JERRY OLEA
Nagpakitang-gilas ang ilang baguhan o batang artista sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Interesting kung magpapatuloy sila sa pag-aartista, o maihahalintulad kay Rebecca Lusterio na MMFF 1999 best child performer para sa Muro-Ami.
Nagwagi rin si Rebecca na MMFF 2004 best supporting actress para sa second movie niyang Panaghoy sa Suba.
Ang ikatlo at huling pelikula ni Rebecca ay ang MMFF 2006 official entry na Ligalig.
Ang bida sa Muro-Ami, Panaghoy sa Suba, at Ligalig ay si Cesar Montano.
Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025

Narito ang ilang “baguhang” aktor na pumukaw sa ating pansin sa MMFF 2025:
LUCAS ANDALIO
Best child performer ang seven-year-old na si Lucas Andalio sa kanyang pagganap bilang Angelo na pinag-agawan nina Twinkle (Vice Ganda) at Mara (Nadine Lustre) sa Call Me Mother.
Ayon sa huradong si Gladys Reyes ay runaway winner si Lucas, lalo pa’t buo ang role nito sa pelikula, unlike sa dalawang nakatunggali na sina Ellie Cruz ng Rekonek, at Argus Aspiras ng Love You So Bad.

ZAC SIBUG
Pinagkalooban si Zac Sibug ng Jury Prize bilang breakthrough performance, at nominadong best supporting actor para sa UnMarry.
Gumanap siya sa pelikula bilang Elio, anak nina Ivan (Zanjoe Marudo) at Maya (Solenn Heussaff). Iilan ang eksena pero markado ang pagganap.
Ayon sa MMFF 2025 best director na si Jeffrey Jeturian, pinilit lang ito ng kanyang lola na producer ng movie, si Atty. Joji Alonso.

WILL ASHLEY
Matagal-tagal na sa local showbiz si Will Ashley.
Nakilala kahit paano sa mga TV drama series na Prima Donnas (2019-2022) at Unbreak My Heart (2023), kung saan nabuo ang WillCa tandem nila ni Bianca de Vera.
Sumikat siya nang lubos nang maging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition (2025).
Sa MMFF 2025, nominado si Will sa dalawang kategorya — best actor para sa Love You So Bad, at best supporting actor para sa Bar Boys: After School.
Si Dustin Yu ay dalawa rin ang pelikula sa MMFF 2025 — Love You So Bad at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins — pero hindi ito na-nominate.
Sina Will at Dustin ang Male Stars of the Night sa 51st MMFF Gabi ng Parangal.
Ang big winners ng PBB Celebrity Collab na sina Brent Manalo at Mika Salamanca ay kasama sa Call Me Mother, pero katiting lang ang exposure nila roon.
Read: Will Ashley, malakas ang laban sa MMFF 2025 Awards Night

KRYSTEL GO at EARL AMABA
Sina Krystel Go at Earl Amaba na parehong may Down syndrome ang mga bida sa pelikulang I’mPerfect.
Nagwagi si Krystel na best actress. Kinabog niya si Angelica Panganiban na bidang babae sa UnMarry.
Nominadong best actor si Earl.
Inaasam ng actress-producer na si Sylvia Sanchez, maging ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo, na magpatuloy sa pag-aartista sina Krystel at Earl.

BIANCA DE VERA
Nominadong best actress si Bianca de Vera para sa Love You So Bad.
Ang papel niyang Vanna ay naikumpara sa “bad girl” na si Mela (Claudine Barretto) sa pelikulang Dahil Mahal na Mahal Kita (1998).
Pinag-agawan si Mela nina Miguel (Rico Yan) at Ryan (Diether Ocampo).
Yung love triangle ng Love You So Bad ay may bahid din ng pelikulang Nakakaaliw, Nakakabaliw (1981) na tinampukan nina Alma Moreno, Lloyd Samartino, at Mark Gil.
Si Bianca ang Female Star of the Night sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.
Silang tatlo nina Will at Dustin ang presenters sa kategoryang best float, ang unang parangal sa awards night.
In-introduce sila bilang “the breakout stars of Love You So Bad.”

ASHTINE OLVIGA
Nominadong best supporting actress si Ashtine Olviga para sa Manila’s Finest, kung saan gumanap siya bilang Agnes Magtibay, anak ni Homer Magtibay (Piolo Pascual).
Karangalan sa kanyang maihanay sa iba pang nominado sa kategoryang ito na pawang beterana sa industriya.
Andiyan sina Eugene Domingo at Solenn Heussaff ng UnMarry, Sylvia Sanchez at Janice de Belen ng I’mPerfect, at ang nagwaging si Odette Khan ng Bar Boys: After School.
Ka-loveteam ni Ashtine si Andres Muhlach sa pelikulang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na ipinalabas sa local cinemas noong Setyembre 24, 2025.
Read: MMFF 2025 Gabi ng Parangal sidelights

KLARISSE DE GUZMAN
First runner-up si Klarisse “Klang” de Guzman sa first season ng The Voice of the Philippines (2013).
Nagwagi siya sa third season ng Your Face Sounds Familiar (2021).
Matagal nang mang-aawit si Klang. Matapos ang stint niya sa PBB: Celebrity Collab Edition, sumabak na siya sa pelikula.
Tampok siya sa dalawang official entry ng MMFF 2025: ang topgrosser na Call Me Mother, at ang Bar Boys: After School.
Kagaya ng PBB: Celebrity Collab Edition big winners na sina Brent Manalo at Mika Salamanca, kakarampot ang papel ni Klarisse sa Call Me Mother.
Maikli rin lang ang role ni Klarisse sa Bar Boys: After School, pero nakaw-eksena ang pakilig ng KeKlang tandem nila ni Kean Cipriano. Promising!
Sa Gabi ng Parangal, nag-present ang KeKlang sa kategoryang best editor.

GORGY RULA
PBB CELEBRITY COLLAB EDITION HUNKS
In fairness to Dustin Yu, ang lakas ng dating niya sa screen. Ang guwapo!
Bagay kay Bianca de Vera ang malanturay na karakter na aligaga sa mga boylet sa Love You So Bad.
May iba pang young or new stars sa 51st Metro Manila Film Festival na promising o may potential.
Andiyan si Emilio Daez bilang Ziggy sa Bar Boys: After School, at si River Joseph bilang fiancé ni Mara (Nadine Lustre) sa Call Me Mother.

SASSA GURL
May shining moment si Sassa Gurl sa Bar Boys: After School, ganoon din sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Ilulunsad si Sassa Gurl sa Multwoh na kalahok sa Puregold 2026 Cine Panalo Film Festival. Leading man niya rito si Martin del Rosario.

ESNYR RANOLLO & SHUVEE ETRATA
Tingnan natin kung makakaagapay sa kanya si Esnyr Ranollo na kasama sa Call Me Mother.
Binawasan nga ba ang exposure ni Shuvee Etrata sa Call Me Mother, o iyon lang talaga iyon?

DYLAN MENOR
Si Dylan Menor, tinilian ng fans sa red-carpet premiere ng Manila’s Finest.
Dalawang palabas ng TV5 ang pagbibidahan ni Dylan sa 2026, Project Loki at Magic Boys.

SRR: EVIL ORIGINS LOVETEAM
Nagpasiklab sa second episode ng Shake, Rattle & Roll: After School ang loveteams nina Seth Fedelin at Francine Diaz, at JM Ibarra at Fyang Smith.
Bida ang FranSeth sa MMFF 2024 entry na My Future You.
Title role si JM sa topgrosser ng Cinemalaya 2025 entry na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana).
Kabilang pa sa young stars ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sina Arkin Lagman, Dylan Yturralde, Matt Lozano, Sarah Edwards, at Raven Rigor.

LEGASPI TWINS
Andiyan din ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi ng Rekonek.
First movie ni Mavy ang Rekonek, samantalang second para kay Cassy.
Ang unang movie ni Cassy ay ang MMFF 2023 official entry na When I Met You in Tokyo.
Read: Panalo ni Vice at ng I'mPerfect sa MMFF, may hatid na mensahe?

NOELFERRER
MICHAEL SAGER
Isasama ko si Michael Sager na favorite ko nang young host na talaga namang sinipag at tyinaga lahat ng MMFF 2025 premieres pati na ang Gabi Ng Parangal.
Magaling na, mabait pa. I really hope he would be further developed as a host and an actor.
Aside from Michael, sana makita rin ng GMA-7 na may potential din for hosting and performing si Cassy Legaspi.
At OK na OK sa akin na pagsamahin sila ni Michael sa mga projects.
Promise! Mahal ko na sila!
Read: Michael Sager earns praise for hosting MMFF 2025 Gabi ng Parangal

