PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikko Natividad, nagulat na ipina-Tulfo siya ng dating kasambahay

Nikko Natividad, pumayag magpabale ng PHP44,000 sa dating kasambahay.
by PEP Troika
Published Jan 15, 2026
nikko natividad kasambahay
Nikko Natividad on Facebook post about his former kasambahay: “So, akala lang noong una, nagpapapansin ako kung bakit ako nag-post. Unang-una, hindi ko kailangan talagang mag-post. Dahil alam kong hindi naman siya magbabayad. So, inuulit ko, kaya ako nag-post — for awareness talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nagbakasyon sa Japan si Nikko Natividad at ang kanyang mag-ina noong Disyembre 27, 2025 hanggang Enero 5, 2026.

Pag-uwi nila, nag-post si Nikko sa Facebook noong Enero 9 kaugnay sa dating yaya ng kanyang anak na nagbakasyon din habang nasa abroad sila.

Bahagi ng FB post ni Nikko (published as is), “Alam ko na kilala nyo to dahil nakakasama sya minsan sa mga video ko pero hindi napo sya related samin.

“Baka mag apply sa inyo to hindi na kasi bumalik at hindi na nagpaparamdam sa amin pagkatapos bumali ng 4 na buwan

“(Pinost ko to hindi para mabalik yung pera dahil alam ko na hindi na babalik yun. Pinost ko to para awareness na hindi na sya related sa amin. Baka mag apply sa iba baliktarin pa ako)

“ARAY KO!!prone talaga ako sa scam

“NAGTAMPO YATA HINDI KO KASI PINATAPOS KANTAHIN YUNG KITCHIE NADAL MEDLEY”

Read: Toni Gonzaga shuts down "power couple" blind item

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe pa ni Nikko sa yaya: “kung may personal kang problema sana nag thankyou ka man lang para magaan sa loob ko”

Dahil sa FB post na iyon ni Nikko, dumulog sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang yaya, na bumale ng PHP44,000, para ireklamo si Nikko at ang misis nitong si Cielo Mae Natividad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naresolba naman agad iyon right there and then.

nikko natividad tulfo in action
Photo/s: Raffy Tulfo In Action YouTube

Tila naka-move on agad si Nikko at may FB shoutouts afterwards na siyempre ay biro lang (published as is):

“Nakakatuwa ang daming nag aaply na yaya. Wag na kayo mag send resume. Pa send nalang ng selfie at whole body. Kung may hikaw sa dila at pusod pa send din ng picture. Mas prefer ko sana may tattoo sa balakang ng [cherries emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sorry ayaw po ng anak ko yung may tattoo na pusong may arrow Saka alambre sa braso. Gusto nya yung pa cute lang”

“Ang dami kong naging project walang tumatak sa inyo. Pero itong paglabas ko sa tulfo parang hindi nyo na makakalimutan. HAYP kayo”

“Kada makikita ako ng mga tao sa labas ‘IDOL MORE TULFO PLS’ Anu to series?”

Read: Kris Aquino reveals she stopped breathing for two minutes during a minor procedure

NIKKO NATIVIDAD ADDRESSES FORMER YAYA'S APPEARANCE ON TULFO SHOW

Dumalo si Nikko at ang misis niyang si Cielo sa birthday party ng kaibigang Jorge Victorio noong Enero 14, 2026, Miyerkules ng gabi, sa 4X Force restobar, Granada St., Brgy. Valencia, Quezon City.

Nagpaunlak ng interbyu si Nikko kaugnay sa pagpapa-Tulfo sa kanya ng dating kasambahay.

“Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip niya, e,” malumanay na sambit ni Nikko.

“Kasi hindi ko expect na magpapa-Tulfo. Kasi unang-una, wala kaming atraso. Kami ang naatraso niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nagbakasyon siya noong Pasko nga. Habang nasa Japan kami, nagpaalam siyang magbakasyon.

“Dahil ang usapan, babalik din siya after vacation. Which is hindi na nga bumalik.”

Mabuti at nang ipa-Tulfo si Nikko ng yaya ng kanyang one-year old baby, naresolba agad ang isyu.

“Buti, kasi mahirap kasi minsan pag nahusgahan ka ng mga tao, lalo na hindi alam yung istorya talaga,” lahad ni Nikko.

“So, akala lang noong una, nagpapapansin ako kung bakit ako nag-post. Unang-una, hindi ko kailangan talagang mag-post.

“Dahil alam kong hindi naman siya magbabayad. So, inuulit ko, kaya ako nag-post — for awareness talaga.

“Kasi ang mga ganyan, puwede kang gamitin. Puwede niyang baliktarin na, ‘Kaya ako nawala kay Nikko, dahil nananakit yan, masama ang ugali niyan kaya ako umalis.’

“Which is hindi yun ang dahilan kaya siya nawala sa amin.”

NIKKO ON PHP44K ADVANCE

Maraming nagulat na nagpabale o nagpa-advance ng PHP44,000 si Nikko sa yaya ng anak. Yung ibang amo raw, pahirapan pa ang pagpapautang ng PHP5,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit sabihin natin natin na PHP10K, PHP5K lang iyan, kapag tinakbuhan mo kasi, iyon ang nakakainis, e,” sabi ni Nikko.

“Di ba? Hindi na yung dahil sa PHP44K. Kasi kahit PHP10K yan, hindi na talaga babalik yan pag tumakbo na, di ba?”

Ambait niya para magpabale ng PHP44,000, huh?!

“Hindi kasi namin alam… naawa kami siyempre. Na kailangan niya, so nagtiwala naman kami,” pagmamatwid ni Nikko.

“Kaya nagtataka ako kung bakit niya nagawa pa na ipa-Tulfo pa ako.”

Magwa-one year na sana sa kanila ang nasabing yaya. Ni-refer iyon sa kanila.

Read: Kris Bernal confronts Aljur Abrenica over ignored messages

GORGY RULA

Naka-relate ang comedienne-host na si Marissa Sanchez sa karanasan ni Nikko Natividad sa dating kasambahay.

Bahagi ng post ni Marissa sa Facebook kaugnay sa isyu: “Sabi nga nila, choose your battles! Pero eto ung mga bagay na hinding hindi mo kayang palagpasin!

“At ang nakakaloka, pinag aksayahan ko pa tlga ng panahong panuorin ito at ipost! Sa soooooobbrrraaang dami pa ng gagawin ko!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kse relate na relate ako sa mga napakarami kong pinagdaanan sa mga nakaraan kong kasambahay!

“At kelangang makilala ito para wala ng kumuha sa knya at hindi na sya tularan pa ng iba! Napakasalbaheng kasambahay! Bait baitan skul of akting ang mukha!

“Madaming ganito actually! Ung iba malala pa dito ang ginagawa! Ang kagigil gigil dito, gnyan ako kabait sa mag asawang yan…

“Gnyang ganyan!!! Tinuturing mo clang pamilya! Tapos gnyan kawawalanghya! Inunahan pang magpa TULFO!

“Kapal ng mukha! Mwawala pagka Kristyano mo sa mga gnyang klaseng tao!!! Sorry Lord, it rubbed off my joy today!”

Reaksiyon ni Nikko: “Hindi lang siya. Maraming nag-post sa Facebook at Tiktok na may mga bad experience din talaga.

“Minsan kasi, nagte-take advantage din iyong iba, e.”

So, magiging maingat na sila this time? Hindi na basta-basta magpapautang ng malaking halaga sa kasambahay?

Napabuntong-hininga si Nikko: “Ahh, nakakaawa naman kasi. Paano kung may bago kaming yaya, tapos kung kailangan talaga ng tulong, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ano na lang, kikilalanin naming mabuti bago namin kunin.”

Read: Carla Abellana quips about outlasting her first marriage

NOEL FERRER

Nakasama na ni Nikko Natividad ang kanyang mag-ina sa abroad bago yung pagdya-Japan nila.

First time na magka-seizure ang baby habang nasa abroad sila.

“Siguro po mga December 31, ayun medyo sumasama na yung pakiramdam niya,” pagbabalik-tanaw ni Nikko.

“Hanggang sa ayun na po, nagkalagnat na. Tapos yun, dun na siya nagkaroon ng seizure.”

Na-infect ba ng virus si baby?

“Hindi pa namin alam kung anong virus yon, kasi wala naman kaming idea. Parang sinat lang, sipon,” pagsisiwalat ni Nikko.

“Tapos dito lang namin nalaman sa Pilipinas na nag-positive siya sa influenza. Kasi may test dito, e.

“Sa St. Luke’s, nagpa-test kami. So iyon, yun ang pinagmulan ng seizure niya dahil tumaas yung lagnat niya.”

OK na si baby ngayon?

Tumango si Nikko, “Oo, OK na. Kasi, sabi nung doktor, kusa siyang gumagaling, yung mga viral infection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan mo lang palakasin yung immune system siyempre. Yun, parang COVID, kusa siyang gumagaling.”

Traumatic iyong pinagdaanan nila sa Japan?

“Traumatic kasi wala kang idea kung bakit siya nangisay, e, kung nag-seizure, e,” saad ni Nikko.

“Kasi first time nangyari. Ngayon alam na namin na meron siyang febrile seizure na kapag tumaas ang lagnat niya, nagkakaroon na siya ng seizure.

“Na hindi naman siya delikado kapag huwag lalagpas ng three minutes.”

Read: Nikko Natividad's baby suffers seizure during vacation in Japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikko Natividad on Facebook post about his former kasambahay: “So, akala lang noong una, nagpapapansin ako kung bakit ako nag-post. Unang-una, hindi ko kailangan talagang mag-post. Dahil alam kong hindi naman siya magbabayad. So, inuulit ko, kaya ako nag-post — for awareness talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results