GORGY RULA
Nagbabalik sa paggawa ng BL series at mas daring na ang model-actor na si Zuher Bautista.
Siya ang bida sa BL series na That Summer: Reunion, na first offering ng streaming platform na CinePop ngayong 2026.
Kasama niya rito ang stage actor ng PhilStagers Foundation na si Awin Valencia.
Read: Golden Globes 2026: One Battle After Another, Adolescence win big
GOING "ALL THE WAY" FOR THAT SUMMER: REUNION
Ilang BL series na rin ang nagawa ni Zuher, pero mas matindi raw ito at doble ang pagka-daring.
Matinding "all the way" raw ang ginawa niya at tinanggal niya ang kanyang restrictions nang ginawa ito.
Sabi ng writer at director ng That Summer: Reunion na si Maki Javier, "times two" ang pagka-wild ng mga eksenang ginawa nila.
Paliwanag naman ni Zuher: “Yung sinasabi na times two yung ginawa dito, siyempre po marami na rin akong nagawa sa ibang platforms. Meron dito sa ginawa naming show na hindi ko ginawa dun sa iba.
"Pero dito, since si Direk Maki, sabi ko try ko ang part na ‘to.
“Isang restriction ko siya before, pero dinedma ko. Ginawa ko siya dito.
"So, I know. baka nga times two ka-wild.”
Paano siya napapayag?
Saad ni Zuher: “Siguro ano… maganda yung production, maganda yung environment, okay yung katrabaho ko, okay yung ka-partner ko. So, itaas pa natin yung level.
“Sa akin po, yung restrictions ko dito, tinanggal ko. Ginawa ko naman lahat para pagandahin ito.”
Enero 12, 2026, Lunes, nag-umpisa ang streaming ng That Summer: Reunion sa CinePop.

ZUHER BAUTISTA ON HIS PAST ISSUE WITH AN ACTOR
Gusto raw ngayong mag-focus sa pag-arte ni Zuher, na aminadong bisexual.
Hindi na raw siya gaanong nakukuha sa commercials dahil sa mga ginawa niyang BL series, ang pag-out niya sa isang reality show, at nasangkot pa siya sa ilang intriga.
Pero ngayong nasa showbiz na siya, posibleng maungkat na naman ang mga isyung kinasangkutan niya, at mapag-usapan ang pagkaka-link niya sa isang magaling na aktor.
Napag-usapan na ito noon at nabanggit pa nga ang pangalan ng aktor.
Ayon kay Zuher, naisip din niya ito at napag-usapan na raw nila ito ng aktor.
“Naisip ko na po yun pero… naisip pa lang, pero hindi ko pa alam kung handa,” bulalas niya.
Napag-usapan na rin daw nila ng aktor paano kung magsama sila sa isang movie o TV project.
“Naisip ko na it’s possible kapag natuluy-tuloy," sabi ni Zuher.
“Yun nga lang, hindi pa siguro technically ready kung papanong gagawin. Pero naisip ko na po siya.
“I mean, napag-usapan din naman namin yun nung… napag-usapan naman siya.
“Parang, 'Paano kaya mangyari kapag magkasama tayo sa ganyan or what?' Hindi namin sure, ganun.
“Hindi ko alam kung matatawa o maiilang, ganun.”
Pero binawi ni Zuher at sinabing magkaibigan naman sila ng aktor na tinutukoy niya.
“Siguro ano po… ewan ko. Magkaibigan po kami ngayon. Magkaibigan naman po kami,” nakangiting sabi ni Zuher.
Read: Zuher Bautista, closeted gay actors karamihan ng nakarelasyon
JERRY OLEA
Ang stage actor na si Awin Valencia ang partner ni Zuher Bautista sa That Summer: Reunion.
First time daw niyang gumawa ng ganito ka-daring na BL series.
Ang unang ginawang BL series ni Awin ay medyo wholesome, yung Oh My Boo with Fidel Redado.
Ipinaalam pa raw niya sa PhilStagers Foundation (PSF) dahil nagpaka-daring siya rito. Karamihan daw kasi sa mga nanonood sa mga stageplay nila ay mga estudyante.
“Kinausap ko naman sila [PhilStagers] regarding to this, and sinabi ko parang okay naman yung ano.
"Parang hindi naman masyado… basta nagpaalam ako sa kanila nang maayos bago ko na-film yung project na to.
“Parang ganun… pumayag naman. Magulat na lang sila sa kinalabasan nito,” sabi ni Awin, na aminadong gender fluid.
AWIN VALENCIA SURPRISED BY NUMBER OF DARING SCENES
Talagang nabigla raw siya sa mga ginawa niya sa That Summer: Reunion.
Lahad ni Awin: “Sa akin personally. Medyo ano, e…. hindi ako nagdalawang-isip nang gabing yun.
"Kasi nga that moment, parang ano… parang gabi lang din siya sinabi sa akin. Tapos, shoot na ng kinabukasan.
“So, parang nabigla din ako but, at the same time, naging ready din naman ako sa sarili. So, ayun, kinaya ko naman siya. Ganun pala siya.
“Dito naman, alam ko namang meron. Hindi lang ako naging ready na sobrang dami pala niya.
“All the way… parang times two ng 'all the way."
Kaagad naman daw nakasundo ni Awin si Zuher sa loob ng dalawang araw nilang shooting, at naging kumportable sa sex scenes na ginawa nila.
May mga eksena ba silang nagawa na parang nadala na sila?
“Totally nadala kami,” pag-amin ni Awin.
“Kasi yung ginawa namin ano, e, choreo, e. And alam niyo naman pag-shooting paulit-ulit yun.
“With Zuher naman po, okay kami. Kasi parang nabuo naman yung connections namin after… nung parang pangalawang sequence namin.
"Parang after nun, nagdire-diretso na yung connections namin.
“Siyempre, hindi naman ito yung matagal na shooting days. So, we have one or two days lang po to shoot this series. So, kailangan naming buuin yun sa araw na yun.
“Overall naman, okay naman si Zuher katrabaho and mahusay siya.”
Read: Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Went Bare
NOEL FERRER
Malaking challenge ang That Summer: Reunion ni Direk Maki Javier dahil ito ang unang pasabog ngayong 2026 ng CinePop, na tila pinag-iinitan pa rin ngayon.

Sabi ni Direk Maki: “Initially po kasi yung idea, kasi yung CinePop naman is always challenging yung norms.
"Talagang ang battlecry is ‘sorry not sorry.’ Unapologetic yung existence.
“Parang nung tinitingnan namin what better way to start and kick off 2026 is to really lean on the queer community.
"Kasi sino pa ba yung unapologetic with our existence than yung queer community?
“We saw the opportunity then for to start the BL series. Kasi parang… di ba, yung fujoshi culture, nag-start naman talaga siya with desire sa mga Japanese, sa manga, tapos pina-sweet-sweet lang ng Thai.
"Then, recently, medyo naging erotica na din with Western culture with Heated Rivalry and so on, as a reference.
“So, we feel like, parang sa Philippines, bakit hindi natin bigyan ng bahay in a sense yung libog ng mga bakla dito sa CinePop?”
Ang mga kinuhang artista ni Direk Maki sa That Summer: Reunion ay talaga raw miyembro ng LGBTQIA+.
Open si Zuher Bautista sa kanyang pagiging queer at ganun din naman si Awin na inaming meron siyang karelasyon sa ngayon.
Para kay Direk Maki, mas mabuting ang totoong bading na ang gumanap at hindi straight actors.
Paliwanag niya: “Ang gusto kasi namin kasi talaga, kung queer story, ibigay natin sa queer storytellers. So, ultimo yung editor nito ay queer.
“So, lahat talaga ay galing sa community, para masigurado natin yung authenticity rin ng pakiramdam… na live the experience siya personally.”
