GORGY RULA
Bukod sa inilabas na statement ng spokesperson ng MMFF at ka-Troika naming si Noel Ferrer kaugnay sa mga naglalabas ng ranking at total gross ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025, pati si Ogie Diaz ay nag-post din sa kanyang Facebook account kaugnay rito.
Aniya: “FAKE NEWS PO ITO! Lilinawin ko lang po: WALA PO AKONG SINABING GANITO SA AKING YOUTUBE CHANNEL AT MAGING SA AKING FAN PAGES.
“Wag pong magpapaniwala sa mga ganitong post na gusto lang umani ng engagement. Ayoko pong gayahin ang wish ni Kara David para sa inyo. Charot”
Read: MMFF 2025 Box-Office Update: Musta ang total gross at ranking?
FAKE MMFF 2025 BOX-OFFICE RANKING
Ang kumakalat kasi ay ang Top 5 topgrossers umano sa pangunguna ng Call Me Mother, at ang pumangalawang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins — na hindi naman makukuwestiyon.

Pero ipinagpipilitan na pangatlo raw ang Love You So Bad na meron pang figures na "PHP69M."
Kagagawan ba ito ng may hawak ng promo ng pelikula o ng fans nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu na masipag magpa-trending sa social media?

Ginawa lang pang-apat ang UnMarry, at panlima raw ang Bar Boys: After School.

Sabi ng aming reliable source, sobrang "fake news" itong ikinakalat na Top 5 box-office ranking.
Meron pang sinasabing "as of 8:00 P.M." daw noong Linggo ang naturang figures at ranking — na hindi naman ganoon kadali makakuha ng figures.
Pero ayon sa reliable sources, ayaw lang nilang maglabas ng figures pero hindi raw talaga totoo yun.
REAL FIGURES FROM RELIABLE SOURCES
So far, ang nakuha pa lang na record ng PEP Troika ay noong Sabado, December 27, kung saan a little over PHP100M daw ang kinita sa loob ng tatlong araw ng nangungunang Call Me Mother.
Hindi raw tumaas nang husto noong Linggo, December 28, na ikaapat na araw ng 51st MMFF.
Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, tumaas daw ang kinita ng UnMarry at Bar Boys: After School.

Ibinalita rin sa amin ng taga-Nathan Studios na masaya sila dahil tumaas daw ang I’mPerfect pagkatapos ng Gabi ng Parangal.

Tingnan natin bukas, December 30, na holiday kung dadami pa ang mga taong manonood sa mga sinehan.
Umaasa naman ang mga taga-MMFF na lumakas pa itong ngayong filmfest.
“Hopefully na mangyari yan, na matapatan o malagpasan yung gross receipts natin,” pakli ng MMDA Chairman Atty. Don Artes.
Read: PEP Troika's Bets: MMFF 2025 Gabi ng Parangal acting awards
JERRY OLEA
Tigpito ng awards ang UnMarry at Manila’s Finest sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.
Nakaapat ang Call Me Mother. Nakatatlo ang I’mPerfect.
Nakadalawa ang Bar Boys: After School, at nakaisa ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Walang nasungkit ang Rekonek at Love You So Bad.
Ang pampalubag-loob sa Love You So Bad, Stars of the Night ang tatlong bidang sina Bianca de Vera, Dustin Yu, at Will Ashley.
Hirit ng isang showbiz kibitzer, “Sponsored kasi yang award na Stars of the Night. Siyempre, hindi puwedeng piliin yung ibang artista na may ineendorsong kakumpetensiya ng nagbigay ng special award.”
CALL ME MOTHER ASSURED OF NO. 1 SPOT
Sa trajectory ng grosses ng MMFF 2025 entries, hindi na matitinag sa pagiging topgrosser ang Call Me Mother, lalo pa’t best actor ang bida rito na si Vice Ganda.
Hindi kataka-takang makatulong sa takilya ng UnMarry ang awards na natamo nito, lalo pa’t positibo ang word of mouth dito.
Lahat ng showbiz insiders na nakausap natin ay nagsabing UnMarry ang No. 3 sa takilya ng MMFF 2025.
Sobrang fake news daw yung pautot na kesyo Love You So Bad ang pangatlo sa takilya.
Take note na noong Disyembre 28, Linggo, ay Niños Inocentes (Holy Innocents’ Day).
Kaya yung pakalat noong Disyembre 28 na kesyo No. 3 sa takilya ang Love You So Bad… it’s a prank?!?!?!!!
Ayon sa source ng PEP Troika, mas mataas ang kinita ng Call Me Mother noong Linggo kumpara noong Sabado.
Noong Linggo, tumaas daw ng PHP150,000 ang Manila’s Finest samantalang bumaba ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Tumaas ang Love You So Bad dahil sa block screenings.
Tumaas din ang UnMarry, Bar Boys: After School, at I’mPerfect.
Ganoon pa rin ang ranking:
- Call Me Mother
- Shake, Rattle & Roll: Evil Origins
- UnMarry
- Bar Boys: After School
- Love You So Bad
- I’mPerfect
- Manila’s Finest
- Rekonek
Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025
NOEL FERRER
Basta, kinailangan talagang sabihin na FAKE NEWS ang naglalabasang gross sales at ranking dahil iniwasan talaga namin iyan sa MMFF Execom.
Sabi ko nga sa isang pahayag: "TO SET THE RECORDS STRAIGHT:
"The MMFF Executive Committee refrains from disclosing official rankings and box office grosses, as per our agreement with the producers, in order to mitigate the bandwagon effect that may potentially impact the performance of our entries.
"Instead, we encourage the public to experience and support ALL THE FILMS showcased in this year’s MMFF, thereby demonstrating your unwavering love and appreciation for the Philippine film industry.
"Since we’re still in a long holiday, we eagerly await your presence in our cinemas. Patuloy pa rin nating suportahan ang ating gawang Pinoy lalo na sa pelikula!!!"
