PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley, malakas ang laban sa MMFF 2025 Awards Night

Will Ashley, posibleng mag-double acting nomination sa MMFF 2025 Awards Night.
by PEP Troika
Published Dec 24, 2025
will ashley bar boys after school
Will Ashley is earning widespread praise for his stunning portrayal of Arvin Asuncion in the MMFF 2025 entry Bar Boys: After School, with many predicting a possible nomination for Best Actor or Best Supporting Actor.
PHOTO/S: Bar Boys Facebook

GORGY RULA

Nagustuhan namin ang tatlong MMFF 2025 entries na magkakasunod nag-premiere night na ini-sponsor ng Metro Manila Film Festival.

Ang UnMarry na ginanap sa Trinoma noong Sabado, December 20; ang I’mPerfect noong Linggo, December 21, sa SM North EDSA The Block; at ang Bar Boys: After School sa Robinson’s Galleria noong Lunes, December 22.

So far, itong tatlong pelikula ang pinakagusto namin, at posibleng maglaban-laban sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.

Humirit ang ka-Troika kong si Jerry Olea na puwede rin daw makipagbakbakan sa awards ang Manila’s Finest ni Piolo Pascual. Tingnan natin!

Read: MMFF 2025 Parade of Stars: Highlights and sidelights

WILL ASHLEY SURPRISES IN BAR BOYS: AFTER SCHOOL

Ang isa sa nagulat kaming magagaling ang buong cast ay itong Bar Boys: After School.

Pero ang pinaka-surprise sa lahat ay si Will Ashley na gumaganap bilang si Arvin Asuncion, isang law student na nagwe-waiter sa restaurant ni Ziggy (Emilio Daez) para may pantustos sa kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida sa MMFF 2025 entry na ito ng 901 Studios ang OG na Bar Boys na sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.

Pero sa tingin ko ay hindi lang supporting role dito si Will, kundi pang-lead.

Magaling ang apat na bida sa pelikulang ito, pero mas kuminang sa pelikulang ito si Will.

Hanggang ending ang highlights ng character na ginagampanan niya rito.

Binati ko si Will pagkatapos ng screening at sinabi kong wagas ang iyak ko sa madamdamin niyang eksena.

Napa-“Grabe!” siya nang sinabi kong hindi siya pang-supporting actor dito kundi pam-best actor din.

Sadya bang pinahaba ang role niya rito dahil sa nag-hit siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition?

Pagkalabas niya ng PBB house ay itong Bar Boys: After School ang unang isinalang na trabaho niya.

Paglilinaw ni Will: “Yun po talaga yung istorya ng Bar Boys: After School.

"And eto pong pelikulang ito ay teamwork po talaga. Nakakatuwa! Nakakatuwa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ba ang naitulong ng mga naranasan niya sa PBB house kaya ang dami niyang hinugutan sa mga madamdamin niyang eksena?

Sagot ni Will: “After ilang buwan ng pag-aantay, of course magmula nang pagpasok ko ng Bahay [ni Kuya], nung paglabas ko, ginawa namin ang pelikula na ito na mapapanood na ng mga kabataan.

“Siguro ang pinaghugutan ko lang talaga is the character. Ang mismong character ko po talaga, si Arvin Asuncion.

“Kasi, maski po ako nakaka-relate din po ako, sa pagod niya, sa pressure and all.

“And I’m sure, maraming tao ang nakaka-relate kay Arvin Asuncion, kaya yun po talaga yung pinaghugutan ko.

“Siguro po through the experience na rin, e. Sa dami na rin po ng nagawa ko pong project dito sa industriya.

“And ako po kasi, personally, gusto ko pong i-make sure po talaga na every time na meron po akong natutunan na maa-apply ko sa susunod na proyekto na gagawin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights

bar boys after school cast
The cast of Bar Boys: After School at the premiere of their movie at Robinsons Galleria on December 22, 2025.
Photo/s: Bar Boys Facebook

JERRY OLEA

Posibleng lalaban si Will Ashley sa Best Actor category kung magaling siya sa Love You So Bad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito naman sa Bar Boys: After School ay baka sa Best Supporting Actor siya ililinya. May laban siya sa kategoryang ito.

“Ay, naku po! Kung ibibigay man po yan, sobrang grateful po ako sa blessings,” bulalas ng Kapuso actor.

Ayaw raw niyang i-compare itong Bar Boys: After School sa isa pa niyang MMFF 2025 entry na Love You So Bad.

“Abangan niyo po,” napangiti niyang sabi.

Napatango lang si Will nang sinabing ibang challenge din itong may ka-loveteam siya sa katauhan ng housemate niya sa PBB: Celebrity Collab Edition na si Bianca de Vera.

Kasama rin nilang bida sa pelikula ang co-housemate din nilang si Dustin Yu.

Nagpapasalamat si Will sa co-actors niya sa Bar Boys: After School dahil bukod sa na-challenge siya sa galing ng mga kaeksena niya, hindi raw talaga siya pinabayaan nung medyo nangangapa pa siya sa unang araw ng shooting.

“Grabe, yes! Saka hindi po talaga nila ako pinabayaan, ginuide po nila ako sa mga bagay-bagay. Kaya nakakatuwa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Teamwork! Teamwork!” bulalas ni Will.

Dahil sa dalawa ang pelikula niya sa MMFF 2025, kakaiba raw ngayon ang pagdiriwang ng Pasko.

“Super-iba po. Bukod po sa mga opportunities and blessings na dumarating, ilalaan ko po tong Christmas na ito sa mga sinehan,” sambit ni Will.

Read: Carlo Aquino, nagkaroon ng health scare ngayong 2025

MMFF 2025 GABI NG PARANGAL

Ang MMFF 2025 Gabi ng Parangal ay sa Disyembre 27, Sabado, sa Dusit Thani Hotel sa Makati.

8:00 P.M. ang livestream sa Facebook page ng TV5, at 9:15 P.M. ang delayed telecast sa TV5.

Matunog na mano-nominate na best actor sina Zanjoe Marudo ng UnMarry, Vice Ganda ng Call Me Mother, Piolo Pascual ng Manila’s Finest, at Carlo Aquino ng Bar Boys: After School.

Dark horses sina Will Ashley ng Bar Boys: After School at Love You So Bad, Gerald Anderson ng Rekonek, Dustin Yu ng Love You So Bad, at Richard Gutierrez ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sabi pa ni Carlo Aquino, itong role na ginampanan ni Will Ashley ay sumasalamin sa karaming Pilipinong nagsisikap para lang makamit ang pinapangarap sa buhay.

Ani Carlo: “Wake-up call ito. Kasi yung mga nangyayari dito sa role ni Will, yung mga working students.

“Tapos yung mga nagtatrabaho ng mga napakatagal, tapos wala pa ring nararating. Kayod pa rin nang kayod.

“Ito yung mga sumasalamin sa araw-araw na Pilipinong nakikita natin.

“Sana, maging wake-up call sa kanila na magtanong sa mga nangyayari sa sistema sa bansang ito.”

A BETTER FILM

Hindi rin maiwasang maikukumpara itong sequel sa unang Bar Boys.

“I think this is a better film because we all became better people and better artists,” mabilis na sagot sa amin ni Direk Kip Oebanda.

Marami rin ang nagsasabing may laban itong entry nila sa darating na Gabi ng Parangal.

Reaksiyon ni Direk Kip: “Ako kasi, we did our best to make the best quality film that we can make. I don’t really treat them as a competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, for me, kung makuha yung awards, okay. Kung hindi, okay lang din.”

Dagdag ni Carlo, “Feeling ko naman sa lahat na mga pelikula, mataas ang expectations dahil Metro Manila Filmfest ito, and siyempre… excited lang talaga ako dahil kasama ako dito.

“Saka excited ako for the Filipinos kasi ang daming magagandang pelikula sa filmfest.

“Well, every filmfest naman magaganda ang mga pelikula.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley is earning widespread praise for his stunning portrayal of Arvin Asuncion in the MMFF 2025 entry Bar Boys: After School, with many predicting a possible nomination for Best Actor or Best Supporting Actor.
PHOTO/S: Bar Boys Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results