasa ng socmed yan. Pero hindi nila kami dyinudge. Tinanggap kami, buung-buo, ng mga batang ito.”
Kahit ang ibang cast members ng I'mPerfect na sumusuporta sa mga bidang sina Earl at Krystel ay naging malapit na rin daw sa kanila at nagpapasalamat na naging bahagi sila ng pelikula.
Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia
noel orsal
Sabi pa ni Sylvia Sanchez, hindi na raw niya iniisip kung kikita o mababawi ng film production nila ang ginastos sa I'mPerfect.
Aniya, “Honestly, hindi ko alam kung tatangkilikin ito. Hindi ko alam kung kikita ito.
“Pero matamis kong tatanggapin at buung-buo kong tatanggapin…kung hindi man kumita ito, buung-buo kong tatanggapin, dahil ang kapalit ng pera, sampung anghel at mga magulang nila.”
Bukod sa pamilya niya ay ang mga ito raw ang nagbigay-lakas sa kanya.
“Hindi ako kasinlakas nila pagdating sa ganun dahil iyak ako nang iyak. “Parang, ‘Lord, kaya ko ba? Parang hindi ko kaya.’
“Yun ang idinasal ko na, Lord, huwag Mo sana akong bigyan, sana.'
"Pero binigyan Niya ako ng pamangkin, binigyan Niya ako ng pelikulang I’mPerfect, binigyan Niya ako ng maraming maraming anghel, na hindi man Niya ako binigyan ng dinala ko sa sinapupunan ko.
“Pero binigyan Niya ako ng isang buo sana. ‘O Sylvia, sa iyo ito. Kaya mo yan.’
“Grabe Siya bumalanse. Ibang klase Siya bumalanse. Lahat, may rason talaga,” saad ni Sylvia.
Nang kumustahin ang lagay niya at ng kanyang pamilya, matipid ang sagot niyang, “Okay naman kami.”
Read: Bong Quintana speaks about relationship with Boy Abunda, teaching career
