GORGY RULA
Hindi kasama ni Carlo Aquino ang misis niyang si Charlie Dizon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 Parade of Stars noong December 19, 2025.
Nasa Amerika si Charlie, at hindi pa masabi ng aktor kung makakasunod siya dahil may iba pa siyang commitments, kasabay pa ang promo ng 51st MMFF entry niyang Bar Boys: After School.
Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights
CARLO AQUINO'S HEALTH SCARE
Sunud-sunod pa rin ang trabaho ni Carlo, pero mas nag-iingat daw siya ngayon dahil naapektuhan talaga ang kalusugan niya ngayong taon.
Aniya: “Actually, halos sabay-sabay kasi ako this year.
"Yung It’s Okay [To Not Be Okay], yung The Time That Remains, yung Bar Boys, tapos may pelikula kami ni Bela [Padilla] for next year po yata, March.
“So, talagang nag-decline yun, and then may nakita silang parang bara sa puso ko, which they had to check.”
Mabuti na lang at hindi naman daw niya kailangang dumaan sa surgery o angioplasty.
“Fortunately, hindi kailangan ng stent. Siyempre nangayayat ako… ngayon medyo nakakabalik-balik na kahit papaano,” sabi ni Carlo.
Natawa na lang ang aktor na ikinuwento sa aming nagkakaedad na kasi kaya ang dami na niyang maintenance, at maingat na raw talaga siya ngayon.
“Madami na akong maintenance for cholesterol, for high blood… oo, hindi na ako nagbe-vape.
“And bisyo ko na lang talaga ngayon is kape and my daughter, my wife,” napangiti niyang pahayag.
Read: December 2025 Shocker: Scandals topple Korea’s biggest stars
NOEL FERRER
Kagaya ng inaasam ng fans nila, gusto na rin daw nina Carlo Aquino at Charlie Dizon magka-baby next year.
Pero nasa Panginoon naman daw kung talagang mabibiyayaan na sila ng baby.
“Nagta-try kami and praying na mapagbigyan.
“Kasi siyempre magta-try kami… siyempre nasa Kanya pa rin yung ultimate decision kung bibigyan Niya kami ng blessing na ganun.
“Pero nagdadasal na sana talaga mabigyan kami next year,” saad ni Carlo.
Gusto na rin daw kasi talaga ni Charlie na maging mommy.
May daughter na si Carlo, si Mithi, kaya kung siya ang masusunod, gusto sana niyang magka-baby boy.
“Basta healthy. Although siyempre, nandiyan na si Mithi, sana magkaroon na ng boy.
“Pero kung ano man po yung maging blessing sa amin, tatanggapin namin at mamahalin po namin,” saad ni Carlo.
Si Mithi ay anak ni Carlo sa dati niyang partner na si Trina Candaza.
Read: Veteran actor Bing Davao passes away
JERRY OLEA
Maikli lang ang role ni Charlie Dizon bilang wife ni Gerald Anderson sa Rekonek, pero as expected ay mahusay niya iyong nagampanan.
Kagaya ng Rekonek ay marami ring story arcs sa Bar Boys: After School, pero sa ganang amin ay namukod-tangi roon sina Carlo Aquino at Will Ashley.
May laban sila sa kategoryang best actor ng MMFF 2025, kung saan hinuhulaang mano-nominate sina Zanjoe Marudo ng UnMarry, Piolo Pascual ng Manila’s Finest, at Vice Ganda ng Call Me Mother.
Sa MMFF Parade of Stars noong Disyembre 19, Biyernes, takaw-pansin si Carlo na sleeveless ang T-shirt habang nagba-vlog.
Sa premiere night ng Bar Boys: After School noong Disyembre 21, Lunes, sa Robinson’s Galleria, nagbiro si Carlo na showing sa mga sinehan ang Bar Boys: After School hanggang Pebrero 2026.
Pagkatapos ng screening ay humangos na si Carlo palabas ng sinehan.
Tumigil siya sa lobby kung saan may isang grupo na nagpapalitrato sa photo wall. Photobomber si Carlo! Saka tumalilis na uli.
Tuwang-tuwa naman yung grupong phinotobomb ng multi-awarded actor.
Read: Angelica Panganiban, masungkit kaya ang Best Actress sa MMFF 2025?
