PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban, pang-Best Actress sa MMFF 2025?

MMFF 2025 Unmarry, nagpasiklab sa husay ng mga artista at creators nito.
by PEP Troika
Published Dec 21, 2025
Angelica Panganiban, masungkit kaya ang Best Actress sa MMFF 2025?
Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, umani ng papuri sa galing sa pag-arte sa MMFF 2025 entry na Unmarry. Kasama ni Zanjoe sa kanang litrato ang gumanap na anak nila ni Angelica na si Zac Sibug.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Cry Me A River as in Crayola Pagaspas sina Pokwang at John “Sweet” Lapus sa premiere night ng MMFF 2025 official entry na Unmarry nitong Disyembre 20, 2025, Sabado ng gabi, sa Trinoma mall sa Quezon City.

Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

Ang huhusay ng mga artista, mula sa mga bidang sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, hanggang sa mga suporta na sina Tom Rodriguez, Eugene Domingo, Solenn Heussaff, Nico Antonio, at sa first timer na si Zac Sibug.

May ambag din sina Shamaine Buencamino, Angel Aquino, Donna Cariaga, Kaladkaren, Adrienne Vergara, Mari Kaimo, Johnny Revilla, at Brian Sy.

National Artist Ricky Lee and Eugene Domingo shake hands at Unmarry premiere night
National Artist Ricky Lee and Eugene Domingo shake hands at Unmarry premiere night
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang galing-galing ng pagkakatimpla ni Jeffrey Jeturian sa screenplay nina Chris Martinez at Therese Cayaba.

Nasapul ni Zanjoe nang bongga ang damdamin ni Sweet sa isang crucial scene sa Unmarry.

Dagdag ni Sweet, “Si Angelica din! Matagal na nating alam na magaling si Angelica. Kaya niyang gawin lahat. Ganun lang kasimple iyon.

“Pero may bagong Angelica na naman dito! Basta! At saka alam nyo naman yung Here Comes The Bride (2010) naming dalawa.

“So from there to here, napakalawak na ng range ng isang Angelica Panganiban. What a perfect comeback!

“Perfect material for her comeback! Sila ni Zanjoe actually. Perfect talaga.”

Maliban kina Sweet at Angelica, nasa cast din ng Here Comes The Bride sina Eugene, Tom, at Nico.

May pelikula rin sa 51st MMFF si Sweet, ang Call Me Mother na bida sina Vice Ganda at Nadine Lustre, sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Ang premiere night ng Call Me Mother ay sa Disyembre 23, Martes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posibleng maglaban sa pagiging topgrosser ng MMFF 2025 ang Call Me Mother at Unmarry.

“Alam mo, ibigay na iyung mga acting awards sa cast ng Unmarry,” mabining sambit ni Sweet.

“Pero feel ko, No. 1 kami [sa takilya]. Feeling ko, magiging No. 1 naman ang Call Me Mother.

"Saka sandali, ha?! Sinabi ko kanina, magaling si Zanjoe. Pero Zanjoe, may tulog ka kay Vice Ganda. Please, ilagay nyo yan. I-all caps nyo yon."

Pam-best actor din ang performance ni Piolo Pascual sa Manila’s Finest, huh?!

“So far, ito pa lang naman ang napanood ko. Hindi ko pa masabi na may laban si Piolo,” pagmamatwid ni Sweet.

“Pero Zanjoe, sorry, MAY TULOG KA KAY VICE GANDA.”

Mukhang sina Zanjoe, Vice, at Piolo ang frontrunners bilang best actor ng MMFF 2025.

“Hindi pa ako makapag-react dahil hindi ko pa napapanood iyong kay Piolo pero so far, sorry, huwag masyadong makampante, Zanjoe.

“Ilalaban ko naman iyong anak ko. Ilalaban ko si Vice Ganda!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
John Lapus all praises for Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo's acting in Unmarry
John Lapus all praises for Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo's acting in Unmarry
Photo/s: Jerry Olea

Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, nagtagpo sa premiere ng Rekonek

NOEL FERRER:

Unmarry is worth the wait,” ito ang pahayag ko kay Direk Jeffrey Jeturian sa matagal nating paghihintay sa pelikula niya.

Ang huli’y Ekstra pa ni Ate Vi noong 2013. Tama namang maging mapili ka sa mga pelikulang gagawin, lalo pa’t dekalibre ang mga nagagawa ni Direk since Sana Pag-ibig Na noong 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sadyang kayhusay nina Angelica Panganiban at Eugene Domingo kaya di na tayo magtataka kung sila ay mabiyayaan muli ng mga acting awards.

Iyung kay Zanjoe Marudo, sabi nga ni John Lapus, abangan natin ang banggaan nila nina Piolo Pascual at Vice Ganda.

At malay mo, may iba pang mahusay na aktor ang mag-figure out sa ibang MMFF entries, di ba?

Exciting ang labanan sa acting awards lalo pa’t nandiyan pa ang I’mPerfect na ngayong Disyembre 21, Linggo ang premiere night sa SM North EDSA, Quezon City.

Masaya ang ganitong mga pagalingan ng mga pelikula. Sa lahat ng ito, tayong audience talaga ang panalo, di ba?

Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo at Unmarry premiere night
Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo at Unmarry premiere night
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights

GORGY RULA:

Malaking bagay ang mga magagaling na artista para lalong gumanda ang isang pelikula. Dito nakikita sa pelikulang Unmarry, na sa tingin ko ay na-control ni direk Jeffrey Jeturian ang mga artista niya.

Isa sa nagulat ako ay kay Tom Rodriguez na iba ang ipinakita niya rito. At consistent talaga siyang kaiinisan mo sa karakter niya bilang si Stephen, ang isang controlling at mapagmataas na asawa ni Celine.

Pero sobrang pinalakpakan ko ang eksena ni Zanjoe Marudo na umaayon ako sa komento ni John ‘Sweet’ Lapus. Doon pa lang kay Zanjoe at tumuloy sa batang si Zac Sibug, wala na! Hindi ko na napigilang mapahagulgol sa eksenang iyun.

Suprisingly, nakapag-deliver nang maayos ang baguhang si Zac Sibug, at lalo kang maaawa sa kanya dahil sa napakaamo niyang mukha.

Ever since naman ay hindi tayo nadi-disappoint sa galing na ipinapakita ni Zanjoe kaya, puwede talaga siyang lumaban sa Best Actor. Tingnan nga natin kung may tulog nga ba siya kay Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ewan ko lang kung kakayanin nila ang mga artista ng Unmarry. Kay Eugene Domingo pa lang ay mukhang mahihirapan na sila!

Pero ang mas kaabang-abang ay ang kay Angelica Panganiban na inaasahan na ang pagkuha ng tropeyo ng Best Actress.

Depende pa rin naman sa mga hurado, na ang dinig namin ay merong isa pang mahigpit na kalaban si Angge.

Ayaw namang umasa ni Angelica sa Best Actress trophy. Masaya na raw siya marami ang nagkagusto sa napili niyang comeback film.

“Basta masaya ako na… kung ako mismo nagustuhan ko yung project, proud ako sa project, parang ganun. Yun lang happy na ako.

“Proud na proud ako sa pelikulang ito,” saad ni Angelica Panganiban. Itong ginampanan niyang si Celine sa Unmarry ay malayo sa estado ng kanyang buhay na masaya at kuntento sa kanyang married life.

"Malayung-malayo," bulalas ni Angelica. But of course, hindi naman kailangang kung ano ang nangyari sa totoong buhay, yun lang din yung gagawin mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan din nating lumabas sa kahon para mas ma-explore natin yung mga kapasidad natin bilang aktres,” saad ni Angelica.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, umani ng papuri sa galing sa pag-arte sa MMFF 2025 entry na Unmarry. Kasama ni Zanjoe sa kanang litrato ang gumanap na anak nila ni Angelica na si Zac Sibug.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results