PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV5, nauungusan na ng A2Z at AllTV sa TV ratings

Mga drama series na joint venture ng ABS-CBN at TV5, ire-replay sa TV5.
by PEP Troika
Published Jan 19, 2026
tv5 shows
Beginning January 19 2025, TV5 will air replay episodes of Nag-aapoy Na Damdamin and Pira-pirasong Paraiso, joint ventues of ABS-CBN and TV5 which aired on the afternoon timeslot of TV5 in 2023.
PHOTO/S: TV5

JERRY OLEA

Tuloy pa rin ang Cine Cinco Sa Umaga (9:00-10:30 AM) at Cine Cinco Sa Hapon (3:10-4:45 PM) kung weekdays sa Kapatid Network.

Pero simula ngayong Enero 19, 2026, Lunes, ligwak na ang Cine Cinco Primetime sa gabi.

Sa halip, mapapanood sa timeslot niyon ang Nag-aapoy na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso na parehong joint venture ng TV5 at ABS-CBN.

Read: MVP, nagpatawag ng emergency meeting re: TV5 programming?

NAG-AAPOY NA DAMDAMIN

Opo! Nagbabalik sa 8:45 P.M. sa primetime telecast ang Nag-aapoy na Damdamin, ang drama-romantic thriller na pinagbibidahan nina JC de Vera, Jane Oineza, Tony Labrusca, at Ria Atayde.

Ito ay kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at panlilinlang.

Sabi sa press release ng TV5: “Ngayong mapapanood na ito sa mas malakas na primetime slot, pagkakataon na ito para sa mga manonood na hindi ito nasubaybayan noon — at para muling masilayan ng mga minahal ang dramang hinangaan sa lalim ng mga karakter, tapang ng kuwento, at punung-puno ng emosyon na acting performances.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PIRA-PIRASONG PARAISO

Kasunod nito by 9:30 P.M. ang romantic drama na Pira-pirasong Paraiso na pinagbibidahan nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson.

Ang papel ni Loisa ay si Baby Girl, isang con artist na papasok sa mapanganib na misyon ng pagpapanggap bilang isa sa matagal nang nawawalang kapatid ng isang bata at mayamang babae.

Kaharap ang isang mundong puno ng panlilinlang at intriga, lalaban si Baby Girl sa hamon ng pag-ibig at pamilya, at sa mga katotohanang magbabago ng kanyang pagkatao.

TODOMAX PRIMETIME

Nakaprograma rin sa TodoMax Primetime ng TV5 kung weeknights ang early evening newscast na Una sa Lahat (5:30 P.M.), kasunod ang Frontline Pilipinas (6:15 P.M.) na patuloy na naghahatid ng credible at in-depth reporting sa pinakamahahalagang balita ng araw.

Todo-aksiyon ang hatid ng Totoy Bato (8:00 P.M.), ang tentpole series ng TV5 na pinangungunahan ni Kiko Estrada sa iconic role na hango sa komiks ni Carlo J. Caparas at sa pelikula ni Fernando Poe Jr.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinusundan dito ang kuwento ni Totoy habang ipinagtatanggol niya ang Pook Paraiso laban sa makapangyarihang pamilya at malulupit na puwersa.

Pahayag pa ng Kapatid Network: “Sa mas pinaigting na lineup na ito, muling pinagtitibay ng TV5 ang pangako nitong maghatid ng TodoMax entertainment — isang kombinasyon ng impormasyon, aksyon, at emosyonal na mga kuwento — pinagsasama ang mga pamilyar na kuwento sa isang bigating primetime block para sa Kapatid viewers.

“Todo-todo tayo, Kapatid, mula news hanggang primetime drama. Abangan ang mas matinding TodoMax Primetime Singko simula Monday, January 19, gabi-gabi sa TV5.”

todo max tv5 libeup
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROJA AND WHAT LIES BENEATH

Bago mag-umpisa ang Cine Cinco Primetime noong Enero 2, 2026, ang nasa 8:45 P.M. timeslot ng TV5 ay ang Roja, at ang nasa 9:30 P.M. timeslot ay What Lies Beneath.

Parehong napapanood sa Netflix Philippines ang advance episodes ng Roja at What Lies Beneath.

Noong Enero 17, Sabado, naligwak pareho ang Roja at What Lies Beneath sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

Kinabukasan, Linggo, pumuwesto sa pansampu ang What Lies Beneath. Ngayong Enero 19, Lunes, ay pansiyam na ito.

Yung Roja nina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, at Maymay Entrata ay hindi pa nakakabalik sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH.

Read: TV5: "ABS-CBN has failed to pay what is due."

GORGY RULA

Hindi ko ma-gets kung paano mapa-"TodoMax" ang mga replay na programa.

Obvious na tila nangangarag ang mga "kapatid" natin sa Kapatid network kung paano nila pupunuin ang primetime nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita kasing bumaba pa sila lalo nang nawala ang primetime shows ng ABS-CBN na FPJ's Batang Quiapo, Roja, at What Lies Beneath.

Dati kasi ay nasa-second spot pa ang TV5, ngayon ay nasa third o fourth spot na ang TV5. Natatalo na raw ito ng GTV, sister channel ng GMA-7.

TV RATINGS

Base sa ratings ng primetime shows nung Biyernes, January 16, 2026 ay mababa pa rin ang TV5.

Simula sa news program ay natalo pa sila ng nasa A2Z at AllTV.

Ang 24 Oras ng (GMA-7/GTV) ay 11.2%, ang TV Patrol ng Kapamilya Channel/A2Z/AllTV ay 2.8%, ang PBA sa RPTV ay 2.9%, at itong Frontline Pilipinas ng TV5 ay 2.6%.

Sumunod ang Sang’gre (GMA-7/GTV) na 8.2%, ang Batang Quiapo (Kapamilya Channel/A2Z/AllTV), ay 5.7%, at ang Totoy Bato (TV5) ay 1.3%.

Ang Cine Cinco Primetime ng TV5 ay 0.7% lamang.

Halos nagpang-abot na sila ng Roja (Kapamilya Channel/A2Z/AllTV) na 2.9%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatapat din ng Sanggang Dikit (GMA-7/GTV) na 7.2% at What Lies Beneath (Kapamilya Channel/A2Z/AllTV) na 1.7%.

Baka mapapataas ang viewership sa oras na yun ng replay na Nag-aapoy Na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso.

Sana ma-promote pa nang mabuti ang primetime shows ng TV5. Mag-isip sila ng maganda pang promo sa Totoy Bato ni Kiko Estrada.

Mahaba-haba pa raw ito, sabi ng Viva actor.

“Pinaghirapan po namin every day yung Totoy Bato. Yung huling sinabi po sa akin, yung taping until March. So, it will end I guess April,” sabi sa amin ni Kiko.

Last year pa nag-umpisang mag-promote online ang TV5 ng mga bago nilang teleserye, kabilang ang The Kingdom: Magkabilang Mundo, My Bespren Emman, at A Secret in Prague.

upcoming tv5 shows
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na sila mag-todomax sa promo dahil malalaki ang mga artista nila.

Kahit mag-ikot sila sa iba’t ibang probinsya. Magpa-regional shows, para aware ang buong bansa sa mga bago nilang programa.

Andiyan pa ang mga naka-lineup nilang programa na The Good Doctor, Project Loki, Magic Boys, Artista Academy, at Isayaw Mo.

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

NOEL FERRER

Ano ba talaga ang nangyayari?

Noong nakaraang buwan, nataranta tayo sa usaping utang between ABS-CBN and TV5. Tapos, nagkabayaran na raw bago mag-Pasko.

May announcement kapagkuwan ang Kapamilya network sa bago nilang partner na AllTV.

Akala natin, OK na lahat at clean slate at magkakasubukan na ng husay at lakas ngayong may bago nang resources, pero anyare talaga?

Bakit itong collab ang ipinagwawagaywayan ulit ngayon? Hindi ba’t mixed signals at nakaka-confuse pang lalo ito sa mga televiewers?

Is this a lesser evil, survival move — at gamitin na ng Kapatid network ang lahat ng assets na may access sila at the lowest possible cost?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano bang nangyayari talaga?

Sana, may mag-communicate talaga nang diretso ng mga tunay na nagaganap.

Ironic lang kasi nasa mundo tayo ng communications, pero sana may magsabi at maglinaw sa ating ng mga the moves ngayon para may dagdag pa tayong matutunan sa mga nangyayari — beyond the press releases. Di ba?

Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beginning January 19 2025, TV5 will air replay episodes of Nag-aapoy Na Damdamin and Pira-pirasong Paraiso, joint ventues of ABS-CBN and TV5 which aired on the afternoon timeslot of TV5 in 2023.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results