PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Ilang maalindog na artista, kumikita sa pagpi-"PR"

Queen of PR, kinabog ang ibang maalindog na artista.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2026
blind item queen of pr
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Patuloy ang pagpi-"PR" ng ilang maalindog na artistang halos araw-araw napapanood sa TV.

Ang ibig sabihin ng PR na ito ay pakikipag-dinner date sa mga yayamaning tao, na kadalasan ay negosyante o pulitiko.

Hanggang kuwentuhan lang ang klase ng PR na ito, na ang presyuhan ay karaniwang hindi bumababa sa PHP150,000.

E, kasi naman, kilalang celebrity ang nagpi-PR — nagbibida sa TV program. May pangalan, ika nga.

Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman

AFTER-DINNER ACTIVITY

Of course, puwedeng lumagpas sa dinner ang ganap.

Napag-uusapan iyan, lalo na kung bet ng maalindog na bituin ang client.

Matagal na ang ganitong raket ng pretty stars kahit bisi-bisihan sila sa taping o shooting.

Mabilis ang kita sa ganitong paraan, na hindi nakakaltasan ng buwis.

JERRY OLEA

Pagdating sa after-dinner activity, marunong dumiskarte ang ilang kliyente para makaiskor sa maalindog na artista.

For example, inilabas lang ng isang richie-richie client ang kanyang luxury car, nawindang na ang ka-date niyang pretty star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong pa ni Pretty Star si Richie-Richie client kung ito ba talaga ang owner ng luxury car.

Bingo!

Pumayag si Pretty Star sa after-dinner activity habang sakay sa luxury car ni Richie-Richie client.

Read: BLIND ITEM: Actress, ilang beses na-two-time ng ex-boyfriend

NOEL FERRER

Nasa black book ang mga pangalan ng pretty stars na available sa ganoong booking.

Kapag nadaragdagan ang kinang ng kanilang pangalan, tumataas siyempre ang talent fee nila sa PR.

QUEEN OF PR IN LOCAL SHOWBIZ

Ang kinikilalang Queen of PR sa local showbiz ay ang bidang aktres na karelasyon pa rin ng isang influential personality.

Nag-umpisa sila sa dinner date. Naaliw sa isa’t isa. Nawili.

Kaya hanggang ngayon, hindi lang sila nagdi-dinner kundi nagmi-midnight snack, nagbe-breakfast, nagla-lunch, nagme-merienda cena.

Iba ang halina at hiraya ng Queen of PR. Ibang-iba!

Read: BLIND ITEM: Aktres, baka di matuloy ang pelikula dahil sa pagdadalantao

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results