GORGY RULA
Sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa pagtugis sa gambling tycoon na si Atong Ang, nasalubong ng PEP Troika si Gretchen Barretto sa Summer Palace sa EDSA Shangri-La, Mandaluyong, nitong Huwebes, January 15, 2026.
Nahalata naming hindi kumportable si Gretchen nang kinukunan namin siya ng video.
Pero pumayag naman siya nang magpa-picture ang kaibigan naming ka-lunch sa naturang restaurant.
Read: BLIND ITEM: Actress, ilang beses na-two-time ng ex-boyfriend

Ngumiti lang siya nang binati ng isang kaibigan namin dahil sa naabsuwelto siya at napatunayang hindi siya sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
IS GRETCHEN BARRETTO OPEN TO COMING BACK TO SHOWBIZ?
Tinanong na lang namin si Gretchen kung naiisip pa rin ba niyang bumalik sa showbiz.
Kaagad siyang umiling.
“Peaceful, quiet life,” matipid niyang sabi.
Napa-“yes!” lang siya nang sinabi ng isang kaibigan naming na "no more problems, no more unnecessary stress."
Nagpaalam na siya sa amin.
Ilang sandali lang ay dumating naman ang anak ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada na si Jackie Ejercito.
Si Jackie at iba pang non-showbiz friends pala ang ka-lunch ni Gretchen sa Summer Palace.
Kapansin-pansing lalo pang gumanda si Gretchen at ang ganda rin ng pagpayat niya.
Read: Toni Gonzaga shuts down "power couple" blind item
JERRY OLEA
Naalala ko tuloy ang documentary film na magpe-premiere sana sa 20th Cinemalaya filmfest, yung Lost Sabungeros.
Naudlot ang pagpapalabas niyon noong Agosto 2024 dahil sa “security concerns.”
Nag-premiere ang Lost Sabungeros sa QCinema filmfest noong Nobyembre 2024.
Tumanggi ang MTRCB na i-review ang Lost Sabungeros dahil baka ma-sub judice raw ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Dahil walang MTRCB permit, hindi iyon puwedeng ipalabas sa mga sinehan o i-broadcast sa TV.

NOEL FERRER
Kahit sabihing wala na sa showbiz ang mundo ni Gretchen Barretto ay nakakabit talaga ang buhay niya sa kontrobersiya dahil sa mga taong nasasangkot ang pangalan niya.
Iba rin talaga, anumang pisikal na ganda at pera at impluwensiya ay hindi makakapagpaniguro sa tao ng peaceful and quiet life.
Buti’t simpleng buhay lang tayo, Tito Jerry, di ba, at hindi tayo nakakapag-Summer Palace tulad ng iba riyan, LOL.
Read: Kris Bernal confronts Aljur Abrenica over ignored messages
