NOEL FERRER
Extended ang 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ng isang linggo.
Valid ang mga MMFF 2025 complimentary pass hanggang Enero 14, 2026, Miyerkules.
Nakatutuwa na patuloy ang suporta ng publiko sa 51st MMFF, kung saan ang daily kita sa box office pagkatapos ng Bagong Taon ay mas mataas sa mga daily kita noong nakaraang taon.
Ang pagtaas ng ticket sales ay patunay sa kapangyarihan ng word-of-mouth at pagbabalik ng mga manonood mula sa kanilang mga bakasyon, sa kabila ng pag-amin ni MMDA/MMFF Chair Don Artes ng pagbagsak ng festival sa kabuuang kita noong nakaraang taon.
Read: PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025
HIGHEST-GROSSING FILM OF 2025 IS FROM MMFF
Ang lineup ng festival ay naging isang major attraction din, kung saan pito sa walong MMFF 2025 entries ay umabot sa walong-digit na kita — at ang ilan ay lumampas pa.
Ito ay kahanga-hangang tagumpay na nagpapatunay sa kakayahan ng festival na magbigay ng mga pelikulang nakakakonek sa mga manonood.
Sa kabila ng mga hamon sa paggawa ng pelikula sa ilalim ng maraming bagyo at iba pang mga kalamidad noong nakaraang taon, galing sa 51st MMFF roster ang pinakamataas na kita ng pelikulang Pilipino ng 2025.
Patunay ito sa katatagan at pagiging malikhain ng mga Pilipinong gumagawa ng pelikula.
Kahit na may kritisismo mula sa netizens at gumagawa ng pelikula dahil sa mataas na presyo ng tiket, ang MMDA ay nagpaplanong repasahin ang presyo ng tiket upang ma-improve pa ang theater attendance.
Sabi ni MMDA/MMFF Chairman Don Artes, ang pagbaba ng presyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng benta.
Ang MMFF ay nakatuon sa pagpapabuti ng karanasan sa panonood ng pelikula, tulad ng patuloy na pagkausap sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Ang festival ay nag-e-explore ng incentives, tulad ng volume sales o promo bundle schemes, upang gawing accessible ang panonood sa mismong sinehan sa mas malawak na sektor ng manonood.
Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025
GORGY RULA
May mga naglabas sa social media ng unofficial box-office results ng MMFF 2025.
Sabi ng aming reliable source, hindi accurate ang figures na lumabas. Pero tama raw ang ranking ng walong kalahok na pelikula:
- Call Me Mother
- Shake, Rattle & Roll: Evil Origins
- UnMarry
- Bar Boys: After School
- Love You So Bad
- I’mPerfect
- Manila’s Finest
- Rekonek
Pero mas mabuting hintayin na lang daw ang official announcement mula sa MMFF.
Kahit hirap tayo at mahal ang presyo ng ticket sa sinehan, marami pa rin ang nanonood.
Pero hinaing ng ilang producers ay marami pa rin ang lugi.
Tantiya ng iba, baka dalawang pelikula lang sa walong entries ang kumita.
Ang iba ay umaasa na lang makabawi sa international screening at kapag mabenta nila ito sa streaming service kagaya ng Netflix.
Read: Meet the newbies and young standouts of MMFF 2025
MMFF MOVIES FOR KIDS
Maraming mga hanash at opinyon na ipinu-post sa social media, kung bakit ganito ang resulta ng MMFF 2025.
Umaayon ang karamihan na dapat ay meron talagang pelikulang pambata sa susunod na MMFF.
Ilang taon na ring walang maayos na fantasy o pelikulang pambata. Sana, sa susunod na MMFF ay ma-achieve na ito.
May mga naririnig kaming gagawa raw uli si Vic Sotto ng pelikulang pambata.
Meron ding nagkukuwentong posibleng magkaroon ng collaboration sina Bossing Vic at Vice Ganda.
Maganda rin yan kung matutuloy!
Sabi naman ni Vice Ganda, kailangan meron pa ring comedy sa susunod na pelikulang gagawin niya. Hindi raw puwedeng wala.
Totoo bang may pinaghahandaang fantasy movie na pambata ang GMA Pictures?
Sana mabalanse ang pipiliing entries sa susunod na Metro Manila Film Festival.
Sina-suggest din namin sa MMFF Executive Committee na sana ay talagang todo ang suporta ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaki-laking subsidy o grant sa bawat pelikulang mapili.
Kahit paano’y makakabawas iyon sa malaking inilalabas na pera ng producers.
Read: PEP Troika's Choice: Best Performances in Supporting Roles of 2025
JERRY OLEA
Para sa karagdagang kasiyahan ng Filipino community sa Middle East, isang libreng konsiyerto ang gaganapin sa Enero 10, 2026, Sabado.
Abangan sa Facebook page ng MMFF kung paano makakakuha ng libreng tiket ng Konsyerto Para Sa Filipino.
Pero bago yang free concert, puwedeng makipagkumustahan muna with the stars of MMFF 2025 entries na Love You So Bad, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, UnMarry, Bar Boys: After School, at I'mPerfect.
Libre rin ang event na ito na tinaguriang HELLO, DUBAI! at gaganapin sa DSF Al Rigga Night Market sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), sa Enero 9, 2026, Biyernes.
Ang MMFF 2025 stars na inaasahang a-attend sa meet-and-greet at free concert ay sina Will Ashley, Bianca de Vera, Dustin Yu, Donna Cariaga, Eugene Domingo, Atty. Nico Antonio, Joey Marquez, at Sylvia Sanchez.
Tampok din sa free concert sina Bamboo, Sofronio Vasquez, Morissette, John Arcilla, at Enchong Dee.

Hindi na kinayang magpa-screen ng films doon dahil sa logistics at sa pagiging talamak ng piracy pa rin.
Ganoon pa man, patuloy nating suportahan ang MMFF at ang industriya na kinakatawan nito upang ang momentum ng pagdiriwang na ito ay magdulot ng patuloy na suporta sa mga lokal na gumagawa ng pelikula at sa mayamang kuwento na nakakaantig sa mga manonood.
Related Stories:
- REVIEW: I’mPerfect, a movie with a massive heart
- REVIEW: Manila's Finest is visceral and deeply affecting
- REVIEW: Rekonek is a pretty fun ride
- REVIEW: Bar Boys: After School is a reunion worth attending
- REVIEW: Love You So Bad, a solid rom-com and not just fan service
- REVIEW: UnMarry is mature, sensitive look at the end of love
- REVIEW: Call Me Mother is Vice Ganda at his best
- REVIEW: Shake, Rattle & Roll: Evil Origins crackles with life and scares
