GORGY RULA
Sa kabila ng maraming gustong humarang sa mga ipinapalabas ng CinePop, tuloy pa rin ang mapangahas na streaming app at hindi nagpapatinag.
Noong Lunes, December 29, 2025, nag-shoot sila ulit ng ilang episodes ng Bold Cast, ang podcast na hinu-host ng ault content creator na si Salome Salvi.
Ito ay sa kabila na hanggang ngayon ay suspended pa rin ang Facebook account ng CinePop.
Read: Pagkakasuspinde ng CinePop Facebook page, tinrabaho?
CEASE AND DESIST PETITION FROM SOCIAL MEDIA BROADCASTERS
Ang pinakabagong balakid na hinaharap ng CinePop ay ang inilabas na press statement ng grupong Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), kung saan ipinapa-cease and desist nila ang mga content ng CinePop sa social media.
Kasamang hinainan ng demand letter ay ang isa pang content creator na si TiyoBrio.
Bahagi ng press statement na ipinadala ng KSMBPI noong December 22: “The Kapisanan Ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) confirms that it has formally issued demand letters to Ms. Salome Salve of CinePop and Mr. Brian Babilonia, also known as ‘TiyoBrio,’ directing them to immediately cease and desist from posting, publishing, and disseminating obscene, sexually explicit, and sexually exploitative content on social media platforms.”
SALOME SALVI UNBOTHERED BY DEMAND LETTER
Sabi ni Salome nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang linggo, hindi sila nasisindak sa sulat ng KSMBPI.
Kahit suspended ang Facebook account ng CinePop, tuloy pa rin daw sila sa paggawa ng kanilang content na napapanood sa YouTube at iba pang platforms ng naturang mobile entertainment app.
Saad ni Salome: “Tuluy-tuloy pa rin naman po ang production ng Bold Cast. Actually, meron po kaming upcoming shoot sa 29.
“Hindi po naging hadlang sa production namin yung pagka-suspend ng Facebook page namin.
“Kasi, we know that whatever platform that is hosting the bold cast, it will remain gaining traction. Kasi engaging siya, e.
“Naano na parang na-assess namin na marami siyang nata-touch na mga audience.
“So, despite the absence of our Facebook page, we still post in on YouTube, we still post teasers on Instagram and Facebook.
“So, hindi siya naging hadlang.”
Sabi naman ng direktor at CEO ng CinePop na si Albert Langitan: “Of course, hindi maaapektuhan yung Bold Cast kasi sa punto de vista namin, wala kaming ginagagawang mali.
“Maganda lang din naman na nagbigay sila ng letter na yun, kasi para mapag-usapan kung ano yung dapat na pag-usapan, di ba?”
Kung wala man sila sa Facebook ngayon, may ibang platform pa naman daw kung saan napapanood ang kanilang content.
Sabi ni Direk Albert: “Actually, meron naman kaming another page, yung UnliCinePop na kumbaga nilipat lang namin dun sa ipino-post dun sa na-suspend na page.
“Yung Bold Cast siyempre, sabay naman talaga umeere sa na-suspend na page and sa YouTube.
“Ngayon ay nasa YouTube pa rin siya, hindi pa rin namin inaalis. Pero nakaplano talaga eventually na ilipat yung Bold Cast dun sa OTT platform namin na CinePop.”
Read: Salome Salvi, tinawag na "symbiotic" ang collab sa adult creators

JERRY OLEA
Matatalas ang mga pahayag ni Salome Salvi bilang reaksiyon sa demand letter ng KSMBPI.
Aniya: “Ako, personally, hindi ako nasindak.
"Kasi, I know that this organization, this person, whoever drafted this notice, is not on my intellectual level because they could not even spell my name right.
“They could not spell Tiyo Brio’s name right. They couldn’t present press release that is grammatically correct.
“So, why would I engage with that? It’s not even ahh… well, it’s not even meet-me-where-I-am. So, I’m not bothered by it.”
May karagdagan pang hanash si Salome sa sinasabi ng KSMBPI: “Sa CinePop, when we received the ‘cease and desist’ letter, parang when we tried to formulate our response to it….
“Parang napaisip tuloy kami, sino ba ang nagde-define kung ano ang immoral at moral?
“At para sa akin, personally, ang immoral para sa akin is to keep people dumb, is to not do your responsibility as a media outlet to not inform people about pressing issues that affect them.
“If you censor yourself to the detriment of the intelligence of your audience, iyon yung immoral para sa akin.
“Like, hahayaang mananatiling bobo yung mga nakikinig sa iyo, dahil lang may nagsasabi na, ‘Uy, imoral yung sinasabi mo. Dapat hindi ka pinapakinggan.’ Sa akin, iyon yung imoral, e.
“Iyon yung definition namin sa responsibility sa amin, sa audience namin.
“Thankfully, dahil dito sa cease and desist letter na ito, na-reinforce sa amin yun kung ano yung dapat naming kailangang gawin, which is lakasan pa yung boses namin,” tila nagpupuyos sa galit na sabi ni Salome.
Read: Mark Mugen on Top of His Game
NOEL FERRER
Hindi aware si Direk Albert Langitan sa grupong Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas.
Ang alam lang daw niya ay ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBS) na kailangang sundin. Meron nga bang regulatory power itong KSMBPI, base sa inilabas nilang demand letter?
“Ngayon lang ako naging aware na nag-e-exist yung organization na yun, no?” pakli ni Direk Albert.
“Of course, alam natin na wala itong regulatory function or power.
“What they are doing is to present itself na parang… yung wordings kasi na parang… yung wordings kasi na kung hindi mo inaaral yung background na kung sino yung nagsasalita, masisindak ka na parang very authoritative na ‘cease and desist,’ di ba?
“Na normally ang gumagawa lang niyan, yung mga government agencies na may power.
“Pero this organization is I think… what they did is parang regulatory overreach. Parang misrepresenting kung ano talaga yung organization na ito.
“Siguro parang naniniwala sila sa idea na, ‘Kapag sinabi ko, at kapag may nasindak sa sinabi ko, may power na ako.’
“Parang ganun yung nangyayari e. Parang the members kung sino man ang gumawa nun, sinusubukan niyang i-legitimize kung ano man yung organization na yun.
“Ganun lang kasimple,” saad ng direktor at CEO ng CinePop.
Read: Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla
