PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chairman Don Artes walang impluwensiya sa pagpili ng MMFF winners

Clodualdo del Mundo Jr., chairman ng board of jurors ng MMFF 2025
by PEP Troika
Published Dec 16, 2025
atty. don artes mmff
MMFF and MMDA Chairman Atty. Don Artes encourages the Filipinos to watch MMFF 2025 movies: Marami namang genres na pagpipilian. Kung gusto nilang matakot, matuwa, kiligin, mag-fall in love, umiyak even… marami po silang pagpipilian. And sana, manood sila, isa, dalawa, tatlo, or kung kaya nila ng budget ay walong pelikula dahil talaga pong magaganda, pinag-isipan yung istorya, yung pagkakagawa, yung akting, directing."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ang multi-awarded scriptwriter at direktor na si Clodualdo “Doy” del Mundo Jr. ang chairman ng board of jurors ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ang ini-reveal ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Overall Chairman na si Atty. Romando “Don” Artes sa premiere night ng pelikulang Manila’s Finest nitong Disyembre 15, 2025, Lunes, sa Robinson’s Manila.

Nanood na ang mga hurado ng official entries sa MMFF 2025.

Sa Disyembre 27, Sabado ng umaga, ang deliberation, ilang oras bago ang gabi ng parangal.

Walang leakage kung sinu-sino ang winners sa awards night sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

Read: Mga dapat abangan sa GMA-7, TV5, Kapamilya Channel sa 2026

“Iyon pong deliberation ay tumatagal normally ng four, five hours. Yung nakaraan nga, six hours pa iyong deliberation,” pahayag ni Chairman Don Artes.

“Kasi talagang dini-discuss nilang mabuti yung merits at demerits ng bawat pelikula on a per award basis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, talagang mainit minsan ang pagtatalo. Minsan yung diskurso, mainit talaga.

“Hindi naman nag-aaway pero talagang minsan hindi nagkakasundo nang mabilis.”

NO INFLUENCE IN CHOOSING THE WINNERS IN MMFF AWARDS NIGHT

Ano ang proseso matapos ang deliberation at pagboto ng mga hurado para masigurong walang leakage?

“Ang ginagawa po kasi namin, pagkaboto, meron lang kaming auditor na nagta-tabulate,” tugon ni Chairman Don Artes.

“So even yung mga jurors, hindi nila alam kung sino yung nanalo.”

Napanood na ba niya yung official entries?

Napailing si Chairman Don Artes: “Wala pa po, e. Kasi, hindi po ako nakapanood noong viewing ng mga jurors.

“Kasi, dalawang araw lang iyon, e, na maghapon. Hopefully dito sa mga premiere night makapanood tayo kung mape-permit ng time and schedule.

“Kung hindi man, yung hindi ko mapapanood sa premiere, I’ll make sure na mapanood ko during the regular showing starting December 25.”

Bilang overall chairman ng MMFF ExeComm, meron ba siyang impluwensiya sa pasya ng mga hurado?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ay! Wala po, wala po!” bulalas ni Chairman Don Artes.

“In fact, hindi ko nga po kilala yung mga jurors except that I was informed na talagang mga magagaling sa industriya ang mga miyembro po ng ating jury.”

Si Doy del Mundo Jr. ang head ng jury ng MMFF 2025, na ang tema ay New Era of Philippine Cinema.

Kabilang sa mga screenplay ni Doy ay Manila sa mga Kuko ng Liwanag, Itim, Kakabakaba Ka Ba?, Kisapmata, Batch ‘81, ‘Merika, Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso, Bayaning 3rd World, at Markova: Comfort Gay.

Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia

GORGY RULA

Ano ang nararamdaman ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Overall Chairman na si Atty. Romando “Don” Artes na nalalapit na ang Araw ng Pasko na first day ng 51st MMFF?

“Well, excited and nervous at the same time,” tugon niya.

“Excited dahil magaganda yung walong pelikula. First time natin after ilang years na walong pelikula uli ang ating ino-offer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nakaraang dalawang taon, MMFF 2023 at MMFF 2024, sampu ang kalahok sa MMFF.

Pagpapatuloy ni Chairman Don Artes: “So, nervous dahil siyempre, gusto natin na tumaas at maging successful ito. Mas successful doon sa mga nakaraan.

“Lalung-lalo na ito, 51st. After ng 50th. Siyempre gusto natin, New Era. Pataas nang pataas, palaki nang palaki pa rin itong Metro Manila Film Festival.”

MANILA'S FINEST PREMIERE NIGHT

Dumagsa ang fans sa MMFF-sponsored premiere ng Manila’s Finest noong Disyembre 15, Lunes, sa Robinson’s Manila.

Present ang bidang si Piolo Pascual, maging ang co-stars na sina Enrique Gil, Cedrick Juan, Kiko Estrada, Dylan Menor, Ashtine Olviga, Joey Marquez, Paulo Angeles, Rica Peralejo-Bonifacio, Inday Fatima, at iba pa.

Present din sa premiere night ang direktor na si Raymond Red.

“Hopefully kung ano po yung init ng mga pagtanggap ng mga fans sa premiere nights na ino-offer natin sa kanila ay ganoon din po ang init or mas mainit pa yung pagtanggap nila during regular showing,” sabi ni Chairman Artes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ine-encourage ko po sila na panoorin. Marami namang genres na pagpipilian.

“Kung gusto nilang matakot, matuwa, kiligin, mag-fall in love, umiyak even… marami po silang pagpipilian.

“And sana, manood sila, isa, dalawa, tatlo, or kung kaya nila ng budget ay walong pelikula dahil talaga pong magaganda, pinag-isipan yung istorya, yung pagkakagawa, yung akting, directing.

“Talagang masasabi ko po na talagang pinaghirapan at gawang-Pilipino. Lumabas po yung creativity ng ating filmmakers.”

Bakit inisponsoran ng MMFF ang premiere nights ng official entries this year?

“Ito po yung part ng support ng MMFF sa mga producers at doon sa mga pelikulang kalahok,” paliwanag ni Chairman Don Artes.

“Para mabigyan po sila ng magandang opportunity na ma-promote yung kanilang pelikula.

“Kasi, ito po yung magdya-jumpstart ng promotion nila. Dahil yung mga makakapanood, sigurado ang sasabihin nila sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan, ipo-post sa social media kung gaano kaganda itong mga pelikulang kalahok.”

Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ngayong Disyembre 16, Martes ng 5:00 P.M. ang Paikot-ikot Tour ng Love You So Bad (LYSB) sa 2nd floor, Imperial Wing ng Lucky Chinatown Mall, Binondo, Manila.

Ayon sa Facebook post ng GMA Pictures, andiyan ang mga bidang sina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera kasama ang mga katropa na sina Ralph de Leon, Xyriel Manabat, at Nour.

May special performances ang 1621, Justin McLaire, Janah Zaplan, Maven, Jel Rey, Prince Keino, Chie, BAN & Ben Mara.

Hosts sina Milo Elmido Jr at Michael Sager.

May premiere night ba ang LYSB matapos ang mall show?

“Well, may mga activities… I don’t know, wala pa namang abiso sa amin kung ipo-postpone o hindi,” sagot ni Chairman Don Artes.

'“Pero yung activities, tuloy. Kung hindi man matuloy yung pagpapalabas, siyempre call pa rin yan ng producers.

“Pero I can say, yung promotional activity sa mall na iyon ay tuluy-tuloy po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fairness, ang sipag-sipag mag-promote together sina Will, Dustin, at Bianca.

“Yes, umiikot sila. Lahat naman, actually. Lahat naman sila, masisipag mag-promote.”

Bukas, Disyembre 17, Miyerkules ng 7:00 P.M. ang premiere ng Christmas film na Rekonek sa Trinoma, Quezon City.

Bida sa Rekonek sina Gerald Anderson, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Charlie Dizon, Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Gloria Diaz, sa direksiyon ni Jade Castro.

Sa Disyembre 18, Huwebes ng 7:00 P.M. ang premiere naman ng hirror trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.

Read: Hollywood director Rob Reiner and wife found dead in their home

MMFF 2025 PARADE OF STARS

Walang pa-premiere ang MMFF sa Disyembre 19, Biyernes, dahil sa hapon ng araw na iyon ang Parade of Stars na mag-uumpisa sa Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City.

Sa Makati City babagtas ang parada — Buendia Ave., Ayala Ave., Makati Ave., J.P. Rizal St., patungong Ayala Malls Circuit Makati kung saan may programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpaalam naman po tayo sa Makati, nag-advisory tayo doon sa mga dadaanan, at hindi naman sila nag-oppose,” sabi ni Chairman Artes.

“In fact, excited po sila na makita yung lahat ng mga artista na kalahok dito sa Metro Manila Film Festival.”

Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa MMFF 2025 Parade of Stars — I’mPerfect, Call Me Mother, Rekonek, Love You So Bad, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Manila’s Finest, Bar Boys: After School, at UnMarry.

Inaasahan ang matinding trapiko sa Biyernes sa Makati. Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang ruta ng parada at dumaan sa alternatibong ruta.

Para sa mga motorista mula sa Macapagal Blvd/MOA/Cavite area, take left at Seaside Blvd, right at Diokno Blvd. straight to Atang de la Rama St., right at Vicento Sotto St., left at Jalandoni St. then right at Pedro Bukanag Street to destination.

Or from Diokno Blvd., right at Gil Puyat Ave. Extension, left at Jalandoni St. then right at Pedro Bukanag Street to destination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF and MMDA Chairman Atty. Don Artes encourages the Filipinos to watch MMFF 2025 movies: Marami namang genres na pagpipilian. Kung gusto nilang matakot, matuwa, kiligin, mag-fall in love, umiyak even… marami po silang pagpipilian. And sana, manood sila, isa, dalawa, tatlo, or kung kaya nila ng budget ay walong pelikula dahil talaga pong magaganda, pinag-isipan yung istorya, yung pagkakagawa, yung akting, directing."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results