PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino, personal naranasan ang mabagal na hustisya

Rocco Nacino, inireklamo ang dating empleyado na tumangay ng pera.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2026
rocco nacino
Rocco Nacino on his pursuit for justice against a former employee: “Imbes po na hayaan, kailangan maturuan siya ng leksiyon. Pero nakakadismaya dahil sa bagal ng justice system sa Pinas. Kailangan pa bumiyahe ng RTC para mag-file ng case.”
PHOTO/S: Rocco Nacino Facebook

GORGY RULA

Naghihimutok pa rin hanggang ngayon si Rocco Nacino sa bagal ng proseso para papanagutin ang taong tumangay ng pera sa negosyo niyang Dino Crew.Ph.

Bandang September 2025 pa nangyari ang insidente kung saan hindi ini-remit ng dating tauhan ng Kapuso actor ang bayad ng isang kliyente nila.

Hindi binanggit ni Rocco ang exact amount ng tinangay na pera, pero five digits daw ito.

Hindi ito ganun kalaki kagaya ng ibang naloko ng pera, pero ayaw raw ni Rocco na basta malusutan na lang ito ng dati niyang staff.

Read: Michael Pacquiao's girlfriend Joyce Tan Custodio breaks silence on age-gap issue

ROCCO NACINO'S ORDEAL ON SEEKING JUSTICE

Ikinuwento ni Rocco sa kanyang Facebook account nang pumunta siya sa barangay sa Caloocan City, kung saan nakatira ang taong pinabarangay niya.

“Na-experience ko na, at nangyari sa akin yung empleyado na kumuha ng pera.

“Wala, e. No choice nung time na yun na siya ang tumanggap ng cash na bayad ng kliyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako naman, nag-entrust ako at hinayaan. Sabi sa akin na ide-deposit. Mga three months, hindi na-deposit at tuluyan na akong ginhost," saad niya.

Pinagharap daw sila ng dati niyang tauhan sa barangay para magkaroon ng mediation.

Pero wala rin daw nangyari kaya dumiretso na si Rocco sa Regional Trial Court (RTC).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pinabarangay ko. Nagbigay ng kasulatan na ibabalik ang pera sa [December] 31, pero never nangyari.

"Kaya diretso na po ako ng RTC para kasuhan siya,” text ni Rocco sa PEP Troika nang kinumusta namin ito sa kanya.

Nadidismaya lang ang Kapuso actor dahil sa bagal ng proseso para makuha ang hinihingi niyang hustisya.

“Ang proseso pagdating sa mga ganyan… ang barangay will be mediating sa usapan. And if kung wala talaga at hindi tumupad sa usapan, and then they will recommend na ipa-blotter na yan,” sabi ni Rocco.

Read: Filipino singer Gwyn Dorado places second on South Korea's Sing Again 4

Naka-relate nga raw siya sa pelikula nilang Bar Boys: After School, na kalahok sa MMFF 2025.

Sabi pa niya sa Facebook: “Nakakatawa kasi we’re promoting Bar Boys ngayon, and how ironic it is to… you know, see how actually experience the justice system na meron tayo.

“It’s funny lang kasi to require and ask for justice… ay napakahabang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“True enough! Nangyari sa Bar Boys, and for me, kami ni Kuya [barangay official], hinahanap namin yung barangay dito sa Caloocan.

"Ang daming pasikut-sikot, ang daming kailangang puntahan at ilang beses kaming nawala.

“Eventually, nahanap namin itong barangay na ito.

“The whole process will take so long and kailangan present yung complainant. So, galing pa ako Antipolo, pumunta ako dito.

“Kailangan siyang puntahan sa bahay para imbitahin sa barangay para to settle. And if hindi, dun pa lang magpapa-blotter at mapupunta sa police station.

"Ang laking hassle. Sobrang hassle."

Read: Philippines included again in Canada’s visa-free travel program

NOEL FERRER

Parang nagiging totoo ang mga isyung tinalakay ng pelikulang Bar Boys: After School ukol sa mabagal na prosesong legal.

Pursigido si Rocco na ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa dati niyang tauhan. Ayaw niyang malusutan siya ng taong ito nang ganun na lang.

Ani Rocco: “Katatapos lang natin ng Bar Boys, at dun tayo nasanay sa culture na ‘Hayaan mo na lang. Ganitong halaga lang yan, ayokong ma-hassle.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eto na nga, nae-experience ko yung katagalan and process to get justice done.

“Yan po ang plano para hindi matulad sa iba na hinahayaan na lang.”

Gusto niyang magka-record ang dati niyang empleyado sa pulis at sa NBI para mahirapan itong makahanap ng bagong trabaho.

Read: REVIEW: Bar Boys: After School is a reunion worth attending

JERRY OLEA

Dapat daw na maturuan ng leksyon ang ginawa ng dating empleyado na tumangay ng bayad ng customer.

“Imbes po na hayaan, kailangan maturuan siya ng leksiyon. Pero nakakadismaya dahil sa bagal ng justice system sa Pinas.

“Kailangan pa bumiyahe ng RTC para mag-file ng case,” text ni Rocco sa PEP Troika.

Mahirap daw talaga sa kanya, lalo na’t sa Antipolo pa siya nakatira.

Pero ayaw raw niyang sukuan ito dahil ayaw niyang basta na lang makalusot ang taong tinutukoy niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on his pursuit for justice against a former employee: “Imbes po na hayaan, kailangan maturuan siya ng leksiyon. Pero nakakadismaya dahil sa bagal ng justice system sa Pinas. Kailangan pa bumiyahe ng RTC para mag-file ng case.”
PHOTO/S: Rocco Nacino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results