GORGY RULA
Dinagsa ng fans ang premiere night ng Manila’s Finest na ini-sponsor ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Lunes, December 15, 2025, sa Robinson’s Manila.
Ang haba ng red carpet nila na nirampahan ng stars na dumalo.
Aba! Nagulat ako dahil hindi lang pala fans nina Piolo Pascual at Enrique Gil ang sumuporta sa naturang premiere night, kundi meron ding grupo ng mga nagtitiliang fans nina Dylan Menor at Ashtine Olviga.
Maganda ang ginawa ng MQuest Ventures, dahil binigyan nila ng chance ang mga artista nilang makaarte sa naturang pelikula.
Nabigyan ng magandang role sina Paulo Angeles, Pearl Gonzales, Inday Fatima, Boaz Mariano, Tyke Sanchez, Ethan David, King Gonzales, at Achilles Ador.
Nandoon din si Kiko Estrada na ilang eksena lang siya, pero mga malalaking eksena ang ginawa niya.
Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights

PIOLO PASCUAL AS A CO-PRODUCER
Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Kiko, at sobrang bilib daw siya kay Piolo Pascual bilang co-actor at higit sa lahat bilang producer.
Co-producer din kasi rito ang Spring Films ni Papa P, at humanga si Kiko sa pagiging cool daw nitong producer.
Meron daw silang kinunan na malaking eksenang kung saan involved ang halos 500 na ekstra.
Nakahanda na raw lahat nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Sobrang steady lang siya. Cool lang na parang, ‘I hate compromises. But we gotta do what we have to do.’ Iyon yung nakakabilib.
“Hindi niya ipinakita yung stress niya. He handled it like a professional, and yun ang nakakabilib para sa akin,” bulalas ni Kiko, na ang laki ng paghanga kay Piolo.
Sabi naman ni Piolo, wala naman daw magagawa kung ma-stress siya. Kaya in-enjoy na lang daw niya ang shooting ng pelikulang ito.
Pero sa totoo lang, istrikto raw siyang producer.
Ani Piolo: “Kailangan i-enjoy mo lang, e. I-enjoy mo lang yung experience and I’m always at my happiest when I’m on the set.
“I feel, like, I’m always present when I’m on the set.”
Read: Zsa Zsa Padilla, isasauli ang Aliw Lifetime Achievement Award
NOEL FERRER
Magkakasunod na tatlong taon ng MMFF na may entry si Piolo Pascual.
Maganda ang resulta sa takilya ng Mallari noong MMFF 2023.
No. 2 din sa box office ang The Kingdom nila ni Vic Sotto noong MMFF 2024.
Mas may pressure ba itong Manila’s Finest kumpara sa nakaraan niyang MMFF entries?
“Lagi naman may pressure. Hindi nawawala yung pressure,” napangiti niyang sagot sa amin.
Basta para kay Piolo, hindi na lang niya iniisip kung may pressure o wala. Basta tuluy-tuloy lang daw siya sa pagtatrabaho.
“Hindi ko na iniisip po yun. Gawin ko na lang yung trabaho ko.
“I always hope and pray for the best,” tugon ng bida ng Manila’s Finest.
Read: Kiray Celis is now married to Stephan Estopia
JERRY OLEA
Kapuri-puri ang cinematography at production design ng Manila’s Finest, na idinirek ni Raymond Red.
Nag-umpisa ang kuwento noong Hulyo 1969 na nagwagi si Gloria Diaz bilang unang Pinay na Miss Universe.
Noong panahong iyon din ang unang crewed landing sa buwan. Lulan ng Apollo 11 si Commander Neil Armstrong at Lunar Module Pilot Edwin “Buzz” Aldrin.
Si Piolo Pascual ang pinakabida sa pelikula.
Maliban sa mga nabanggit na, kasama rin sa cast ng Manila’s Finest sina Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Cedrick Juan, Ariel Rivera, Rico Blanco, Jasmine Curtis-Smith, Rica Peralejo, at Elijah Canlas.
Andiyan din sina Leandro Baldemor, Simon Ibarra, Soliman Cruz, Sue Prado, Moi Bien, Ana Abad Santos, Esteban Mara, Victor Medina, Jess Mendoza, Sam Samarita, Bombi Plata, at iba pa.

Maliban sa shining moments nina Dylan Menor at Ashtine Olviga, tinilian din at pinalakpakan ng fans ang pa-topless ni Papa P.
Ang red-carpet premiere ng Manila’s Finest ay presented by PCSO, Philippine Airlines, Pru Life UK, Playtime Entertainment, Film Development Council of the Philippines (FDCP), at Dr. Anna Montesa of Montesa Medical Group.
Nag-mall show lamang ang Love You So Bad nitong Disyembre 16, Martes, sa Lucky Chinatown Mall, Binondo, Manila.
Disyembre 17, Miyerkules ng 7:00 P.M. ang premiere ng Rekonek sa Trinoma, Quezon City, samantalang Disyembre 18, Huwebes ng 7:00 P.M., ang premiere ng horror trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Walang pa-premiere ang MMFF 2025 sa Disyembre 19, Biyernes.
That day kasi ang Parade of Stars sa Makati City.
Babagtas ang parada sa Buendia Ave., Ayala Ave., Makati Ave., J.P. Rizal St., patungong Ayala Malls Circuit Makati kung saan may programa.
Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos spotted with Ellen Adarna and son
