GORGY RULA
Masayang nakipagtsikahan sa PEP Troika ang magkasintahang Coco Martin at Julia Montes na dumalo sila sa birthday dinner ng character actor-director na si Ihman Esturco.
Ginanap ang selebrasyon sa Azadore restaurant noong Biyernes, January 2, 2025.
Si Ihman ang nag-handle kay Coco noong nagsisimula pa lamang ang showbiz career ng aktor.
Read: Andrea Brillantes welcomes 2026 with rumored non-showbiz boyfriend
Sa Amerika na naninirahan si Ihman, pero may komunikasyon pa rin sila ni Coco.
At ngayong nandito siya sa Pilipinas ay isinama siya ni Coco sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Batang Quiapo.
Abala rin si Ihman sa pag-aasikaso sa sinimulan niyang business venture sa Pilipinas, ang Palit ng JuanPay, kasama ang business partners niya sa Arizona, USA.
Natawa si Coco pagdating sa birthday dinner ni Ihman dahil parang siya raw ang may birthday.
Muli niyang nakita ang ilang mga taong tumulong sa kanya noong bago pa lamang siya sa showbiz.

COCO MARTIN AND JULIA MONTES NOT HIDING ANYTHING
Game na game naman sila ni Julia na nagpa-interview sa PEP Troika, pero safe lang ang sagot niya sa ilang isyu tungkol sa kanilang dalawa.
Napag-uusapan lately ang balak daw nilang manirahan sa Spain.
Napangiti ang Kapamilya Primetime King sa tanong namin kung totoong may binili silang property sa Espanya at posibleng doon na sila manirahan kung sakaling gusto na nilang iwan ang showbiz.
Sabi ni Coco: “Ano lang. Kasi siguro madalas kami ano ngayon, e. Pag umalis kasi kami, lagi kaming nakikita sa Spain.
“Siguro, alam niyo yun, maraming mga tao. Kaya, kami hindi na lang namin pinapansin kung ano man.
“Basta kami, sabi nga lang namin, ang importante, nagkakaintindihan kami at masaya kami. Kaya okay lang yun kung ano man yun.”
Aware daw sina Coco at Julia sa mga pinag-uusapang kuwento tungkol sa kanila ni Julia, kabilang na ang pagkakaroon na raw nila ng tatlong anak.
Hindi na lang daw sila nagpapaapekto dahil gusto nilang panatilihin itong pribadong bahagi ng kanilang buhay.
“Matagal na po ano…. wala naman kaming itinatago ni Juls,” diin ni Coco.
“Kumbaga, basta kung ano na lang nakikita ng tao, kung ano ang gusto nilang isipin, okay lang yun.
“Basta kami, ang pinakaimportante sa amin yun, kami… at least kami, maayos yung pamilya namin at napoprotektahan po namin.
“Matagal na po yan. Kumbaga, alam niyo naman yung mga tao, maraming espekulasyon, e.
“Pero kami, honestly, kung ano man yung nasa isip nila, kung ano man yung lumalabas, nirespeto na lang namin yun.
“Pero sa amin kasi ni Juls, yung privacy namin as partners sa buong family po namin, talagang kini-keep na lang po namin yun.
“Kasi alam niyo naman ngayon, di ba? Ang daming… lahat, pinapakialaman, di ba?
“Sabi ko nga kami, kung bakit kami tumagal, yung relationship namin, kasi mas pinili namin na maging tahimik at pinrotektahan yung buong pamilya namin at yung sarili po namin.”
Sabi naman ni Julia: “Ang ano lang naman, kasi ang gulo lang naman talaga ng social media.
“From the very start naman po, yun naman talaga kami as a person—mahiyain, private.
“Hindi dahil sa ayaw namin i-share, but because siguro pinag-iingatan lang namin kung lang ang meron kami.”
Hindi raw sila naaapektuhan sa kung anu-anong pinag-uusapan tungkol sa kanila.
Saad ni Julia: “Hindi naman po. Okay naman po kami.
“As long as sinasabi namin, we are blessed and lahat safe, lahat healthy, yun ang pinakaimportante.”
Read: Coco Martin opens up about relationship with Julia Montes
NOEL FERRER
Noong Enero 1, 2026, Huwebes, ang last airing ng FPJ’s Batang Quiapo sa TV5.
Kinabukasan, Biyernes, January 2, ay nagsimula na sila sa AllTV.
Pinabulaanan ni Coco Martin ang napabalitang malapit na nilang tapusin ang Batang Quiapo.
Ang sabi daw sa kanila, tuloy pa rin ang kanyang teleserye kahit wala na sila sa TV5.
Saad niya: “Wala namang sinasabi sa amin, e. Basta yung sinabi lang sa amin po mas pagandahin, tuluy-tuloy lang ang trabaho.
“Ang nakakatuwa kasi mas pinapalakas nila ang loob namin… ng ABS, yung buong show.
“Kaya kung mapapansin niyo, ano, e, pahitik nang pahitik ang kuwento, mas tumitindi yung action na inaano po namin.”
Nagpasalamat si Coco sa TV5 na binigyan sila ng espasyo para sa mga programa ng Kapamilya network.
“Honestly, mas nagpapasalamat kami talaga sa Channel 5, sa opportunity na ibinigay nila sa amin.
“And then, yun e… nakakalungkot na nangyari yun. Pero ganun naman, e, magmula nang magsara yung ABS CBN, akala namin wala na.
“Pero nakabangon ulit, nakapag… alam mo yun, from Probinsyano, and then nag-Batang Quiapo,” sambit ni Coco.
Read: PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025

JERRY OLEA
Nagpasalamat din si Coco Martin sa mga sumusubaybay sa Batang Quiapo na hindi raw sila iniiwan.
Sana raw ay samahan pa rin sila sa AllTV. Panibagong challenge ito sa kanila ngayong nasa bagong tahanan na sila.
Basta tiniyak niyang tuluy-tuloy pa rin daw silang mapapanood sa telebisyon.
Aniya: “Natsa-challenge, siyempre po. Pero alam naman namin na nandiyan yung mga tao.
“Yung lahat na sumuporta, sumubaybay from Probinsyano to Batang Quiapo, alam po namin na lagi silang nandiyan para sa amin. Kaya mas lalo naming pinagbubuti yung show.
“Dire-diretso lang po yung Batang Quiapo. Kaya sa lahat po na sumusuporta at sumusubaybay, sana po samahan niyo po kami.
“Saan man po kami lumipat, magkita-kita po tayo. Andiyan na po kami sa AllTV 2,” nakangiting pahayag ni Coco.
Nagpasalamat ang DreamscapePH online sa 519,577 na Kapamilyang tumutok sa January 2, Friday episode ng Batang Quiapo sa YouTube channel na Kapamilya Online Live.
