PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina at Zoren, hindi strict sa lovelife nina Mavy at Cassy

Carmina at Zore, super proud sa kambal nilang sina Mavy at Cassy.
by PEP Troika
Published Dec 24, 2025
carmina zoren mavy cassy legaspi
Zoren Legaspi on the guidance he gives his children with Carmina Villarroel, Mavy and Cassy: “Masarap namang magmahal, e. Masarap yung may karelasyon. Masarap yan lalo na pag mga bagets... Pero dapat ang numero unong malaman niyo muna, what you want to be in life. Secondary ang relationship. Iyang relationship, nandiyan lang yan. Pero yung mga opportunities that come and go in our life, minsan lang yan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF Facebook

JERRY OLEA

Super proud ang mag-asawang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa kambal nilang sina Cassy at Mavy Legaspi.

Magkakasama ang Legaspi family sa MMFF 2025 official entry na Rekonek.

“Super-proud talaga!” bulalas ni Carmina nang makausap siya ng PEP Troika sa tent ng Rekonek bago mag-umpisa ang MMFF 2025 Parade of Stars noong Disyembre 19, 2025, Biyernes, sa Makati City.

“Unti-unti na silang nagkakaroon ng mga sarili nilang identity.

"Super proud, kasi si Cassy, ito na yung second movie niya. Second entry rin niya sa Metro Manila Film Fest.

“Si Mavy naman, ito yung first movie niya. Tapos kasama pa sa Metro Manila Film Fest.”

Two years ago, sa MMFF 2023 entry na When I Met You In Tokyo, nali-link si Cassy kay Darren, di ba?

“Good friends lang talaga sila,” sambit ni Carmina.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla cross paths at Zanjoe-Ria wedding; Daniel cozy with Kaila Estrada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CASSY LEGASPI AND MICHAEL SAGER

Ang ganda ng ngiti ni Michael Sager nang makita si Cassy sa premiere night ng Rekonek noong Disyembre 17, Miyerkules sa Trinoma, Quezon City.

Nag-host si Michael sa MMFF-sponsored premiere nights ng official entries.

“Marami namang nali-link diyan, e! Kasi nga, dalaga,” sabi ni Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Close ba si Michael sa kanila?

Mabilis na sagot ni Carmina, “OK naman.”

Sambot ni Zoren, “Lahat naman, close. Pati si Darren, close. Lahat naman sila.”

Read: Michael Sager, na-enjoy ang hosting ng MMFF 2025 events

GORGY RULA

Sino kina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang mas mahigpit sa mga anak nilang sina Cassy at Mavy pagdating sa lovelife?

Mabilis na tugon ni Carmina, “Wala. Wala naman.”

Susog ni Zoren, “Wala, kasi journey nila yan. So, hindi mo puwedeng pagbawalan ang mga yan. Manonood ka na lang from afar.”

Sambot ni Carmina, “Saka maganda kasi, they’re very open, e. Communication namin, very open. So wala, wala, walang strict.”

Sa bahay nila, may nanliligaw kay Cassy?

Sagot ni Carmina, “Pumupunta sa bahay, ganun.”

Naiisip na ba nila na in the near future, magpapakasal na si Cassy o si Mavy sa kani-kanyang kasintahan?

Sumasagi ba sa isip nila na maging lolo at lola, mag-alaga ng apo?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawang sabi ni Carmina, “Ang aga naman! Ang aga naman!”

Singit ni Zoren, “Wala pa! Kahit sila, wala sa isip nila iyon. Wala.

Read: Derek Ramsay, nagbakasyon sa U.K. kasama ang anak na si Lili

NOEL FERRER

Ano ang payo nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa kanilang mga anak kaugnay sa lovelife?

Sagot ni Zoren: “Well, ako kasi, maipapayo ko — medyo istrikto, ha, pasensya na. Di ba, minsan kasi make-carried away ka, e.

“Masarap namang magmahal, e. Masarap yung may karelasyon. Masarap yan lalo na pag mga bagets.

“Kaya nga sinasabi nila, ‘sanaol.’ Pero dapat ang numero unong malaman niyo muna, what you want to be in life.

“Secondary ang relationship. Iyang relationship, nandiyan lang yan. Pero yung mga opportunities that come and go in our life, minsan lang yan.”

May mga nagkomento sa premiere night ng Rekonek na puwedeng pam-beauty queen si Cassy.

“Wow!” sambit ni Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta kung ano ang gusto nila, kung anong journey ang gusto nilang tahakin, nandidito lang kami.”

Sey naman ni Zoren, “Ako, ayoko. Ayoko… dahil sa nangyari recently! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Gerald Anderson, masaya sa feedback ng mga manonood sa Rekonek

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi on the guidance he gives his children with Carmina Villarroel, Mavy and Cassy: “Masarap namang magmahal, e. Masarap yung may karelasyon. Masarap yan lalo na pag mga bagets... Pero dapat ang numero unong malaman niyo muna, what you want to be in life. Secondary ang relationship. Iyang relationship, nandiyan lang yan. Pero yung mga opportunities that come and go in our life, minsan lang yan.”
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results