JERRY OLEA:
Labing-apat (14) na pelikula ang nasa listahan natin ng noteworthy VMX films na nag-streaming noong 2024.
Ang mga ito ay Kabit, Unang Tikim, Rita, Boy Kaldag, Eks, Cita, Karinyo Brutal, Salawahan, Mapanukso, Stag, Kiskisan, Sisid Marino, Red Flag, at ang compilation na Climax.
Noong Disyembre 9 inilabas ng VMX ang VMX Rewind hosted by Zsara Laxamana, kung saan tampok ang 15 pelikula na “the best of VMX 2025.”
Kabilang dito ang Elevator Lady, Balahibong Pusa, Teacher’s Pet, Sponsor, Maninilip, Sipsipan, Rapsa, Las Ilusyunadas, Kalakal, at Hiram na Sandali, Halimuyak, Violet, Hiram, Sem Break, at Puri for Rent.
Related stories:
- PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025
- PEP Troika's Choice: Most Noteworthy Lead Performances of 2025
- PEP Troika's Choice: Best Performances in Supporting Roles of 2025
- Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Bared
Noong Disyembre 22, 2025 ay naglabas naman ang VMX ng talaan ng Top 10 Most Watched VMX movies for 2025.
Ang mga ito ay Elevator Lady, Balahibong Pusa, Teacher’s Pet, Sponsor, Maninilip, Sipsipan, Rapsa, Las Ilusyunadas, Kalakal, at Hiram na Sandali.
Aba! Iyong Top 10 sa The Best of VMX 2025 ay siya ring Top 10 Most Watched — kapareho ng ranking!
Pero it does not follow na ang mga iyon din ang choice natin ng noteworthy VMX films of 2025.
Take note na animnapu’t walo (68) ang mga pelikulang nag-streaming sa VMX (dating Vivamax) noong nakaraang taon.
Hindi pa kasama riyan ang sampung compilation — Arouse, Deep Inside Angeli Khang hosted by Ataska, Kiss/Kiss: The Best of Girl to Girl hosted by Micaella Raz and Zsara Laxamana, All Out: AJ Raval hosted by Dyessa Garcia, Kama Sutra hosted by Ataska, Pasilip ni Azi: The Steamiest Moments of Azi Acosta, Todo Kayod hosted by Angela Morena, Patikim ni Robb Guinto, Bigay-Hilig: Sexual Fetish hosted by Skye Gonzaga, at VMX Rewind hosted by Zsara Laxamana.
Hindi rin natin ibinilang sa 68 films ang ilang episodes ng gag show na Wow, Mani kunsaan frontliner si Janno Gibbs.
Sa 68 films na iyan ay sandamukal ang girl-to-girl at threesome. Sa Rapsa, Tusok Tusok, at Foreign Exchange ay may foursome. Sa Madulas ay may fivesome.
Heto ang PEP Troika’s Choice ng noteworthy films na nag-streaming sa VMX platform noong 2025:
CELESTINA: BURLESK DANCER
Ipinalabas sa mga sinehan noong Disyembre 4, 2024. Nag-streaming noong Marso 28, 2025. Ito ang ikalawang pelikula ng VMX na nagkaroon ng theatrical release.
Nauna ang Unang Tikim na nag-showing sa mga sinehan noong Agosto 7, 2024.
Period film ang Celestina: Burlesk Dancer. Disyembre 1940, Peacetime ang umpisa ng kuwento. Idinirek ito ni Mac Alejandre, mula sa panulat nila ni National Artist Ricky Lee.
Credited bilang executive producer si Vic del Rosario Jr. Producers sina Vincent del Rosario III, Veronique del Rosario-Corpus, at Valerie Salvador del Rosario.
Tinampukan nina Yen Durano, Christine Bermas, Sid Lucero, at Arron Villaflor. Nasa cast din sina Allan Paule, Aiko Garcia, Yuto Wada, Takuhei Kaneko, Angie Castrence, Erol de Guzman, Melchor Teves Jr., Ezam Maze Dal, at child actor na si Kian Co.
Two hours and one minute ang running time.

VICTORIA’S SILVER
Sequel ng Selina’s Gold. Tumawid ang karakter ng bulag na binata na si Domeng (Gold Aceron). Sinulat at idinirek ni Mac Alejandre. Credited bilang executive producer si Vic del Rosario Jr.
Period film. Nag-umpisa ang kuwento noong 1944, Biyernes Santo. May orgy scene, kunsaan niluray ng mga Hapon ang comfort women.
May eksena na sabay na pinagpasasaan si Toyang (Christine Bermas) ng kapwa Pilipino na sina Pidiong (Aerol Carmelo) at Mando (JD Aguas).
Nasa cast din sina Victor Relosa, Angelica Hart, Takuhei Kaneko bilang Oda, Joel Saracho, Michael Teves Jr., Fred Montano, at Rose Atun Charing.
Nag-streaming noong Agosto 15, 2025.

LAKAD
“Sa sugal hindi ka mananalo. Pero sa bembang, wala kang talo.” — Anonymous
Nag-streaming noong Setyembre 5, 2025 ang sex comedy na Lakad, kunsaan kasama sa cast si Direk Roman Perez Jr. bilang Dax.
Opo! May kabembangan si Direk Roman sa papag, habang nasa ilalim si Gold Aceron.
Homage ba ito sa Scorpio Nights (1985) nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando?
Idinirek ito ni Mervyn Brondial, with Jon Red as line producer.
Maliban kina Direk Roman at Gold, nasa Lakad sina Vern Kaye, Paula Santos, Ghen Gabriel, Horace Mendoza Jr., Jay Leando, Bianca Pineda, Ayra Salvador, Kyla Arellano, Allen Legazpi, Karlo de Leon, Edward Vincent Thompson, Cecilia Anne Ibay, Portia Rutaquio, at Earl Ignacio bilang Lennon.

KAPAG TUMAYO ANG TESTIGO
Kagaya ng Lakad, itong Kapag Tumayo Ang Testigo ay sex comedy.
Nagmamatigas sa umpisa si Edd (Nico Locco). Later on ay nanlupaypay ang alaga niyang si Bruce dahil sa stress.
Sa MMFF 2025 ay may courtroom drama ang official entries na Unmarry at Bar Boys: After School na nag-umpisang mag-showing noong Disyembre 25.
Naunang magpalabas itong Kapag Tumayo Ang Testigo, na nag-streaming umpisa Disyembre 5, 2025.
Ewan kung ang courtroom scene nito ay may bahid ng Under-age (1980), Salome (1981), Pakawalan Mo Ako (1981), Bihagin: Bilibid Boys (1981), T-bird at Ako (1982), Hawakan Mo at Pigilan Ang Kahapon (1984), o Emma Salazar Case (1991).
Kasama sa cast si Mitoy Yonting bilang Daddy Red ni Edd. Wala siyang bold or daring scene.
Idinirek ito ni JR Reyes. Tampok din dito sina Divine Villareal, Reina Castillo, Mark Dionisio, Audrey Avila, at Rhea Montemayor.

BARUROT
Ang husay humarurot o bumarurot ng tricycle driver na si Marco (JC Tan).
Ayos ang threesome nila nina Mona (Paula Santos) at Patrick (Ben Olivera). Nakakalagnat ang biyaheng langit nila ni Lucy (Karen Lopez).
Matapos magluka-lukahan ni Karen sa pelikulang Maalikaya, “bumawi” siya sa Barurot na idinirek ni Rodante Pajemna Jr.
Nag-streaming ito noong Setyembre 12, 2025.

SPONSOR
Tinuhog ng sponsor na si Marcus (Mon Confiado) ang mag-ate na sina Jasmine (Angela Morena) at Elise (Micaella Raz).
Mas mabangis at mas matulis si Mon kesa kina Van Allen Ong at Mark Dionisio na tampok din sa pelikula. Ito lamang ang VMX project ni Mon last year.
Of course, mas memorable sa atin ang pagganap ni Mon last year bilang Emilio Aguinaldo sa Quezon, at tumatak din sa atin ang performance niya sa Salvageland.
Ang Sponsor ay isinulat at idinirek ni Albert Langitan. Nag-streaming ito noong Enero 31, 2025.

Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"
NOEL FERRER:
Idinaos ang inaugural Cine Silip Film Festival noong Oktubre 22-28, 2025 sa apat na sangay ng Ayala Malls sa Kamaynilaan.
Sa pitong kalahok dito, nag-streaming noong Disyembre ang dalawa. Marapat lamang na isama natin ang mga ito sa talaan ng noteworthy VMX films of 2025.
Dapat ding isama natin sa citations ang remake ng isang erotic Viva movie, ganoon din ang isang proyektong ipinagmamalaki ng premyadong si Ruby Ruiz.
PAGDAONG
Nagpanalo kay Angela Morena bilang best actres sa inaugural Cine Silip filmfest.
GL movie ito, kunsaan ka-love triangle ni Angela sina Astrid Lee at Ashley Lopez. May threesome dito sina Angela, Astrid ay Chester Grecia. Idinirek ito ni Pongs Leonardo.
Nag-streaming noong Disyembre 23, 2025.

MARIA AZAMA: BEST P*RN STAR
Nagpanalo kay Chloe Jenna bilang best supporting actress sa inaugural Cine Silip filmfest.
Idinirek ni Alpha Habon, at nag-streaming noong Disyembre 12, 2025.
Ito ang pangatlo at panghuli sa mga sex comedy na nag-streaming sa VMX last year. Nauna rito ang Lakad, at sumunod iyong Kapag Tumayo Ang Testigo.
Bida sa Maria Azama: Best P*RN STAR sina Albie Casiño at Dani Yoshida. Si Jeric Raval ang gumanap na ama ni Albie.
Nabanggit sa pelikula ang Greek myth tungkol sa hari at eskultor na si Pygmalion, na umibig sa nililok niyang estatwa na si Galatea.
Nabuhay si Galatea. Parang si Machete sa komiks, na dalawang beses isinapelikula ng Seiko Films kunsaan nag-title role sina Cesar Montano at Gardo Versoza.
Sa Kapuso telefantasya na Machete ay si Aljur Abrenica ang bida.

BALAHIBONG PUSA
Ang orig na Balahibong Pusa (2001) ay directorial debut ni Yam Laranas. Tampok dito sina Joyce Jimenez, Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Jay Manalo, at Rica Peralejo.
Ang remake ay idinirek ni Roman Perez Jr., at nag-streaming noong Nobyembre 28, 2025. Launching film ito ng baguhang si Margaret Diaz.
Kasama sa cast sina Yda Manzano, Mark Anthony Fernandez, Itan Rosales, at Christine Bermas.
Totoo ang sabi ni Direk Roman na mas malaki ang budget nito kumpara sa ibang VMX movies na halatang tinipid ang production values.

Sumunod sa remake ng Balahibong Pusa ang remake ng Ekis na nag-streaming noong Disyembre 19, 2025.
Ang Scorpio Nights 4 na isa ring remake ay nakatakdang mag-streaming sa Pebrero 27, 2026. Kasado na rin ang remake ng Warat.
PAALAM, SALAMAT
Proud sina Ruby Ruiz at Arnold Reyes sa pelikulang Paalam, Salamat, na idinirek ni Bobby Bonifacio Jr.
Synopsis: A story of love tested through time. Ligaya, a prostitute who has never known true love despite the many men she's been with, remains unaware of one man's unwavering devotion, someone who has loved her quietly and faithfully from afar.

Nag-streaming ito noong Oktubre 17, 2025. Gumanap si Ruby bilang Ligaya, at gumanap si Arnold bilang Carlo.
Sa flashback, ang young Ligaya ay si Rinoa Halili, at ang young Carlo ay si Ghion Espinosa.
Nasa cast din sina VJ Vera, Ralph Christian Engle, Mark Dionisio, Horace Mendoza, at Roxanne de Vera. Credited as Ligaya’s men sina Jerry Dupaloc Jr., Christian Arias, at JV Marquez.
Read: MMFF 2025 Unofficial Box-Office Results as of January 6, 2026
GORGY RULA:
Ang target audience ng VMX ay kalalakihan, at kabilang na siguro riyan ang katomboyan.
Naka-focus ang promo nila ay sa mga babaeng bida, kahit pa ang sentro minsan ng kuwento ay ang lalaking karakter.
Apat sa mga pelikulang nag-streaming last year sa VMX ay pumupukaw sa baser instincts ng mga sirena, diwata, at bekikay.
TABLE FOR 3
Gay drama na nag-streaming noong Enero 14, 2025, tungkol sa throuple na ginampanan nina Topper Fabregas, Arkin del Rosario, at Jesse Guinto.
Kinabukasan ay nanguna agad ito sa Top 10 ng VMX. First time iyon sa VMX for a movie na pawang lalaki ang nasa cast.
Idinirek ito ni Ivan Andrew Payawal. Naunang mag-streaming sa VMX+ kunsaan may dagdag na bayad para mapanood.
Afterwards ay nag-VMX kunsaan walang dagdag na bayad para matunghayan. Ibinalik sa VMX+ at naging ka-twinbill ng Two and One, starring Miggy Jimenez, Cedrick Juan, and Paolo Pangilinan.

BIGAYAN
Another gay drama na nag-streaming noong Pebrero 11, 2025. Bida sina Mike Liwag at Jesse Guinto. Ang direktor ay si Ivan Andrew Payawal. Naging topnotcher din sa Top 10 list ng VMX.
Synopsis: Romantic drama that revolves around a gay couple who have been in an open relationship for seven years. But when one of them proposes on having a more exclusive set-up, will the other give in to keep their relationship?
May pa-buffet ang Bigayan. Credited sa mga talent na walang saplot sina Joshua de Guzman, John Kenneth Caballero Jr., John Cheme Sta. Maria, Antonio Ibañez, Paul Jiggs Venturero, Kevin Dy, Ariel Gubalane, Gerald Buquir, Jayson Suicon, John Russell Roque, at Dhale Rodriguez.
Hindi na nasundan sa VMX ang gay drama na ito.

Pero nasa VMX+ ang erotic gay film na My Boyfriend is A Sex Worker na ka-twinbill ang sequel, at four-volume Thai BL series na Playboyy.
Nasa VMX+ din ang Mudrasta, Ang Beking Ina na title role si Roderick Paulate.
MALAGKIT
GL na, BL pa, sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. Nag-streaming noong Marso 11, 2025.
Mainit at malagkit ang relasyon ng mag-asawang Che (Lea Bernabe) at Aldrus (VJ Vera).
Nakitira sa kanila ang engaged couple na sina Mindy (Ashley Lopez) at Renald (Ace Toledo). Nag-foursome sila. Nagtikiman ang dalawang babae, naghalikan ang dalawang lalaki.
Afterwards ay nag-take 2 sina Che at Mindy habang gumagawa ng malagkit. Kasabayan nila na naglandian sa batuhan sina Aldrus at Renald.

HABAL
Virgin ang habal driver na si Danilo (JD Aguas). Tinutukso siya ng mga katropa, kabilang ang babaerong si Tyrone (Jhon Mark Marcia). Nasaksihan ni Danilo ang harutan ng magkaibigang Erika (Athena Red) at Lara (Karen Lopez).
Namulat si Danilo sa kamunduhan dahil sa dalawang babae, na nakipag-threesome sa kanya. Naiinlab na si Danilo kay Erika.
Kaso, boyfriend pala ni Erika si Tyrone. Binugbog ni Tyrone si Danilo. Ang bugbugan, nauwi sa romansahan.
Idinirek ito ni Bobby Bonifacio Jr., at nag-streaming noong Abril 1, 2025, April Fools’ Day.

