PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN artist nag-sorry kay MVP dahil sa kuda ng ilang Kapamilya

Malalaking artista, nakikipag-co-produce na sa TV5.
by PEP Troika
Published Dec 18, 2025
manny v. pangilinan tv5
A Kapamilya artist reportedly apologized to TV5 owner Manny V. Pangilinan for the harsh words of Kapamilya celebrities and talents following the end of the content partnership.
PHOTO/S: MediaQuest Ventures Facebook

GORGY RULA

Sino kayang Kapamilya artist ang nag-sorry sa may-ari ng TV5 na si G. Manny V. Pangilinan?

Disyembre 4, 2025, Huwebes, kinumpirma ng ABS-CBN ang napabalitang notice of termination ng TV Content Supply Agreement with TV5.

Bahagi ng pahayag ng Kapamilya Network: “Contrary to media reports, the amounts and manner of the claims remain disputed.

“We acknowledge our obligations to TV5 and are doing everything we can to address these payments.

“We have sought additional time to resolve this matter and are working urgently within the thirty-day period we have been given.

“While this timeline is challenging given our current circumstances, we are committed to finding a way to fulfill our obligations — not only to TV5 but to all our partners and stakeholders.

“We remain open to fair and reasonable solutions that recognize the extraordinary circumstances our company has faced.

“There is no truth to any insinuation that ABS-CBN willfully delayed payment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Such characterizations fail to acknowledge the severe financial constraints imposed on us through circumstances beyond our control.”

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

TV5 OFFICIAL STATEMENT

Agad ding naglabas ng official statement ang TV5 noong araw na iyon.

Bahagi ng pahayag ng TV5: “Our Content Agreement with ABS-CBN requires them to remit, on a timely basis, TV5's share of revenues they collect from advertisers.

“These amounts collected, our share being held by ABS-CBN for TV5, has reached such material value as to severely affect TV5's ability to settle its own obligations.

“Despite our repeated appeals, ABS-CBN has failed to pay what is due. Neither have they given assurances, nor indicated, that they can or will.

“To be clear, we value the partnership with ABS-CBN and, as part of the same industry, we understand ABS-CBN's financial difficulties.

“But TV5 is also faced with its own challenges. We need the funds owed to us to continue serving you, our viewers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Our leniency, as well as forbearance, must now yield to the realities of this business.”

Read: TV5: "ABS-CBN has failed to pay what is due."

KAPAMILYA ARTIST APOLOGIZES TO MVP

As expected, nagngitngit ang Kapamilya netizens sa mga taga-TV5.

Pero hindi lang netizens ang may di magagandang sinabi sa TV5. May mga hanash at kuda rin laban sa TV5 ang ilang taga-ABS-CBN mismo, at nakarating ang mga iyon sa Kapatid Network.

Hindi lang namin maidetalye pero napapag-usapan at nakakarating daw ito sa mga taga-TV5.

Nahiya na raw ang isang Kapamilya artist na tumatanaw ng utang na loob sa Kapatid network na sumalo sa mga taga-ABS-CBN para magkaroon ng lugar ang mga na-produce nilang programa.

Kahit umeere ang Kapamilya shows sa ibang platforms, sa TV5 pa rin ang may pinakamaraming viewers, kaya malaking tulong ito sa kanila para mas malaki ang reach ng kanilang mga programa.

Nang nakausap daw ng Kapamilya artist si MVP na mabait sa kanila, siya na raw ang nag-sorry dahil sa sinasabi ng ilang kasamahan niya sa Kapamilya Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?

TV5 AND ABS-CBN IN TALKS AGAIN?

Inalam namin noon kung totoong nagkausap uli ang mga taga-TV5 at taga-ABS-CBN.

Ang narinig namin noon ay pinapakiusapan pa raw kung puwede pang mahilot na maiwan man lang ang FPJ’s Batang Quiapo at ang ASAP Natin ‘To sa Singko dahil ang mga ito ang mas kumikita sa kanila.

Pero finally ay in-announce na ang pagsasara ng kanilang kontrata, at ang kasunod nito ay ang paglipat ng Kapamilya Channel sa ALLTV.

Pero bago iyan ay binayaran na nila ang kanilang pagkakautang sa TV5, at ewan ko kung totoong pati raw sa GMA-7 kung saan umeere ang It’s Showtime ay binayaran na rin daw nila.

Aba! May pambayad naman pala sila, bakit pa kaya umabot sa ganitong sitwasyon?

Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”

JERRY OLEA

Masigasig na raw ngayon ang TV5 sa mga ipinuprodyus nilang programa, lalo na yung mga drama series na nasimulan na nilang i-tape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa na rito ang A Secret in Prague na pinagbibidahan ng dating Kapamilya artists na sina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Totoo bang co-producer din dito si Enrique?

May iba pang programa silang in-announce.

Napag-alaman naming ilan pa sa mga programang aabangan sa kanila ay ang The Good Doctor at My Bestfriend Emman, na ang Spring Films naman daw ni Piolo Pascual ang co-producer nito.

Pinasok na rin talaga ng ibang established actors ang film and TV production, kagaya ng ginagawa ni Papa P noon pa.

Ginagawa na rin ito nina Enrique Gil at Gerald Anderson.

Ang latest pang nasagap namin, isa pang malaking artista ang inaayos daw ang co-production sa TV5.

Marami-rami na ring na-produce na projects itong malaking artista na nakakontrata sa ibang TV network.

Read: Mga dapat abangan sa GMA-7, TV5, Kapamilya Channel sa 2026

NOEL FERRER

Makulay at masalimuot ang mundo ng telebisyon ngayon.

Pagkatapos sabihin ng TV5 na hindi na ire-renew ang airing nito ng Kapamilya shows dahil sa pagkakautang, heto at nag-announce na ang ABS-CBN ng licensing agreement sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na nagmamay-ari at nagpapatakbo ng ALLTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula Enero 2, 2026, Biyernes, mapapanood na sa ALLTV ang mga paboritong programa ng ABS-CBN tulad ng FPJ’s Batang Quiapo, Roja, What Lies Beneath, It’s Showtime, ASAP, TV Patrol, at iba pa.

Patuloy pa ring mapapanood ang prime programs ng ABS-CBN sa A2Z, habang ang It’s Showtime at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 ay napapanood pa rin sa GMA-7.

Ang AMBS ay naging partner ng ABS-CBN mula pa noong 2024, hatid ang mga piling programa ng ABS-CBN, kabilang ang mga iconic na Kapamilya show sa ilalim ng Jeepney TV brand, gayundin ang It’s Showtime at TV Patrol.

So, wala na ba talaga ang napalutang na posibilidad na puwedeng umere ang ASAP at FPJ’s Batang Quiapo sa GMA-7?

At kung dati, malayang nakakatawid-tawid ang mga Kapamilya stars sa Kapatid network, ganoon pa rin ba ngayon o may boundaries na rin?

Meron ding Kapamilya stars, like Piolo Pascual and Enrique Gil, na one foot in and one foot out sa parehong network. Kumbaga, not all eggs in one network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Piolo nga, may Spring Films na co-producer sa The Kingdom series at sa The Good Doctor with son Iñigo Pascual sa TV5.

Balitang marami pa ang interesadong makipag co-prod sa TV5 Cignal dahil in fairness, napakabait ng lady boss nila na si Jane Basas.

Sana, dumating ang punto na hindi lang peaceful co-existence pero isang magandang samahan at malalaking collab ang gawin ng mga networks at independent producers.

Bakit? Dahil kailangan ng industriya ng TV at pelikula. As in!

Kung hindi tayo magsasama-sama, malulugmok tayo at mapag-iiwanan ng mga ginagastusan ng mga Pinoy na foreign films at concerts.

Magandang indication ang Christmas parties ng mga network.

Sino sa kanila ang nagpabongga ng party para sa mga empleyado nila at sa press, aber? Your answer is as good as ours!

Read: Batang Quiapo ni Coco Martin, hanggang January 2, 2026 na lang?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Kapamilya artist reportedly apologized to TV5 owner Manny V. Pangilinan for the harsh words of Kapamilya celebrities and talents following the end of the content partnership.
PHOTO/S: MediaQuest Ventures Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results