JERRY OLEA:
Inaresto si Direk Jade Castro at tatlong kasama noong Pebrero 1, 2024 dahil sa paratang na pagsunog ng isang modern jeepney sa Brgy. Dahican, Catanauan, Quezon.
Marso 11, 2024 sila nakalabas sa Catanauan Bureau of Jail Management and Penology facility.
Sa MMFF 2025 official entry na Rekonek na idinirek ni Direk Jade, ang karakter ni Kelvin Miranda na si Onyx ay pinagbintangang pumatay at agad ikinulong.
Naka-relate ba si Direk Jade kay Onyx? Natawa si Direk Jade nang mainterbyu namin matapos ang premiere screening ng Rekonek noong Disyembre 17, 2025, Miyerkules ng gabi sa Trinoma, Quezon City.
Aniya, “Ha! Ha! Ha! Ha! Oo, sa akin ata ibinase iyon. Pero hindi naman ako iyon! Kasalanan iyon ng mga writer.
“Sabi nila, ‘Meron kaming gustong isama sa mga kuwento.’ Sabi ko, ‘Huh?! Parang ako yun, ah?!’ Ha! Ha! Ha!
“Pero sila ang nakaisip nun. Tapos iyun na nga, medyo malapit talaga. Saka si Kelvin din kasi, meron siyang mga experience…
“So medyo nagkakaintindihan kami ni Kelvin pagdating sa kuwento na yan.”
Read: Erich Gonzales supports husband, sister-in-law at SEA Games
REKONEK, MALA-LOVE ACTUALLY
Maihahalintulad ang Rekonek sa 2003 Christmas romantic comedy film na Love Actually.
Iba-iba rin ang story arcs sa Rekonek, na interconnected. Maraming artista, at marami location. Nag-shoot pa nga sa Bangkok, Thailand sina Bela Padilla at Andrea Brillantes.
“Singapore dapat iyon. Pero hindi pumayag iyong Singapore airport ma-portray iyong airport nila na may chaos,” pagsisiwalat ni Direk Jade.
“Na hindi nila kayang mag-handle ng shut down. So lumipat kami ng Bangkok.”
Nahirapan ba silang pagtagni-tagniin ang iba-ibang threads ng kuwento sa Rekonek?
“Challenging, sobrang challenging. Script pa lang, tapos sa edit, marami kaming palipat-lipat,” pag-amin ni Direk Jade.
“Super-challenging talaga na maraming kuwento.”
Read: Who is ex-DPWH Undersecretary Catalina "Cathy" Cabral?
ON GLORIA DIAZ
Sa dami ng artista sa Rekonek, nag-stand out pa rin si Gloria Diaz bilang Cory aka Señora Sumpong, huh?!
“Ay! Gustung-gusto ko siya!” bulalas ni Direk Jade. “Nagulat din nga ako, e… si Erik Matti ang unang nakaisip na i-cast siya. Nung naisip niya, sabi ko, ‘Ay, oo! Perfect!’
“Kasi sabi ko, kailangan si Cory, kailangan warm. Kailangan mamahalin natin siya. Hindi puwede cold na lola kahit na mataray siya at masungit.
“So enjoy na enjoy ako na katrabaho siya dahil very professional. Kahit madaling araw na kaming mag-shoot — may mga day kasi na ang calltime namin, late.
“Kasi, gabi iyong shoot. Game naman siya. Nung una nga, gusto niyang umuwi nang maaga. Pero game siya kahit na late na.”
Si Direk Erik ay isa sa tatlong executive producers ng Rekonek. Ang dalawa pa ay si Dondon Monteverde, at si Gerald Anderson na kasama sa cast.

Read: ABS-CBN artist nag-sorry kay MVP dahil sa kuda ng ilang Kapamilya
NOEL FERRER:
First time magkasama-sama sa pelikula ang Legaspi family dito sa Rekonek. Andiyan ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel, kasama ang kambal nilang sina Mavy at Cassy.
First movie ito ni Mavy, samantalang second movie for Cassy. Ang first movie ni Cassy ay iyong When I Met You In Tokyo na official entry sa MMFF 2023.
Mas OK ba na sama-sama ang buong Legaspi family sa story arc?
“Para sa akin, OK na OK. Kasi madali. Madali for me as a director dahil iyong bonding nila, nandoon na kaagad,” sambit ni Jade Castro.
“Hindi ko na kailangang gumawa ng paraan para mag-bonding sila, 'no. Dumarating sila sa set, parang nakapag-rehearse na sila on their own sa bahay siguro.
“Alam na nila ang gagawin nila. Kaya kapag magre-rehearsal na kami sa set, parang may sarili na silang napraktis.
“Nang makita ko, sabi ko, ‘OK na! Ang galing na!’ So, ganun kadali working with the Legaspis.”

DOM CORILLA
First timer din sa MMFF ang six-footer na si Dom Corilla, na nagpa-thirst trap sa istorya nila ni Raf Pineda.
“Suwerte din namin, nakuha namin si Dom. Kasi iyung role na iyun talaga, kailangan talaga siya, wala siyang alam sa IT,” lahad ni Direk Jade.
“Pero tatanggapin mo na napunta siya sa ganoong posisyon, kasi ang pogi niya, di ba? Saka ang charming niya.
“So si Dom, nung naisip siya ng isa sa mga staff namin, si Dom Corilla, sabi ko, ‘Umaarte ba iyon?!’ Sabi nila, magta-try, ganyan.
“And then nung mag-meet kami the first time, sabi ko, OK na OK ito. Alam mo yung kahit hindi pa siya experienced sa acting, meron siyang fire sa loob.
“And then game na game siya. Sabi ko, ‘O, magtatanggal ka ng damit dito.’ OK sa kanya. Walang problema.”
Nagwagi si Dom na Mister Global 2024, at rumampa sa Body of Work: The Bench Show noong Marso 21, 2025 sa SM Mall of Asia Arena.

GORGY RULA:
PG ang rating ng Rekonek, at pakiliti lang ang paghuhubad dito ni Dom Corilla.
Hindi rin mahalay iyong intimate scene ni Gerald Anderson with MMFF 2020 best actress Charlie Dizon. One year pa lang kasal si Charlie kay Carlo Aquino, na isa sa mga bida sa Bar Boys: After School.
“Nagulat nga ako na hindi pala gumagawa si Charlie ng mga love scene, ganyan,” sabi ni Direk Jade Castro.
“Suwerte ko din na si Charlie was very game kahit may asawa siya.”
Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, nagtagpo sa premiere ng Rekonek
ENSEMBLE CAST
Maliban sa mga nabanggit na, nasa cast din ng Rekonek sina Gloria Diaz, Andrea Brillantes, Bela Padilla, Vance Larena, Eric Fructuoso, Donna Carriaga, Soliman Cruz, at Alexa Miro.
Kasama rin sina Kokoy de Santos, Kelvin Miranda, Angel Guardian, Josh Ivan Morales, Ellie Cruz, Peewee O’Hara, at Abed Green.
“Feel good movie ang Rekonek. Ang hope ko lang, maramdaman ng manonood ng movie iyong goodness,” sabi ni Direk Jade.
“Kaya iyong mga characters pag pinapanood mo sila, iba-iba ang kuwento nila pero mararamdaman mo iyong pagiging good people nila.
“And I think, sa akin importante rin kasi paminsan-minsan na may movie tayo na hindi masyadong ma-agenda.
“Iyong ibang movies kasi natin nowadays, napaka-literal nung agenda. Ito, mararamdaman mo nang hindi ka exactly tinuturuan or parang pini-preach yung purpose niya, ganun.
“Pero mararamdaman mo na mabubuting tao sila. And I think, iyun ang dahilan kaya bagay na bagay ang Rekonek sa Pasko.
“Kasi the Christmas spirit is about being kind to one another, and being good people.”
