GORGY RULA
Nangako si Paolo Contis sa dalawang anak niya kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene na magpa-Pasko kasama sila sa Cebu.
Pinag-usapan daw nila itong mag-aama noong nandito sa Maynila sina Xonia at Xalene na nanood ng concert ng BLACKPINK.
Tinapos lang ni Paolo ang Pasko at lumipad na siya ng Cebu para tuparin ang pangako sa kanyang mga anak.
Bumalik siya sa Maynila bago mag-Bagong Taon para makasama naman daw niya ang kanyang ina.
“I was in Cebu after Christmas and went home before New Year para may kasama si Mama din dito sa Manila,” text sa akin ni Paolo.
Read: Andrea Brillantes welcomes 2026 with rumored non-showbiz boyfriend
PAOLO CONTIS' FAMILY IN CEBU
Pagbalik niya ng Maynila, nag-post si Paolo ng mga larawan kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan na kuha nung nagdaang holiday season.
Mensahe niya sa kanyang post sa Facebook at Instagram: “A very well spent holiday… kasama ang aking pamilya sa Manila at sa Cebu! Mahal ko kayong lahat! (heart emoji)”
Tinanong ko si Paolo tungkol sa itinuturing niyang pamilya sa Cebu, kahit may kanya-kanya na silang buhay ni Lian.
“Talagang pamilya ko na sina Lian and John because we are parents.
“You can call it modern or blended family, basta ang center namin ay ang pagmamahal namin sa mga bata.
“Yes it took a while, but I believe the timing is perfect,” text ni Paolo sa PEP Troika.
Read: Paolo Contis, baon ang "pagpapatawad" mula sa pagbisita sa Cebu
NOEL FERRER
Naging magaan para kay Paolo Contis na nanaig ang pag-aayos, nagkapatawaran, at naging magkaibigan pa sila ni John Cabahug, ang mister ng ex-wife niyang si Lian Paz.
Naniniwala ang Kapuso actor na ang Panginoon na ang magtatakda kung kailan ang tamang panahong maging okay na ang lahat.
Nang tinanong ng PEP Troika sa kanya ang tungkol naman sa anak niya kay LJ Reyes na si Summer, sinabi nitong darating din ang araw na yun at sana ay makita na raw niya si Summer.
Ilang beses sinasabi ni Paolo na sobrang na-miss na raw niya ang anak niya kay LJ Reyes.
JERRY OLEA
Nakaka-good vibes ang bonding ni Paolo Contis sa dalawang daughters niya kay LIan Paz.
Inaasam nating magkaayos sa tamang panahon sina Paolo at LJ Reyes, at maka-bonding ni Summer ang half-sisters niyang sina Xonia at Xalene.
