GORGY RULA:
Literal na malamig ang Pasko ni Derek Ramsay dahil umuwi ito sa United Kingdom para sa kanyang holiday vacation.
Nakatsikahan ko ang isang malapit na kaibigan ni Derek at nabanggit nga raw sa kanya ni Derek na nakatakda itong umalis pa-U.K. para doon mag-Pasko kasama ang kanyang dalawang anak.
Noong araw na iyun ay hindi pa raw matiyak ni Derek kung papayag si Ellen Adarna na isama niya ang anak nilang si Lili.
Ayaw raw niyang umasa nung panahong iyun. Mabuti at pumayag naman pala si Ellen, kaya kasama ni Derek ang kanyang dalawang anak para ipagdiwang doon ang Pasko hanggang Bagong Taon.
Read: Derek Ramsay at Cristine Reyes, magsasama sa The Kingdom series
DEREK RAMSAY CONFIRMS U.K. VACATION
Tinext ko rin si Derek na sumagot naman siyang hanggang New Year daw sila roon.
“Yes. We will stay until the new year,” text ni Derek sa PEP Troika.
Hindi na niya ibinahagi kung paano niya napapayag si Ellen na isama ang kanilang anak na si Lili.
Pagbalik niya galing sa bakasyon ay doon na natin abangan na lang ang kumpirmasyon ng TV5 kung talagang magiging bahagi na si Derek sa seryeng The Kingdom.
Dapat ay story conference nito noong December 16, pero sabi naman ni Derek, sa pagkakaalam daw niya ay inilipat ito ng ibang schedule.
Pero hindi muna siya nagsalita tungkol sa pagbabalik-acting niya at pagsali sa The Kingdom. Mas mabuting sa TV5 na manggagaling ang official announcement.
Read: Derek Ramsay, emotional sa kanyang 49th birthday celebration
NOEL FERRER:
Nang manood tayo ng premiere ng Unmarry nitong Disyembre 20, 2025 sa Trinoma, Quezon City, hindi ko maalis sa isip na ayun o, ang dalawang aktres na na-involve kay Derek ay lumagay na talaga sa tahimik.
Sana, siya na rin. We wish Derek all the best, at sana makahanap na siya talaga ng forever, at mabigyan talaga ng magandang break ulit sa pagbabalik-showbiz.
Sana, ang lahat ng mga ito’y magtagal na.
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
JERRY OLEA:
Panonoorin kaya nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang pelikulang Unmarry?
Iyong mga mag-asawang may pinagdadaanan — lalo na kung meron silang anak — siguradong makaka-relate sa characters na ginampanan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa Unmarry na sakdal husay idinirek ni Jeffrey Jeturian.
Highly recommended ko sa moviegoers itong Unmarry, na tampok din sina Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Eugene Domingo, Nico Antonio, at Zac Sibug.
