PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos, idiniin na bashers ang tinutukoy sa viral video

Vilma Santos: "Sila ay ang mga bashers!!!!... Hindi mamamayang Pilipino!!!!
by PEP Troika
Published Dec 29, 2025
vilma santos viral video
Batangas Governor Vilma Santos-Recto speaks out on viral video controversy amid backlash against husband Executive Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook

GORGY RULA

Hinarang ng PEP Troika ang film producer na si Bryan Diamante ng Mentorque Productions sa red carpet ng Gabi ng Parangal ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Dusit Hotel, Makati City, noong Sabado, December 27, 2025.

Si Bryan ay kilalang malapit sa mag-asawang Executive Secretary Ralph Recto at Batangas Governor Vilma Santos.

Tinanong ko siya kung meron ba silang ilalabas na statement kaugnay sa nag-viral na video ni Ate Vi.

Nag-trending si Ate Vi dahil sa mga sinabi niya laban sa bashers ng asawa niya na nahaharap ngayon sa patung-patong na reklamo (plunder, graft, malversation, at grave misconduct) dahil sa hindi umano awtorisadong paglilipat ng PHP60 billion na pondo ng PhilHeart sa ilang government projects.

Read: Ralph Recto faces complaints over PHP60B PhilHealth fund transfer

Sinabi ng actress-politician na mas kilala niya ang kanyang asawa, at minsan ay pinababayaan na lang daw niya yung mga namba-bash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Ate Vi sa nag-viral na video: “In a way, inilalagay ko sila, sina-psyche ko ang sarili ko na kaya ninyo kami tinitira kasi nasa itaas kami, at kaya kayo tumitira kasi nasa ibaba kayo.

“Sa totoo lang, magsisinungaling ako kung sasabihin ko kahit paano, hindi ako naaapektuhan. Naaapektuhan din ako.

“You know, these people, that’s what they were doing that kasi gusto nila, nandun sila sa lugar mo.

“And so, unfortunately, hindi nila makaya. So, ang tendency nila is to really hate you.”

Pagkatapos nito, natuon ang bashing ng netizens sa Star For All Seasons.

Ayaw siyang tigilan ng panlalait at bashing, pero nilinaw ng mga taong malapit sa kanya na na-splice o na-edit ang video kaya it was taken out of context.

Read: Vilma Santos' camp clarifies viral statement of Batangas governor

VILMA SANTOS BREAKS SILENCE ON HER VIRAL VIDEO

Sinubukan kong i-text si Ate Vi kung meron ba siyang statement o masasabi sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot naman siya, at ito ang nakuha naming mensahe mula sa kanya:

“Happy holidays Gorgy! Sila ay ang mga bashers!!!!... Hindi mamamayang Pilipino!!!!

“Utang na loob ko ang buhay ko at kung saan ako ngayon… sa mamamayang Pilipino!!! Hanggang sa huling hininga ko…

“Kilala ninyo ako! Salamat!”

Sa tingin ko naman, parang hindi na-splice o na-edit-edit yung video na nag-viral.

Wala ako doon sa lugar kung saan nagsalita si Ate Vi kaya hindi ko alam kung ano ang pinanggalingan ng mga pahayag niyang yun.

Wrong choice of words lang ba o maaaring dala na rin sa irita sa bashers na umaatake sa kanila?

Pero totoo nga ang sinasabi niyang kilala namin siya. Matagal na naming kilala ang Star for All Seasons.

At sa ilang beses namin siyang nakadaupang-palad, wala akong nakita sa kanyang nagmataas o nagsalita ng pagmamata sa kapwa.

Read: Celebrities weigh in on viral Marikina road rage

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Baguhan pa lang ako sa showbiz noong late ‘80s nang makilala ko ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Sa humigit-kumulang 35 taon na nasubaybayan ko si Ate Vi, ang pagkakilala ko sa kanya ay gracious, at marespeto sa kapwa. Hindi siya matapobre!

Bilang public servant, isinasaalang-alang niya lagi ang kapakanan ng kanyang constituents. Pinaninindigan niya ang kanyang mga prinsipyo.

NOEL FERRER

Kilala natin si Ate Vi at, marahil, nairita lang talaga siya sa bashers.

Marahil, hindi naman social status ang ipinakakahulugan niya at maling termino lang na "taas" at "baba" ang nagamit.

She must have meant sila ang nasa kapangyarihan at sila at napupuna ng mga tao.

Bukas naman ang kahit na sinong lingkod-bayan sa mga pagpuna.

At kilala naman si Ate Vi sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanyang constituents.

I’m sure, mas gusto niyang ipakita ang resulta at gumawa ng aksyon kaysa sa salita.

At para sa atin na nasa industriya ng pelikula, excited tayo sa gagawin niyang susunod na pelikula na balita ko’y pagsasamahan nila ni Dolly de Leon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Support tayo kay Ate Vi at sa kanyang maraming magagandang nagagawa!

Read: Vilma Santos, 10-time Star Awards for Movies best actress winner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Governor Vilma Santos-Recto speaks out on viral video controversy amid backlash against husband Executive Secretary Ralph Recto.
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results