PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana, kumpirmadong tuloy ang kasal sa December 27

Carla Abellana at Tom Rodriguez, magtagpo kaya sa MMFF 2025 Parade of Stars?
by PEP Troika
Published Dec 19, 2025
carla abellana srr evil origins premiere
A source close to Kapuso actress Carla Abellana confirmed that she will wed Dr. Reginald Santos at a Tagaytay venue on December 27, 2025.
PHOTO/S: MMFF Facebook

GORGY RULA

Si Carla Abellana ang inabangan ng karamihan ng entertainment media na dumalo sa premiere night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry ng Regal Entertainment, Inc. — ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Ginanap ang premiere sa Cinemas 11 at 16 ng Gateway 2 sa Cubao, Quezon City, noong Huwebes, December 18.

May nagbulong sa amin na tuloy na tuloy na ang kasal ni Carla kay Dr. Reginald Santos.

Sa December 27 daw ito gaganapin sa isang events place sa Tagaytay.

Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

Tinutukan ng PEP Troika si Carla sa premiere para magbakasakaling may pahayag siya tungkol sa napapabalitang kasalan.

Mabilis ang lakad ni Carla, na pagkatapos bumati sa stage sa cinema lobby ay tumuloy sa Cinema 16 para bumati sa fans na nanood.

Siya na lang ang nagsalita para sa buong cast na dumalo sa premiere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos sa Cinema 16, tumuloy na lahat ng cast sa Cinema 11.

SAFE ANSWER FROM CARLA ABELLANA

Sinundan ko uli si Carla, at sumingit ng tanong kung tuloy ba ang wedding sa December 27.

“Aba! Sana po! Tingnan natin!” safe niyang sagot.

Sinabi ko sa kanya na ang mahalaga ay masaya siya.

“Yes po!” maikli niyang sagot sa amin.

Pinakiusapan kami ng handler ni Carla na tapusin na ang pagtatanong dahil tutuloy na ang cast sa harap para bumati bago magsimula ang screening.

Ilan pa sa stars ng SRR: Evil Origins na dumalo sa premiere night ay sina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, JM Ibarra at Fyang Smith, Francine Diaz at Seth Fedelin, Kaila Estrada, Dustin Yu, Matt Lozano, Althea Ablan, Elijah Alejo, Ysabel Ortega, at iba pang Regal stars.

Read: Richard Gomez accused of "physically attacking" PH fencing chief; actor-politician speaks up

srr evil origins cast
The cast of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins
Photo/s: MMFF Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Tinanong ng PEP Troika ang isang showbiz insider kung makakadalo ba si Carla Abellana sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal sa Disyembre 27, Sabado, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

“Hindi. Wedding niya, e,” sabi ng showbiz insider.

Nang dumalo si Carla sa announcement ng Final 4 ng 51st MMFF sa University of Makati noong Oktubre 10, 2025, gracious siya sa pang-uurirat ng media.

Tinanong ko siya noon kung makaka-attend siya sa awards night ng MMFF 2025.

“Aba, siyempre naman po! Bakit hindi?” sagot niya.

Usap-usapan kasing wedding day niya iyon.

“Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life,” sabi ni Carla.

“I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private.

“So, kung may kailangan man po akong sabihin, sa akin po manggagaling yun nang diretso at hindi po sa iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo bang engaged siya?

“I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no,” sabi niya.

Read: Carla Abellana, walang inamin at wala ring itinanggi

At any rate, ang ganda-ganda ni Carla sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins. Halatang maligaya siya!

Kaya natitiyak naming isa siyang napaka-beautiful bride sa December 27!

MMFF 2025 PARADE OF STARS

Siyangapala, ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa MMFF 2025 Parade of Stars ngayong Disyembre 19, Biyernes, sa Makati City ay I’mPerfect, Call Me Mother, Rekonek, Love You So Bad, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Manila’s Finest, Bar Boys: After School, at UnMarry.

Pang-apat ang float ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, samantalang pangwalo ang float ng UnMarry kung saan kasama ang ex-husband ni Carla na si Tom Rodriguez.

A-attend kaya pareho sina Carla at Tom sa Parade of Stars?

Magkakasama kaya sila sa group photo ng mga artistang kalahok sa 51st MMFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magtatagpo kaya ang kanilang mga paningin?

NOEL FERRER

Nagbabadyang box-office hit ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at nakadalawang theaters sa premiere night.

Sabi ko nga, star-studded talaga ang premiere.

As the only horror film in this year’s MMFF, this edition (which I can say is very technically polished) is destined to be a major hit.

Sana all!!!

Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A source close to Kapuso actress Carla Abellana confirmed that she will wed Dr. Reginald Santos at a Tagaytay venue on December 27, 2025.
PHOTO/S: MMFF Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results