PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2025 Box-Office Update: Call Me Mother umalagwa sa first day

Call Me Mother, naka-PHP49M umano sa first day.
by PEP Troika
Published Dec 26, 2025
call me mother mmff 2025
According to unofficial reports, Call Me Mother grossed PHP49 million on its opening day. The Vice Ganda–Nadine Lustre starrer is leading the MMFF 2025 box-office race by a wide margin.
PHOTO/S: ABS-CBN Productions Inc. / Viva Films

GORGY RULA

As usual, hindi naglabas ng official box-office results ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa first day, Disyembre 25, 2025, Huwebes.

Sinikap ng PEP Troika na makakuha ng resulta sa unang araw sa mga sinehan ng walong pelikulang kalahok sa 51st MMFF.

Sa opening day nito noong araw ng Pasko, inaasahan na ang pangunguna sa takilya ng pelikulang Call Me Mother nina Vice Ganda at Nadine Lustre, kasama ang batang si Lucas Andalio.

As of 1 P.M. ng December 26, ayon sa ilang reliable source na napagtanungan namin, PHP49M daw ang kinita ng naturang pelikula.

Maganda ang feedback sa Call Me Mother kaya puwedeng ma-maintain nito ang pangunguna sa takilya.

Read: Ultimate MMFF 2025 Guide: MTRCB Ratings, Parade of Stars, Premiere Nights

call me mother
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAR SECOND AND THIRD

Malayo ang agwat ng pumapangalawa na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins. Less than one-third lang daw sa kinita ng pelikula ni Vice Ganda.

Ibig sabihin, more or less ay PHP16M.

Okay na rin yun, dahil kung hindi ito sa MMFF ipinalabas, baka hindi ito umabot ng isang milyon sa unang araw ng showing.

srr evil origins
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumangatlo raw sa takilya ang UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Kahit nasa third slot ito, maganda pa rin ang resulta sa takilya, na mukhang lalakas pa pagkatapos ng awards night.

Na-sold out nga raw ito sa lahat ng sinehan pagdating ng gabi, at may word of mouth pa.

Kapag humakot ito ng awards, puwede pang rumatsada sa takilya. Kaya posibleng malagpasan nito ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

unmarry
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FOURTH TO EIGHTH

Nagulat kami na ang sumusunod sa UnMarry na pinakamalakas sa takilya ay ang Bar Boys: After School.

Sabi ng ilang nag-iikot sa mga sinehan, meron daw ilang grupo na ito ang pinapanood nila.

Nag-post ang 901 Studios na nadagdagan pa ng sinehan ang pelikula nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Will Ashley, at Odette Khan.

bar boys after school
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa panlimang puwesto raw ang Love You So Bad nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu.

Sumunod ang I’mPerfect nina Earl Amaba at Krystel Go, na parehong may Down syndrome.

Pampito ang Manila’s Finest nina Piolo Pascual at Enrique Gil.

At panghuli ang Rekonek nina Gerald Anderson, Legaspi family, Bela Padilla, Andrea Brillantes, at Gloria Diaz.

Ayon sa aming reliable source, umabot daw ng PHP98M ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa unang araw ng showing ng mga ito.

Bale ang kalahati nito ay ang kinita ng Call Me Mother, at pinaghati-hatian na ng pitong pelikula ang natirang PHP49M.

Okay pa rin yun, at sana lalo pang lumakas dahil magaganda naman ang karamihan ng entries.

Tama rin ang desisyon ng MMFF na walong pelikula lang ang official entries, para kahit nasa pampito at pangwalong puwesto ka ay okay pa rin ang box-office returns.

Read: MMFF 2025 Parade of Stars: Highlights and sidelights

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEAA

Kahit humakot pa ng tropeyo ang UnMarry, pakiwari ko ay hindi matitinag sa top spot ng takilya ang Call Me Mother nina Vice Ganda, Nadine Lustre, at Lucas Andalio, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Post ng Unkabogable Star sa X (dating Twitter) nitong December 25, Huwebes ng 10:10 P.M.: “Maraming maraming salamat po Madlang People!!!! Kakatapos lang namin mag ikot sa mga sinehan.

“Tuwing bumabalik ako sa sasakyan laging may sandaling napapaisip ako at natutulala. Grabe yung pagmamahal nyo sakin. Damang dama ko. Naooverwhelm ako. Salamat po talaga!”

MMFF 2025 GABI NG PARANGAL

Sa 50th MMFF last year, kokonti ang mga sinehan for the first three days ng Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.

Pero matapos itong humakot ng awards ay nadagdagan nang nadagdagan ang mga sinehan, at parami nang parami ang mga manonood nito.

Kaya abang-abang tayo sa resulta ng 51st MMFF Gabi ng Parangal na gaganapin bukas, Disyembre 27, Sabado, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May livestream ito umpisa 8:00 P.M. sa Facebook page ng TV5.

Umpisa ngayong Disyembre 26, Biyernes, ay puwede nang gamitin ang mga complimentary pass ng MMFF 2025.

STRICTLY NOT FOR SALE ang mga ito, pero ayun at may nagbebenta online sa halagang PHP111.

Read: Anatomy of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins

NOEL FERRER

Very encouraging ang first day turn out ng 51st MMFF. May evening crowd ang official entries.

Pinost ng MMFF sa Facebook page nila ngayong Disyembre 26, Biyernes, ang pagdagsa ng moviegoers sa mga sinehan kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Call Me Mother is doing better than Vice Ganda’s film last year, And The Breadwinner Is…, na si Jun Robles Lana rin ang nagdirek.

Ang daming nagsasabi na ito ang best film so far ni Vice Ganda sa kanyang career. Congrats!

Iba rin ang hatak ng Shake, Rattle & Roll. Barka-barkada ang nanonood! Terror times three, go! Go! Go!

Very good word of mouth is working for UnMarry. At PG ito kaya winner, serious topic, pero OK ang timpla ng lahat—tawa, iyak, kurot sa puso.

Sa mga sinehan, expected yung mga sold out, pila, at block screenings.

Ang Bar Boys: After School, may cult following. Revelation dito si Will Ashley, at winner ang KeKla tandem nina Kean Cipriano at Klarisse de Guzman.

Sanib-puwersa ang Team DustBia at Team WilCa sa Love You So Bad nina Dustin Yu, Bianca de Vera, at Will Ashley. May special participation dito si Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EDITOR'S NOTE: Antabayanan ang latest update sa unofficial gross bukas, December 27. Offhand, sa hiwalay na datos na nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) as of 6 P.M., bahagyang nagbago ang ranking ng mga nasa pang-gitnang puwesto at lampas PHP20 million ang gross ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Read: Will Ashley, malakas ang laban sa MMFF 2025 Awards Night

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to unofficial reports, Call Me Mother grossed PHP49 million on its opening day. The Vice Ganda–Nadine Lustre starrer is leading the MMFF 2025 box-office race by a wide margin.
PHOTO/S: ABS-CBN Productions Inc. / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results