JERRY OLEA:
Tahasang itinanggi ni John “Sweet” Lapus ang intrigang imbyerna siya kay Esnyr Ranollo.
Ang “cheese mac” kasi ng mga dalahira, palagi raw late si Esnyr sa shooting ng pelikulang Call Me Mother kunsaan kabilang sila ni Sweet sa mga suporta kina Vice Ganda at Nadine Lustre.
For the record, OK ba sina Esnyr at Sweet?
“OK, OK ako. Dyusko, yan na nga ba ang sinasabi ko!” bulalas ni Sweet.
SWEET, NILINAW ANG PANGYAYARI SA SET
Nakausap namin si Sweet sa premiere screening ng MMFF 2025 official entry na Unmarry nitong Disyembre 20, 2025, Sabado ng gabi, sa Trinoma, Quezon City.
“Nale-late talaga iyung bata, kasi nagga-Grab pa siya — although mali pa rin iyon.
“But hindi naman siya umabot na nagiging cause of delay ng shoot because you have to understand, si Vice ay nanggagaling pa sa Showtime.
"So in fairness naman kay Esnyr, hindi naman siya mas late pa kay Vice. Iyun talaga, magre-react na ako.
"At saka iyung nagalit daw ako? Hindi ko pinatulan at all."
E, iyong nagdadala raw si Esnyr ng boyfriend sa set?
"Oo, meron siya. In fairness naman, hindi lang niya basta boyfriend — parang P.A. [production assistant] niya,” paglilinaw ni Sweet.
“Ina-assist-ahan siya. And wah ako care sa ganoon! Sa tagal ko na sa industriyang ito, hindi na ako pumapatol sa ganyan.”
Read: Glaiza de Castro, ready na magka-baby
NOEL FERRER:
Ipinagdiinan ni John “Sweet” Lapus, “Hindi totoong galit ako kay Esnyr! Hindi ko siya tinarayan! Wala lang iyun!
“Iyung mga bakla kasi, nagdyu-joke, ‘Hmmn! Mama, late.’ ‘Naku, hayaan niyo na!’ Tapos mnagdyu-joke-joke ako, ‘Ano ba yan?!’ Iyung ginaganun-ganun ko.
"Siguro may nakarinig, akala galit ako talaga. Ano ba?!”
ESNYR, HINDI CAUSE OF DELAY
Magkasama sila sa Parade of Stars noong Disyembre 19, Biyernes, di ba?
"At saka magkasama kami sa tent! At kung talagang seryoso galit ako kay Esnyr, kilala niyo naman ako.
"Kakalabitin ko iyan at sasabihin ko, ‘Hoy, bakla! Huwag mo kaming pinag-aantay!’ Pero hindi, e!
"Nale-late siya sa call time niya pero hindi sa shoot. Nakuha niyo? Kumbaga, nauuna lang karamihan sa kanya.
"Pero hindi siya naging cause of delay ng actual shoot namin."
Walang talakitok sa kanya? Hindi niya tinalakan si Esnyr?
“Hindi!!!” mariing tanggi ni Sweet.
Ang premiere night ng Call Me Mother ay bukas, Disyembre 23, Martes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Tingnan natin kung “mag-iirapan” dito sina Sweet at Esnyr.
Sa premiere kasi ng Unmarry ay halos magkakulay ng suot sina Eugene Domingo at Solenn Heussaff. Nagtabi pa sila sa stage sa red carpet, at kunwari’y nag-iismiran at nagtatarayan ng tingin.
Read: Angelica Panganiban, pang-Best Actress sa MMFF 2025?
Pero matapos ang screening ng Unmarry kunsaan magkakatabi ang mga pangunahing artista ng pelikula, nagyakapan sila sa isa’t isa.
Siyanga pala, nasa cast din ng Call Me Mother sina Lucas Andalio, Klarisse de Guzman, Mika Salamanca, Brent Manalo, River Joseph, Shuvee Etrata, at Chanda Romero.
Kasama rin sina Carmi Martin, Ces Quesada, MC Muah, Iyah Mina, Jennifer Sevilla, Robert Ortega, Tanya Gomez, at Divine Tetay.
Read: Michael Sager, na-enjoy ang hosting ng MMFF 2025 events
GORGY RULA:
Ang nakakaintriga ay iyung pandededma ni Nadine Lustre sa promo ng Call Me Mother.
Nasa major presscon si Nadine at nakasama ni Vice sa production number nila sa ASAP noong December 14.
Pero sabi ng ilang sumusubaybay sa mga pelikulang kasali sa 51st MMFF, walang Nadine daw sa mga mall shows ng naturang pelikula.
Meron daw dapat event sa Marikina Riverbanks Center ngayong Lunes, December 22, at doon daw nag-commit si Nadine.
Pero na-cancel ang naturang event dahil sa persistent inclement weather conditions, kaya hindi pa rin natuloy si Nadine.
Kaya lang dapat nasa parada siya noong Disyembre 19, Biyernes, pero wala rin siya roon.
Malaking bagay iyung pagsali ng mga PBB Celebrity Collab housemates, dahil meron na talaga silang grupo ng fans.
Sa kabila nitong absence ni Nadine sa mga promo ng Call Me Mother, naitatawid naman ng mga stars nitong pelikula, lalo na si Vice Ganda.
Ang ganda ng promo ng pelikula nila nang magpa-advance screening ito sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.
Nagustuhan nila ang pelikula, at lalo pa silang na-excite nang dumalaw si Vice Ganda sa kanila para pag-usapan ang kani-kanyang ina.
Wagi pa sa promo doon sa segment nilang ‘call my mother’ kunsaan nakausap ng mga nominado sa pinakamabuting housemates ang kanilang ina.
Tingnan natin kung sisipot si Nadine sa premiere night ng Call Me Mother bukas sa SM Megamall.
Kung waley pa ring umapir na Nadine, nangangamoy-intriga na iyang hindi niya pagtulong sa promo ng Call Me Mother.
