JERRY OLEA
Sa bawat quarter ng nagdaang taon ay may citations tayo sa mga mapangahas na lalaki — sa entablado man, pelikula, o online pasabog.
Pinili namin ang 12 Natatanging Hubadero na nagpasilip ng private part noong 2025.
Related Stories:
- Hubadero 2025 1Q: Celebs who bared on stage, runway, TV, films
- Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online
- Hubadero 2025 3Q: Who is the most noteworthy of them all?
- Hubadero 2025 4Q: The men who heated up the last quarter of 2025
ROSS PESIGAN
Gumanap bilang Nardo sa dulang Anino sa Likod ng Buwan na itinanghal noong Marso sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Babad ang pagbubuyangyang ni Ross ng kadakilaan, maging sa rerun noong Oktubre at Nobyembre.
Read: Ross Pesigan, ipinaglaban ang frontal nudity sa Anino Sa Likod ng Buwan

JHON MARK MARCIA
Gumanap bilang Dante Balboa sa dulang Walong Libong Piso na itinanghal noong Agosto sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Makailang ulit nagpakita ng kanyang hinaharap si Jhon Mark, maging sa rerun noong Nobyembre at Disyembre.
Gusto sana niyang magpayanig ng erection sa stage. Kaso, noong first run ay sinisipon siya.
Sa second run, ramdam niya ang lamig ng aircon kaya ayun, nanatiling lupaypay ang kanyang jun-jun.
Wala ring kiyeme sa butt exposure sa mga pelikulang Jackstone 5, Habal, at Puri for Rent.
Tampok si Jhon Mark sa Pansamantala na nakatakdang mag-streaming sa VMX sa Pebrero 20, 2026.
Read: Jhon Mark Marcia, 6 na beses nagpasilay ng "kadakilaan" sa stage

JUAN PAULO CALMA
Isa sa apat na magkakahalili sa first run ng dulang Walong Libong Piso.
Kagaya ni Jhon Mark Marcia ay nag-frontal si Juan Paulo sa palabas.
Lumabas din si Juan Paulo sa dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee noong Nobyembre sa Teatrino, at panay-panay ang pawetpaks at pa-Felix Bakat niya roon.
Nagpakitang-gilas din siya sa VMX movie na 69.
Tampok si Juan Paulo sa Angkinin Mo Ako na mag-i-streaming sa VMX sa Enero 23, 2026.
Read: Juan Paulo Calma, hindi nailang sa frontal nudity sa bagong play

VICTOR RELOSA
Bigay na bigay sa mga mapangahas na eksena sa dulang 3 Men On An Island na itinanghal noong Mayo 24 at Hunyo 28 sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.
Napa-“Oh my God!” si Mercedes Cabral sa panonood ng dula, samantalang napa-chant si Soliman Cruz.
Pwetmalu si Victor sa VMX films last year na Akin Ang Gabi, Pihit, Tampipi, Victoria’s Silver, at "L" episode na Langoy.
Tampok si Victor sa Sex Trip na streaming sa VMX umpisa Pebrero 6, 2026.
Read: VMX actor Victor Relosa: "I was raped by a priest."

FIDEL REDADO
Co-star ni Victor Relosa sa dulang 3 Men On An Island, at palaban din siya sa pagpo-frontal. Tampok din si Fidel sa Bonifacio “Ang Supremo” Isang Musikal ng PhilStagers Foundation (PSF).

MARK MONARES
Nag-frontal nudity sa dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.
May mga nagawa siyang project sa CinePop.
Kasama rin siya sa VMX movie na Nympho, where he was billed as Mark Morales.
Read: Newbie Mark Monares, wala umanong karanasan sa bading at matrona

AWIN VALENCIA & JAMES RAMADA
Nag-frontal at naghalikan sa dulang Moment to Moment na itinanghal noong Hunyo 28 sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF).
Magkatambal din sina Awin Valencia at James Ramada sa pelikula ni Direk Jay Altarejos na Sa Panahong Walang Katiyakan, kung saan meron silang tender kissing scene.
Nag-special screening iyon noong Hunyo 29 sa Sine Pop, Saint Mary St., Cubao, Quezon City bilang bahagi ng Alt-R Heroes 2025 festival.
Bida si Awin sa BL series ng CinePop na That Summer: Reunion, kung saan katambal niya si Zuher Bautista.
Streaming ito umpisa Enero 12, 2026.

JONATHAN IVAN RIVERA
Lead actor sa pelikulang Sa Panahong Walang Katiyakan, katambal ni CJ Barinaga.
May “Daddy Blake” moment si Jonathan Ivan.

ARKIN DEL ROSARIO
Mayo 13, pinagpistahan online ang tatlong videos niya kung saan siya’y naked as a jaybird.
Ayon kay Arkin, na-hack ang kanyang Instagram account.
Enero 14 nag-streaming sa VMX ang throuple movie nila nina Topper Fabregas at Jesse Guinto na Table for 3.
Read: Arkin del Rosario's IG hacked; nude photos, videos go viral

RASH FLORES
Aminadong totoo ang kumalat ng scandalicious video kung saan kabembangan niya ang isang mahiwagang dilag.
May pawetpaks sa smorgasbord movie na Wild Boys na ipinalabas sa mga sinehan, maging sa VMX movie na Ligaw.
Kasama sa Sirena na mag-i-streaming sa Enero 30, 2026 sa VMX.
Read: VMX actor Rash Flores confirms leaked video scandal
VINCE TAÑADA
May risque posts sa X na dating Twitter.
Marso 18, emeng na-crop ang litrato.
Hulyo 18, pinost ang blurred photo ng kahubdan.
Noong Mayo 28 ay nag-special screening sa teatro ng PSF ang pelikula niyang Ang Bangkay (2022) kung saan todo ang kanyang kapangahasan.
Read: Mercedes Cabral, may pinahawak na ikinagulat ni Vince Tanada
GORGY RULA
Laksa-laksa ang mga aktor o aktor-aktoran na pwetmalu sa mga payanig ng VMX na dating Vivamax.
Sandamukal ang iba pang mga hombre sa may pawetpaks sa iba pang platforms.
Sa mga palabas na ito, karaniwan nang nakaplaster ang mga lalaki.
Narito ang honor roll ng sandosenang papa na nagtalop o nag-display ng behind, pero may takip pa rin ang harapan.
EDGAR ALLAN “EA” GUZMAN
Scene-stealer ang butt exposure sa Body of Work: The Bench Show noong Marso 21 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nagulat ang fiancée niyang si Shaira Diaz.
Ikinasal sina EA at Shaira noong Agosto 14 sa Silang, Cavite, matapos ang 14 years na pagiging magkasintahan.
Read: Shaira Diaz "shookt" by EA Guzman's butt exposure at fashion show

DENNIS TRILLO
MMFF 2024 best actor para sa Green Bones.
Ang kasunod niyang pelikuka ay Everything About My Wife, katambal ang wifey niyang si Jennylyn Mercado.
Pebrero 26, 2025 ipinalabas sa mga sinehan ang Everything About My Wife, kung saan notable ang sunflower scene ni Dennis.
Nag-streaming ang Everything About My Wife sa Netflix Philippines umpisa Mayo 29.

MARTIN DEL ROSARIO & EDWARD BENOSA
Nagpakitang-gilas kapwa bilang Joel sa dulang Anino sa Likod ng Buwan.
Kumpara kay Edward, bolder and more daring si Martin na may “half-half” reveal minsan.
Itinanghal si Martin na best actor sa inaugural Cine Silip filmfest noong Oktubre para sa pelikulang Haplos sa Hangin, na na-X ng MTRCB sa unang rebyu.
Maski iyong orig poster ng Haplos sa Hangin ay di pumasa sa MTRCB.
May butt exposure din si Martin sa pelikulang Flower Girl.
Read: Martin del Rosario to hold nothing back in 1st "erotic" film

TONY LABRUSCA
Title role sa Cine Silip filmfest topgrosser na Dreamboi.
Iyong pa-milk sa promo materials ay pumukaw sa diwa ng mga sirena at diwata.
Split second ang butt exposure sa pelikula.
Read: Dreamboi, dalawang beses na-X ng MTRCB bago nabigyan ng R-18

PAOLO GUMABAO
Gumanap din bilang Dante Balboa sa dulang Walong Libong Piso. Siya ang bida sa film version ng dula na ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 22.
May butt exposure din sa Isla Babuyan, na ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 1.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan umpisa Pebrero 4, 2026 ang pelikula nila ni Sara Sandeva na Spring in Prague.
Read: Paolo Gumabao, babad ang butt exposure sa Walong Libong Piso

ROMAN PEREZ JR.
Gumanap bilang Dax sa sex comedy na Lakad, na nag-streaming noong Setyembre 5 sa VMX.
Nakipagbembangan si Direk Roman sa isang babae sa papag, habang nasa ilalim ng papag si Gold Aceron.
Kabilang sa VMX movies directed by Direk Roman na nag-streaming noong 2025 ang Balahibong Pusa, Kalakal, Maalikaya, Las Ilusyunadas, at Aliwan Inn.
Read: VMX director Roman Perez Jr., palaban din sa hubaran bilang aktor

MON MENDOZA
Mayo 28, pinost sa Facebook ang artistic nude photos — The Art of Body: MON. Ang photographer ay si John Carlo Galanto Sateniaman.
Sabi, ang naturang collection ay tribute “to the beauty of the human form, shaped by unwavering discipline and relentless effort.
“It is a living sculpture, and Mon is its embodiment — an expression of strength, art, and personal evolution.”
Hulyo 25, more nude photos ni Mon ang pinost sa FB.
Ang 2025 VMX movies ni Mon ay Sem Break at Sa Gabing Mainit.

ARNOLD REYES & TIMOTHY TUPIL
Bida sa pelikulang The Gap ng Star Sinemax. Umaatikabo ang laplapan at puksaan.
Kasama rin si Arnold sa VMX films na Paalam, Salamat at Ekis pero hindi siya naghubad sa mga pelikulang iyon.

NICO LOCCO
Maliban sa Wild Boys na ipinalabas sa mga sinehan, dalawang pelikula niya ang nag-streaming sa VMX noong 2025 — Sa Gabing Mainit at Kapag Tumayo Ang Testigo.
Sa unang bahagi ng Kapag Tumayo Ang Testigo ay tumayu-tayo si “Bruce” habang naka-underwear si Edd, ang karakter ni Nico.
Bruskung-brusko! Nakaka-locco! Maski itanong pa ninyo kay Daddy Red!
Read: Nico Locco denies faking frontal nudity in BL series; reveals why Quezon role stands out

LEANDRO BALDEMOR
Balik-bold sa Ang Lihim ni Maria Makinang, isa sa pitong kalahok sa unang CineSilip filmfest.
Streaming sa VMX ang Ang Lihim ni Maria Makinang umpisa Enero 16, 2026, Biyernes.
Mas matagal kaya o pareho lang ang extent ng butt exposure dito ni Leandro kumpara sa ipinalabas noong Oktubre sa mga sinehan?
Read: Leandro Baldemor, balik sa pagpapaseksi makalipas ang 20 taon

NOEL FERRER
May listahan din kami ng mga thirst trap sa pa-swimwear, pa-underwear, o kahit pa-topless lamang.
Ang iba nga, ngiti pa lang ay nakakabusog na.
Napakarami nila, kaya 24 ang pinili namin.
For sure, dose-dosena ang puwedeng idagdag sa talaang ito, pero heto ang PEP Troika’s Choice…
KIRK BONDAD
Mr. International 2025. Bench Body model.

WENDELL RAMOS
Sexballs, Sexballs, aw! Bombastik sa unang round ng Sexbomb dance concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

JAKE CUENCA
Nakipagbarilan habang naka-underwear sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo. Rumapa nang naka-brief sa Bench Body of Work.

JOHANNES RISSLER
Gumanap bilang Pierre, ang boylet ni Roberto (Albert Martinez) sa FPJ’s Batang Quiapo.

TEEJAY MARQUEZ
Dinaklot ang harapan sa Body of Work: The Bench Show noong Marso 21 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

ROYCE CABRERA
Rumampa sa Body of Work: The Bench Show.
Naka-partner si Jackie Lou Blanco sa dulang The Foxtrot noong Oktubre sa The Mirror Studio, Kalayaan Ave., Makati City.
Tampok sa dulang Endo sa Abril-Mayo 2026 sa PETA Theater Center.

KOKOY DE SANTOS
Tampok sa dulang Ateng noong Nobyembre-Disyembre sa Rampa drag club, Morato Ave., Quezon City.
Remember na sabay nabigyan ng big break sina Kokoy at Royce sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

MIGUEL TANFELIX
May shower scene sa Kapuso primetime series na Mga Batang Riles.

DONNY PANGILINAN
May pa-morning wood sa Bahay ni Kuya.

ZAIJIAN JARANILLA
Nagpaka-mature sa Puregold digital series na Si Sol at si Luna na streaming sa YouTube. May vacuum kiss sila ni Jane Oineza.

MARK HERRAS
Nag-perform sa gaybar. Na-link sa singer na si Jojo Mendrez.
Lumabas sa pelikulang Sariwa ng Star Sinemax, katambal si Kyla Arellano sa direksyon ni Sigrid Polon.

ESTEBAN MARA
Nagmumura ang animal appeal sa one-act play na Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, sa Virgin Lab Fest ng CCP.
Lumabas din sa dulang Para kay B.
Gumanap bilang anak ni Ely Buendia sa Cinemalaya 2025 film na Padamlagan.
Katambal si Mikoy Morales sa Puregold BL series na Got My Eyes On You.
Ka-alternate si Royce Cabrera bilang Leo sa dulang Endo na itatanghal sa Abril-Mayo 2026 sa PETA Theater Center.

MIGS ALMENDRAS
Best supporting actor sa Cine Silip filmfest para sa Dreamboi.
Hindi siya naghubad sa pelikula, pero may mga patakam na publicity photos.

JAYDEN FEENANDEZ & CJ ABUEG
Online sellers. Patok sa TikTok.

MICHAEL SAGER, WILL ASHLEY, DUSTIN YU, RIVER JOSEPH, BRENT MANALO, EMILIO DAEZ, RALPH DE LEON, VINCE MARISTELA, JOSH FORD
Papogian sa PBB: Celebrity Collab Edition.
May mga nagpa-apron.

Takaw-pansin si River, na afterwards ay gumanap bilang fiancé ni Nadine Lustre sa MMFF 2025 topgrosser na Call Me Mother.
Nagpakitang-gilas si Michael bilang host ng premiere nights ng MMFF 2025 entries, ganoon din sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.
Abangan si Michael sa Kapuso afternoon drama series na Born to Shine, with Zephanie and Olive May.
Nominado si Will sa 51st MMFF bilang best actor para sa Love You So Bad, at bilang best supporting actor sa Bar Boys: After School.
Ang ganda ng rehistro ni Dustin sa screen sa MMFF 2025 entries niyang Love You So Bad at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Nagbida si Emilio sa BL series na Love at First Spike, kung saan may maikling papel si River. Hopia ang iba na may BL angle sina Emilio at Will sa Bar Boys: After School.
Kasama si Brent sa MMFF 2025 topgrosser na Call Me Mother.
Sila ni Mika Salamanca ang pinaka-highlight sa free concert ng Puregold Hakot Relay noong Nobyembre sa Burnham Green, Luneta.
Si Vince, may pa-topless para sa Penshoppe.
