PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagkakasuspinde ng CinePop Facebook page, tinrabaho?

CinePop CEO Albert Langitan: "Tinrabaho talaga para ma-suspend yung account."
by PEP Troika
Published Dec 18, 2025
albert langitan salome salvi cinepop
CinePop CEO Albert Langitan (left photo, with sexy star Apples Angeles) on suspension of FB account of their streaming service: “Pinag-iinitan yung CinePop kasi masyado siyang matapang. Puwede naming malantad eventually, di ba? Yung iba, natatakot lang na malantad kung sino man sila. Yun lang!” Right photo: Adult content creator Salome Salvi hosts the podcast Bold Cast on CinePop.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Suspended pala ang Facebook page ng streaming service na CinePop, na ang sinasabing rason ay "it goes against their Community Standards on nudity."

Pero mas malakas ang duda ng mga nasa likod ng CinePop na pinag-iinitan sila dahil sa mabilis na pagtaas ng engagement sa mga ina-upload nila sa kanilang social media.

Magmula nang maglabas sila ng Bold Cast podcast na hinu-host ni Salome Salvi ay may mga kumokontra at nagre-react daw sa napakamapangahas na pinag-uusapan dito.

Ang podcast ni Salome ay tumatalakay sa mga hindi kadalasang pinag-uusapan tungkol sa sex at iba pang usapin na may kaugnayan sa sex.

Read: Salome Salvi, inaming may suicidal thoughts dahil sa bashing

View this post on Instagram

A post shared by CinePOP (@cinepop.official)

ALBERT LANGITAN SUSPECTS DELIBERATE ATTACK ON CINEPOP

Nang nakausap ko ang CEO ng CinePop na si Direk Albert Langitan, hindi niya eksaktong masabi kung ang Bold Cast ni Salome ang dahilan ng pagkaka-suspend ng kanilang Facebook page.

Ayon kay Direk Albert, matapang ang pagkakalatag nila ng mga topic na may kaugnayan sa sex, pero marami raw natutunan ang mga nakakapanood nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito ay wala raw silang pag-aalinlangang pag-usapan ang mga ganoong topics.

Paglilinaw ni Direk Albert: “Kasi Bold Cast naman is educational, e. Kahit panoorin naman nila yung Bold Cast.

“Inatake lang siya sa parang erotica, pero lahat yan pag tiningnan mo, mas may matutunan kang mas malalim. Napapag-usapan, e,” pakli ni Direk Albert nang nakausap ko sa telepono kamakailan.

Ayaw magbanggit ni Direk Albert kung sino ang pinaghihinalaan nilang may kagagawan ng pagkakasupinde ng Facebook page ng CinePop.

Pero naniniwala siyang may nagtrabaho para mawala sila sa Facebook.

Saad niya: “Tinrabaho talaga para ma-suspend yung account.

“Sino yung nagtrabaho? Kasi hindi naman yan magagawa nang paisa-isa lang. So, mass reporting. So, baka may nate-threaten, ganyan.

“Hindi naman natin alam kung sino.”

Nagpadala na raw sila ng appeal, pero wala pa kaming balita kung ano ang sagot ng Facebook.

Ayon pa kay Direk Albert: “Pinag-iinitan yung CinePop kasi masyado siyang matapang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Puwede naming malantad eventually, di ba? Yung iba, natatakot lang na malantad kung sino man sila. Yun lang!”

Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”

JERRY OLEA

Sabi rin ni Direk Albert Langitan, bumilis ang pagtaas ng subscribers ng CinePop nang nagsimula ang Bold Cast ni Salome Salvi.

Maaring interesting sa kanilang followers ang mga talakayan sa Bold Cast ni Salome, pero may mga nagre-react din at kumokontra sa naturang platform.

“Yung mga konserbatibo na parang nagpapakaipokrita, baka may natatamaan,” sambit ni Direk Albert.

“Halimbawa may na-discuss sila about sa kung paano ino-objectify yung mga pornstar. Tapos malalaman pala natin yung mga pornstar, iba naman pala yung narrative, di ba?

"Tinitingnan nila bilang negosyo, yung mga ganyan. Tapos may pinanggalingan din lahat.”

Nanghihinayang lang si Direk Albert dahil marami pang puwedeng pag-usapan sa Bold Cast ni Salome na natatakot gawin sa ibang content.

May mga isyu pa sa showbiz na hindi pa raw gaanong nauungkat at natututukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “May mga isyu na hindi dapat pag-usapan, malalaman kung bakit kailangan siyang pag-usapan.

“Sa Bold Cast din, meron pa kaming na-discover—yung mga rape culture sa showbiz.

“Ang dami kong resource person about that na puwedeng pumutok. Yung mga ganun ba?

“Kasi sa Bold Cast, kaya ko siyang ilatag nang tama, na hindi ako matatakot.

"Kaya ko siyang ilantad, e. Kaya lang, tinatanggalan nila ng kakayahan.”

Siyanga pala, ang adult content creator na si Salome Salvi ay kasama sa musical film na Nasaan si Hesus?, na ipinalabas sa local cinemas noong Disyembre 3, 2025.

Read: Zsa Zsa Padilla, isasauli ang Aliw Lifetime Achievement Award

NOEL FERRER

Kung may Bold Cast podcast na katulad nung kay Salome Salvi, ka-level na ba ito ng Xerex Xaviera noon sa Abante?

Ayan, wala ngang MTRCB pero may regulatory mechanism na Community Standards.

Paano na ang growing social media followers ng CinePop?

Knowing Sir Albert Langitan, makakaisip at makakaisip iyan ng iba pang creative executions na susubok sa limits ng rules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Albert pa ba? Ang likot ng isip niyan, ano?!

Na-suspend man ang CinePop sa FB… andiyan ang UnliCinepop.

Read: Pokwang apologizes after brother’s road-rage incident

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
CinePop CEO Albert Langitan (left photo, with sexy star Apples Angeles) on suspension of FB account of their streaming service: “Pinag-iinitan yung CinePop kasi masyado siyang matapang. Puwede naming malantad eventually, di ba? Yung iba, natatakot lang na malantad kung sino man sila. Yun lang!” Right photo: Adult content creator Salome Salvi hosts the podcast Bold Cast on CinePop.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results