PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sean Raval, lapitin din ng girls tulad ng amang si Jeric Raval

Sean Raval, kabilang sa "BorrAT Babies" ng Borracho Films.
by PEP Troika
Published Jan 14, 2026
sean raval with sunglasses
Sean Rval on Jeric Raval as a father to 18 children: “Sa amin po, wala pong family issue. Kasi, like super ano po kami — equal po yung turing niya sa amin. Like, walang favorite-favorite. Hindi po siya ganung klaseng tatay, you know."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ilulunsad ng Borracho Films sa isang horror movie ang 22-anyos na anak ni Jeric Raval na si Sean Raval.

Ini-announce iyon ng Borracho producer na si Atty. Ferdie Topacio sa mediacon noong Enero 12, 2026, Lunes ng hapon, sa La Colina function room ng Valle Verde Country Club, Pasig City.

Doon din lang sa mediacon nalaman ni Sean na gagawin siyang bida ng Borracho Films.

“I’m very happy and really grateful and shocked,” sambit ni Sean, na tampok sa music video ng pelikulang Spring in Prague kung saan bida sina Paolo Gumabao at Sara Sandeva.

Isa si Sean sa contract artists ng Borracho. Kabilang siya sa BorrAT [Borracho Artists & Talents] Babies na magpapatigas at magpapasarap daw sa 2026.

Read: Sean Raval to bashers of sister AJ Raval: “Don't be judgmental…”

SEAN RAVAL ON HIS SHOWBIZ COMEBACK

Freelance artist dati si Sean sa ABS-CBN at GMA-7, mula 2014 hanggang bago lumaganap ang pandemya. Ilang taon siya nang mag-umpisang mag-artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ko na po exactly maalala pero as far as I could remember, at the age of six or seven, mahilig na po ako sa pag-aartista,” malumanay na sagot ng binata.

“Sa ABS-CBN po, yung pinaka-last ko, yung Since I Found You [Abril-Agosto 2018] by Piolo Pascual. Lead po sina Arci Muñoz, JC de Vera.

“So, ginanap ko po yung character ni JC de Vera and it was really challenging for me.

“Kasi kailangan ko pong isapuso yung role ni JC de Vera and I had to study po the story, dun sa script.

“Sa GMA po, gumanap po ako bilang isang mulawin [sa Mulawin vs Ravena noong 2017].

“Then isa pong bully, iyon po ang pinaka-first taping namin, bully kay Derrick Monasterio.”

Bakit naisipan niyang mag-comeback sa pag-aartista?

“This is my passion and this is my goal. And this is something that I wanted simula noong isinilang ako sa mundo,” sey ni Sean.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It’s in the blood, and it’s in my heart.”

Kumuha si Sean ng kursong Multimedia Arts sa STI. Hindi pa siya graduate dito. Tumigil muna siya ng pag-aaral.

OK lang ba sa tatay niyang si Jeric na balik-showbiz siya kahit hindi pa tapos sa kanyang studies?

“Yes, kasi alam niya naman po yung anak niya na disiplinado and kaya pong magbalanse ng time,” saad ni Sean.

“And alam naman niya po na family-centered ako and focused ako sa career ko.”

Read: Bidang aktres, nag-abono sa reshoot ng eksena sa teleserye

GORGY RULA

Magkaiba ng ina sina AJ Raval at Sean Raval.

Nagkataon lang ba na sa pagbabalik-showbiz ni Sean ay pinag-uusapan ang pagiging ina ni AJ, at relasyon nito with Aljur Abrenica?

“Family ko po? Ahh sa akin naman po, isyu na po nila iyun actually,” kaswal na tugon ni Sean.

“Sa akin naman po, support naman po ako kahit anong mangyari sa family ko. So hindi naman po ako napapa-involve sa isyu na nangyayari sa Raval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi you know, I’m living my own life and pursuing my own career without any distractions.”

Kumusta si AJ bilang sister?

“As a sister, she’s really fun to be with, you know. Sa isang bahay, sa isang roof, wala pong showbiz-showbiz dun,” sabi ni Sean.

“Like mostly, we’re just having fun. Wala po kaming pinag-uusapang mga isyu. Focus lang po kami sa mga gusto namin.”

Napag-usapan ba nila ni AJ ang desisyon niyang mag-focus sa pag-aartista? May advice si AJ sa kanya?

“Wala naman po. She’s just happy. ‘Just be yourself.’ Ganun lang po. I-pursue ko lang iyong ginagawa ko.”

RAVAL SIBLINGS

Kilala ni Sean lahat ng mga kapatid niya. Sa 18 magkakapatid sa ama, hindi niya sigurado kung pang-ilan siya.

Nakaka-bonding niya ang mga kapatid niya kay Monica Herrera. Kumusta si Monica bilang stepmother?

“She’s really sweet and she’s very supportive like isang chat mo lang, kahit maysakit siya, reply agad siya,” pagtatapat ni Sean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She’s a really loving mother.”

Read: Sean Raval to bashers of sister AJ Raval: “Don't be judgmental…”

NOEL FERRER

Nagkaroon ba siya ng daddy issue, considering na 18 silang magkakapatid sa iba-ibang ina? Paano ba si Jeric Raval bilang ama?

“Sa amin po, wala pong family issue. Kasi, like super ano po kami — equal po yung turing niya sa amin,” sagot ni Sean Raval.

“Like, walang favorite-favorite. Hindi po siya ganung klaseng tatay, you know.

“Siyempre sa TV, makikita siya, maangas, mayabang. Magaling siyang aktor. Pero sa bahay, isa siyang caring and loving father.

“Kahit busy siya, nangungumusta po siya sa amin.

Anong reminder sa kanya ni Jeric sa pag-aartista niya?

“Reminder niya sa akin, ‘Always be kind. Respect everyone. Do your best and be yourself.’”

SEAN RAVAL AND ALL THE GIRLS HE LOVED BEFORE

Independent si Sean, na nakabase sa Malabon City.

Natawa ang binata nang ususain kung lapitin din ba siya ng girls gaya ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo,” napangiting pag-amin ni Sean, na nilinaw na wala pa siyang anak.

Andami na raw niyang naging girlfriend, at hindi niya masabi kung ilan ba ang mga iyon.

Fourteen or 15 years old daw si Sean nang unang magka-girlfriend, at inosente pa raw siya noong panahong iyon.

May girlfriend siya ngayon, at nais niyang maging pribado ang kanilang relasyon.

Meron bang mga bading na nagkainteres sa kanya? Paano niya na-handle if ever ang mga bading na lumalandi o nagpapahiwatig sa kanya?

“Wala. Ano naman po, I just let them be. Kasi emotions naman po nila yun, hindi ko naman po feelings,” pakli ni Sean.

“If they idolize me, it’s up to them… Bahala sila. I’m just happy.”

Sa pagsasalita ni Sean ay confident siya at medyo mature for his age. Pinag-aralan ba niya iyon?

Napabuntong-hininga si Sean, “I’m just being myself. Kasi, as someone siyempre na lumaki po ako sa grandparents ko — they teach you to be mature at a young age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, naging masakit naman po sa ulo yun dati. Kasi siyempre, iniisip ko po, ‘Hindi ko na-enjoy yung buhay ko.’

“Naiinggit ako sa ibang kaedad ko na nag-e-enjoy, while meanwhile ako, ito, para akong adult na agad.

“So, parang later in life, na-realize ko na ang sarap pala ng ganito. Kasi, at this age, hindi ka lang puro pasarap. Hindi ka lang puro pa-enjoy.

“Kundi iniisip mo na five years from now, 'Saan na ako? Sino ako? At ano ang gusto kong gawin sa buhay?'

“So at this age, I want to be the best version.”

Read: Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Went Bare

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean Rval on Jeric Raval as a father to 18 children: “Sa amin po, wala pong family issue. Kasi, like super ano po kami — equal po yung turing niya sa amin. Like, walang favorite-favorite. Hindi po siya ganung klaseng tatay, you know."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results