PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bidang aktres, nag-abono sa reshoot ng eksena sa teleserye

Bidang aktres, binayaran umano ang PHP200K+ na gastos para sa reshoot.
by PEP Troika
Published Jan 13, 2026
blind item bidang aktres
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Bulung-bulungan ng mga marites at mariban na nag-abono ang bidang aktres para maayos ang isang mahalagang sequence sa kanyang teleserye.

Ayon sa source ng PEP Troika, nagkaproblema ang production staff dahil may pagkakamali sila sa eksena.

Ang siste, malaki-laki ang magagastos para ulitin iyon.

Tuliro ang executive producer (EP) kung saan maghahagilap ng budget para roon.

Sure na sure si EP na matatalakan siya ng mga boss… at mamomroblema uli siya kapag inayos ang naturang gusot.

Ang dilemma ni EP, siya ay between the devil and the deep blue sea. I-retake man o hindi ang eksena, malilintikan siya.

Read: Golden Globes 2026: One Battle After Another, Adolescence win big

BIDANG AKTRES TO THE RESCUE

Ipinasa-Diyos ni EP ang sakit ng kanyang ulo.

Mukhang narinig ng langit ang kanyang pagsusumamo.

Nakarating kay bidang aktres ang problema ni EP.

Inalam ni bidang aktres kung magkano ang kailangan para ulitin ang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aba! Maliwanag na PHP200,000+ ang kailangan.

Wala raw pag-aatubili si bidang aktres na siya na ang mag-aabono.

Parang nabunutan ng mga tinik sa dibdib ang EP, at labis-labis daw ang pasasalamat kay bidang aktres dahil iniligtas siya nito sa tiyak na kapahamakan.

Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman

JERRY OLEA

Nabalitaan ng PEP Troika na wagas ang pagtitipid nowadays sa tapings ng mga TV program.

Malaking hamon sa mga production staff kung paano nila mapagkakasya ang mga budget na inilaan, habang name-maintain ang mataas na kalidad.

Mahirap kasing makabawi kung masyadong malaki ang production cost samantalang mababa naman ang viewership sa TV, at bawas ang commercial load.

Mabuti na lang at naitatawid ng ibang production ang magandang palabas.

Ang iba ay nagagawa pa nilang i-collaborate sa streaming service na napapanood natin sa Netflix, Amazon Prime o kaya sa Viu.

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Talagang mababa ang recent TV ratings na nakalap natin.

Sa ganitong season ay hindi naman talaga ganun kataas ang viewership.

Umaasa ang mga taga-TV na sa second quarter ay makabawi sila.

ABS-CBN SHOWS RATINGS

Kapansin-pansin ang mababang vierwership sa mga programa ng ABS-CBN ngayong wala na sila sa TV5.

Sa primetime noong nakaraang Lunes, Enero 12, 2026, ay naka-9.7% ang Sang’gre ng GMA-7.

Ang aggregated ratings ng katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo — na ipinalalabas sa Kapamilya Channel at AllTV — ay 6.1 percent.

Ang Totoy Bato sa TV5 ay 1. 6% lamang.

Hindi nakatulong sa TV5 at ABS-CBN ang pagka-terminate ng kanilang content agreement contract.

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng mga upcoming Kapamilya series na Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador; at yung Love Is Never Gone nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan din ang maaksyong serye nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, at Bela Padilla.

Sa Kapatid Network, andiyan naman ang A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes; My Bespren Emman nina JM de Guzman at Shaina Magdayao; at The Good Doctor ni Iñigo Pascual.

Nag-storycon na ang The Kingdom: Magkabilang Mundo na pangungunahan nina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Derek Ramsay, at Ryza Cenon.

Dalawa ang pagbibidahan ni Dylan Menor sa TV5, Project Loki at Magic Boys.

Read: GMA-7, pinasilip ang 2026 TV shows

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results