GORGY RULA:
Si Michael Sager ang kinuhang host sa mga premiere night ng mga pelikulang kalahok sa 51st Metro Manila.
Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller
Na-enjoy ni Michael ang hosting job at na-impress sa kanya ang mga taga-MMFF. Balak nilang hanggang sa awards night ay siya pa rin ang magho-host sa red carpet.
Pero wish din ng Kapuso actor na magkapelikula rin daw sana siyang kasali sa ganitong film festival.
“Pangarap ko lang talaga po na maranasan yung period ng Metro Manila Film Festival, yung parade, may mga premiere night, at kasama ako sa lahat, at magho-host.
“Lahat po na premiere nights, nandito po ako,” pahayag ni Michael.
MICHAEL SAGER ON PBB HOUSEMATES
Masaya raw siya dahil sa kanya ipinagkatiwala ang hosting ng premiere nights.
Napangiti siya nang sinabi naming sana sa susunod na MMFF ay meron na siyang pelikulang kalahok.
“Okay lang yan, dahil darating din ang panahon na makasama tayo. Pero ngayon super thankful ako na naging host pa ako. Unexpected, pero nakakasama ko sila.
“Isa pong blessing ‘to, pero pinagdadasal ko na sana next year or the upcoming years na maging part din ako sa pelikula,” tugon ni Michael.
Ang tinutukoy niyang makakasama ay ang mga kasamahan niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab na may pelikula silang kalahok sa MMFF.
“Wala akong pelikula sa MMFF, pero ang mga housemates ko, meron. Sina Dustin, Will at Bianca sa Love You So Bad, at sina River, Esnyr, Shuvee, Ate Klang, Mica at Brent naman sa Call Me Mother.
“Parang ngayong Pasko, ang dami kong papanoorin!” bulalas ni Michael.
Nangako raw siyang susuportahan niya ang mga pelikula ng mga kapwa PBB housemates. May mga block screenings daw sila at nangako siyang dadaluhan niya ito.
“Nandun talaga ang suporta ko sa lahat na premiere nights nila, nag-i-invite talaga sila. I want to show my support, kasi nakasama ko sila for majority of this year sa PBB.
"Kaya naman deserve nila itong recognition na ito, all their hardworks. Panoorin po natin at suportahan natin ang pelikula nila,” say ni Michael.
Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, nagtagpo sa premiere ng Rekonek
JERRY OLEA:
Hindi pala kasali si Michael Sager sa drama series ng mga PBB housemates na The Secrets of Hotel 88. Pero meron daw siyang pinaghahandaang soap sa GMA-7 na malapit na raw niyang simulan.
“Sa akin naman po sa GMA, yung Born to Shine with Zephanie po,” pakli niya.
Mapapasabak daw siya sa kantahan dahil musical ito na pagbibidahan ni Zephanie.
“Oo. Lalabanan natin yung pagkanta,” napangiti niyang pahayag. Matagal na raw nilang pinaghandaan ito, kagaya ng voice lessons at workshops.
“You know, we’ll be filming this December na po. So, kailangan talagang paghandaan yung acting and yung singing na rin, kasi isang musical siya.
“So, we’ve been preparing since September pa nung sinabi sa amin tungkol sa show.
“I’m excited next year to be really into zone pag nag-taping na kami. Marami talagang preparations pero excited na to work,” sambit ni Michael.
Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights
NOEL FERRER:
I’ve been very open na among the young stars of his batch, si Michael Sager ang puwedeng-puwedeng maging host ala Ryan Agoncillo, Luis Manzano, Robi Domingo.
Pero tama siya, mas mataas pa ang magiging premium niya kung hahasain din siya bilang isang mahusay na host — si Tito Gorgy na ang magbibigay ng examples kung sinu-sino iyung ganun.
With his MMFF exposure, he is not only for his network, instead, he is proving himself very well as a valuable member of our industry! Way to go Michael. You have our support always!!!
