PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga anak ni Gelli, mas naka-focus sa biko business nila sa Canada

Mga anak nina Gelli at Ariel, mas naka-focus sa biko business sa Canada
by PEP Troika
Published Jan 21, 2026
gelli de belen family
Gelli de Belen on biko business of her sons Joaqui and Julio in Canada: “Talagang nag-decide silang to put more focus on it, thinking na baka mamaya it might actually work out. And if it does, e, di dala-dala nila yung legacy ng lola, lolo nila, plus may business pa sila.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA

Natatawang nagkuwento sa amin si Gelli de Belen sa pinagkakaabalahan ngayon ng mga anak nila ni Ariel Rivera na sina Joaqui at Julio, na parehong nakatira sa Canada.

Nakatsikahan ng PEP Troika ang aktres nitong Martes, January 20, 2026, sa story conference ng pelikulang gagawin niya, ang Mantsa.

Ipoprodyus ito ng Dragon Entertainment Productions at ididirek ni Louie Ignacio.

Tawang-tawa si Gelli sa dalawang anak niyang parehong nakapagtapos na ng pag-aaral, pero ang mas pinagkakaabalahan daw ay ang pagtitinda ng biko sa Toronto, Canada.

Kaka-graduate lang ng bunsong si Julio, 25, sa kursong Kinesiology o scientific study of human movement.

Ang panganay na si Joaqui, 27, ay tapos na rin sa kursong Physics.

Read: Gelli de Belen reveals advice to sons who are based in Canada

THE BIKO BUSINESS OF JOAQUI AND JULIO IN CANADA

Pero hindi muna raw ginagamit ng magkapatid ang kanilang tinapos na mga kurso. Mas pinili raw ng mga itong magluto at magtinda ng biko sa mga kababayan natin sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Gelli: “Si Joaqui at saka si Julio, pareho na silang tapos. Kaya lang nagpo-focus sila ngayon dun sa biko.

“Oo, yun ang gusto nilang gawin. Ang weird, 'no? Ang weird!

"Pero yun ang gusto nila, dun muna sila, sige!”

Sinimulan daw nila ito noong pandemic at naging maganda ang resulta kaya itinuluy-tuloy na raw ng magkapatid.

“Talagang nag-decide silang to put more focus on it, thinking na baka mamaya it might actually work out.

“And if it does, e, di dala-dala nila yung legacy ng lola, lolo nila, plus may business pa sila,” sabi ni Gelli.

Ang pangalan ng biko business nina Joaqui at Julio ay Lolo Ben's Biko.

May dalawang restaurants daw sa Toronto na regular nilang sinu-supply-an ng biko, at tumatanggap din sila ng orders online na sila na rin mismo ang nagde-deliver.

Saad ni Gelli: “So right now, nandudun pa sila.

"Kaka-decide lang nila. So, ewan ko kung ano yung mangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Idea nila ito, sila ang nagluluto, sila lahat yan.

“I think because wala masyadong biko sa Canada. Kaya medyo okay siya, sumusuporta yung mga kababayan natin sa Canada.

“Kasi katatapos lang nung isa, e. So they just decided it for now. They'll try it for a year.

“May mga tinapos na sila, ha? Hindi ko alam kung ano yung plano nila.”

Read: Gelli de Belen's sons in Canada to sell biko this summer

JERRY OLEA

Tanggap na rin ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera na isa sa mga araw na ito ay magpapaalam ang mga anak nila para bumuo ng kanil-kanilang sariling pamilya.

Pero sa tingin ni Gelli ay hindi pa ito mangyayari ngayon. Mas busy raw ang magkapatid sa pagluluto at pagtitinda ng biko.

“Well, eventually talaga that is what’s going to happen.

“Pero right now, hindi pa naman sila handa. At saka feeling ko, wala pa sila dun sa puntong yun sa buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, chill lang. Chill pa ako,” nakangiting sabi ni Gelli.

Madalas din ang pagdalaw nila ni Ariel sa Canada, at ramdam nilang sobrang attached pa rin sa kanila ang mga anak.

“Yes! Ano pa rin, makaano pa rin sila… I guess, kasi iba na ang buhay ngayon, e.

“Dati pag 27 ka na, iba na, e, yung way of living, at saka, of course, finances, iba nung araw at saka ngayon.

“You really have to be prepared. And ang kabataan ngayon, mas nakikita yan nila ngayon. Mas sane na sila pagdating dun,” saad ni Gelli.

Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial admit “private relationship”

NOEL FERRER

Ayon kay Gelli, wala pa isip nila ni Ariel na manirahan na rin sa Canada kasama ang kanilang mga anak.

May trabaho pa raw kasi sila sa Pilipinas kaya aya okay na raw muna sila dito habang may ginagawa silang projects.

Ani Gelli: “Hindi naman pa. Kasi may work pa kami dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, ang lamig, winter! Mahirap din yun malamig.

"I don’t know… at the moment, paganun-ganun lang, pabalik-balik lang to visit the kids and then come back. Because nakaka-pag-work pa e,” sabi pa ni Gelli.

Sisimulan na rin ni Gelli ang drama series sa TV5 na The Good Doctor.

Nang tanungin ako ni Gelli tungkol dito, ang sabi ko, hintayin namin ang desisyon ng kinauukulan ukol sa green light ng project.

Sana magkapirmahan na ng kontrata para wala nang atrasan, di ba?

Tapos, eto pa ang pelikulang Mantsa na story ng kaibigan ni Gelli at hairdresser na si Bambbi Fuentes, na isa rin sa producers.

Hindi dahil sa close sila ni Bambbi kaya niya ito tinanggap. Nagandahan daw talaga siya sa material, at ngayon lang siya uli gagawa ng horror film.

Sabi ni Gelli: “Maganda naman talaga yung story. Maganda yung material.

“Nung kinuwento pa lang sa akin ni Bambbi, 'Uy, parang okay yun ah!'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Gelli sa cast ng Mantsa sina Pilar Pilapil, Bo Bautista, at ilang artists ng Dragon Entertainment na sina Shira Tweg, Khai Flores, at ang Mr. Grand Philippines na si Than Perez (na kahawig at puwedeng maging kapatid ni Alden Richards, ha.)

cast of mantsa
The cast and director of Mantsa
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gelli de Belen on biko business of her sons Joaqui and Julio in Canada: “Talagang nag-decide silang to put more focus on it, thinking na baka mamaya it might actually work out. And if it does, e, di dala-dala nila yung legacy ng lola, lolo nila, plus may business pa sila.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results