GORGY RULA
Isang kaibigan sa entertainment media ang tuwang-tuwang nagkuwento sa akin sa nasaksihan niyang isnaban ng dalawang aktor.
Nangyari ang isnaban sa assembly point ng Parade of Stars ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) malapit sa World Trade Center sa Macapagal Avenue, Pasay City, noong Biyernes, December 19, 2025.
Tinawag ang buong cast ng mga pelikulang kalahok para bumati sa stage at magpa-picture kasama ang Executive Committee ng MMFF.
Isang pelikula lang ang pagitan ng kani-kanyang entry ng dalawang aktor kaya halos magkasunod sila.
Sa dinadaanan papunta sa kani-kanyang tent ay nagkakasalubong silang dalawa.
Read: Richard Gomez accused of "physically attacking" PH fencing chief; actor-politician speaks up
Close friends naman itong dalawang aktor na ito.
Ang isa ay si hunk aktor at ang isa ay si super sikat na actor na hunk pa rin hanggang ngayon.
Ayon sa kaibigan naming nakasaksi sa kanilang pagkikita, nang magkasalubong daw ang dalawa ay parang babatiin ni hunk actor si super sikat na aktor.
Pero dire-diretso lang daw si super sikat na aktor na parang wala itong nakikita.
Naalangan daw tuloy bumati si hunk actor dahil parang hindi siya nakikita nitong si super sikat na aktor.
Imposibleng hindi raw siya nakita ng super sikat na aktor dahil magkakasalubong talaga sila.
Ang ginawa na lang daw ni hunk actor ay nagpa-picture sa ilang fans.
Si super sikat na aktor ay dire-diretso lang ang lakad papunta sa ibaba ng stage.
Sa pagkakaalam namin ay close friends ang dalawang ito na madalas talaga silang magkasama.
May nangyari kayang di maganda sa kanilang "friendship"?
Read: ABS-CBN artist, nag-apologize kay MVP dahil sa kuda ng ilang Kapamilya
DID CARLA AND TOM CROSS PATHS?
Ang inaabangan pa ng press ay kung magkikita ba ang dating mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Si Carla ay nasa float ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, at si Tom naman ay nasa UnMarry.
Pero na-late ng dating si Tom, kaya wala siya roon sa assembly point ng parada.
Nagkasalubong kaya sila sa open car park ng Ayala Malls Circuit Makati na last stop ng parada?
NOEL FERRER
Inabangan ko rin kung magkukrus ng landas sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
Pampitong tinawag sa stage ang pelikula ni Carlo na Bar Boys: After School, at pangwalo yung kay Angelica na UnMarry.
Sayang at walang chance, kasi sa kabilang hagdan um-exit si Carlo habang paakyat naman sa isang side si Angelica.
In any case, OK naman sila at pareho na silang naka-move on at lumagay na sa tahimik with their right partners.
Ewan ko ba.
Dalawa sila sa pinakamagagaling na artista ng henerasyon nila kaya umaaasa akong somehow, sana makagawa pa rin sila ng projects together in the future.
Iyan ay kung ok pa sa kanila. Sana.
Oh well, dun naman sa dalawang aktor na nagdeadmahan kuning-kuning, parang ayaw kong maniwala.
Nabanggit sa akin ng isang ka-close ng hunk aktor na magkasama lang daw kagabi ang dalawa, plus isa pang young actor na pilit na inili-link din sa super sikat na aktor.
Anubeh, friends lang daw talaga sila. Paniwalaan niyo na, please.
Merry Christmas!
Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”
JERRY OLEA
Apat na kubol lang ang napuntahan ko bago umpisahan ang programa at parada ng mga bituin.
Hindi kasi agad dumating ang ibang mga artista, at kailangang umpisahan na ang programa.
Una naming napuntahan ang tent ng I’mPerfect, sumunod sa Bar Boys: After School, Love You So Bad, at panghuli sa Rekonek.

Ang beteranong aktor na si Joel Saracho, mula sa tent ng I’mPerfect ay lumipat kaagad sa tent ng Bar Boys: After School para sa group photo.

Sina DJ Jhai Ho at Eissel Serrano ang nag-host ng programa sa stage.
Naunang sumalang ang I’mPerfect, at sumunod ang Call Me Mother, Rekonek, Love You So Bad, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Manila’s Finest, Bar Boys: After School, at UnMarry.

Mula sa group photo ng Love You So Bad, nagpatong si Dustin Yu ng T-shirt ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at sumama rin sa group photo niyon.

Si Will Ashley naman, mula sa Love You So Bad ay naki-group photo afterwards sa Bar Boys: After School.

Hindi na nakapag-group photo ang lahat ng artistang kalahok sa parada. Hindi sila kasya sa stage. Maliit ang space.
Ang host city ng 51st MMFF ay ang Makati City.
Traditionally, kasama ang mayor ng host city sa programa sa pag-uumpisa at pagtatapos ng parada.
Kaso, ang start ng parada this year ay sa Macapagal Blvd., na sakop na ng Pasay City.
Ang ginawa naman this year ay dumaan ang mga float sa Makati City Hall.
Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ Raval
MMFF 2025 PARADE OF STARS
Ang pagkakasunud-sunod ng mga float sa parade of stars — I’mPerfect, Call Me Mother, Rekonek, Love You So Bad, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, Manila’s Finest, Bar Boys: After School, at UnMarry.
Hindi na sumama sa parada ang senior stars na sina Odette Khan ng Bar Boys: After School, at Gloria Diaz ng UnMarry.
Nakakatuwa ang paglahok ng mga kilalang artista sa Parade of Stars.
Nasa float ng I’mPerfect sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, at Zaijian Jaranilla. Hindi nakasama si Tonton Gutierrez dahil may taping ng isang teleserye.

Nasa float ng Call Me Mother sina Vice Ganda, Chanda Romero, John "Sweet" Lapus, Brent Manalo, Mika Salamanca, Klarisse de Guzman, Esnyr Ranollo, Shuvee Etrata, at River Joseph.

Nasa float ng Rekonek sina Gerald Anderson, Bela Padilla, Alexa Miro, at ang Legaspi family na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel with their kambal Cassy and Mavy.

Present sa Love You So Bad float ang tatlong bida na sina Dustin Yu, Bianca de Vera, at Will Ashley. Kasama rin sa float si Ralph de Leon.

Nasa float ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sina Carla Abellana, Richard Gutierrez, ang mag-inang Janice de Belen at Kaila Estrada, JM Ibarra & Fyang Smith, at Seth Fedelin & Francine Diaz.

Nasa float ng Manila’s Finest sina Piolo Pascual, Cedrick Juan, Romnick Sarmenta, Rica Peralejo, Kiko Estrada, Joey Marquez, Paulo Angeles, Ashtine Olviga, at Dylan Menor.

Nasa float ng Bar Boys: After School sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Sassa Gurl, at Glaiza de Castro.

Nasa float ng UnMarry sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, at Nico Antonio.

Sa umpisa ng parada ay bumuhos ang malakas na ulan sa may Buendia Avenue. Payong is the key.
Mabuti naman at humina na ang ulan hanggang sa tumila after a little while.
Apat pang MMFF-sponsored premiere nights ang nakatakda:
Disyembre 20, Sabado — UnMarry sa Trinoma, Quezon City
Disyembre 21, Linggo — I’mPerfect sa SM North EDSA, Quezon City
Disyembre 22, Lunes — Bar Boys: After School sa Robinson’s Galleria sa Ortigas Center
Disyembre 23, Martes — Call Me Mother sa SM Megamall, Mandaluyong City
Read: Zsa Zsa Padilla, isasauli ang Aliw Lifetime Achievement Award
