GORGY RULA
Hindi bumitaw at talagang sinundan ng fans ni Coco Martin ang teleserye niyang FPJ’s Batang Quiapo, pagkatapos nitong umalis sa TV5 kasama ang iba pang programa ng ABS-CBN.
Noong Martes, January 20, 2026, ay may lumabas na artcard kung saan natalo raw ng Batang Quiapo ang Sang’gre sa ratings.
Inilabas nila ang aggregated ratings ng Batang Quiapo na naka-8.9% noong Lunes, January 19. Pinagsama-sama nila ang naitalang ratings ng Kapamilya primetime series mula sa A2Z (4.3%), Kapamilya Channel (2.6%), at AllTV (2%).
Read: Mga anak ni Gelli de Belen, mas naka-focus sa biko business nila sa Canada
Samantala, ang Sang’gre ay 7.8% sa GMA-7 lamang na merong mahigit 115 stations nationwide.
Pero kung aggregated din ang Sang’gre kasama ang rating nito sa GTV, naka-9.4% ang Kapuso primetime series.
Lumalabas na panalo pa rin ang Sang’gre dahil sa dalawang istasyon lang ito ipinapalabas, laban sa tatlo ng Batang Quiapo.
Dehado rito ang Totoy Bato na 1.3% ang rating sa TV5 na may mahigit 20 stations lang daw nationwide.
Pero noong Martes, January 20, ay tumaas ang aggregated ratings ng Batang Quiapo na may 9.5%, at ang Sang’gre ay 9.4% pa rin.
PRIMETIME TV RATINGS
Pagkatapos ng Sang’gre ay okay pa rin naman ang sumunod ditong Sanggang Dikit noong Lunes na 7.9%; ang Roja ay 5%; at ang What Lies Beneath ay 2.5%.
Noong Martes ay 7.5% ang Sanggang Dikit, 4.8% ang Roja, at 2% ang What Lies Beneath.
Sa labanan ng ratings, ang TV5 talaga ang dehado dahil nasa isang istasyon lang umeere ang Totoy Bato at iba pa nilang primetime shows.
May ilang shows na simultaneous ang airing sa RPTV pero hindi pa rin talaga ganun kalakas ang mga iyon.
Kaya kung iisipin, nakaka-pressure ito sa Kapatid network na nagpa-plug na ng mga bago nilang drama series, pero ang dinig namin ay hindi pa nagsimulang mag-taping ang iba.
Sa mga nai-plug na The Kingdom: Magkabilang Mundo, My Bespren Emman, A Secret in Prague, The Good Doctor, mauuna raw itong My Bespren Emman.
May airing date na raw ito bandang March. Pero ang iba ay magsisimula pa lang.
Kaya nagtiyaga muna sila sa replay na Nag-aapoy Na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso, na joint ventures ng TV5 at ABS-CBN.
Read: Priscilla Meirelles opens up on why she gave up her marriage
JERRY OLEA
Mababa pa rin talaga ang viewing level ng mga programa sa telebisyon, pati ang sa panghapon.
Kahit paano ay okay na rin ang ratings ng pagtatapos ng Cruz vs. Cruz. Noong Biyernes, January 16, ay naka-6.3% ito.
Ang Hating Kapatid ay 5.6%, at ang Unica Hija ay 3.6%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 3.8%.
Ang Family Feud pa rin ang pinakamataas sa afternoon prime na naka-7.3%.
Noong Sabado, January 17, ang finale episode ng Cruz vs. Cruz ay naka-5.6%.

Ang It’s Showtime ay 5.6%, at ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Ang itinapat ng TV5 sa Cruz vs. Cruz na Frontline Express ay 1.6%, at ang Cine Hit ay 1%.
Ang Tadhana ay 4.5%; ang Wish Ko Lang ay 3.1%; at ang Sparkle U ay 2.5%.
Pagdating sa primetime ay naka- 6.1% ang 24 Oras Weekend. Ang TV Patrol Weekend ay 0.9%, at ang Frontline Weekend ng TV5 ay 1.3%.
Okay naman ang Eviction night episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 na naka-6.9%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.6%, at ang Your Face Sounds Familiar ay 2.2%.
Read: TV5 affected ng naunsiyaming ABS-CBN deal; MVP, nagpatawag ng emergency meeting?
NOEL FERRER
Noong Lunes, January 19, ang pilot episode ng House of Lies na pumalit sa timeslot ng Cruz vs. Cruz. Naka-4.3% ito.

Ang Cine Cinco ng TV5 ay 0.8%, at ang replay ng Senior High ay 0.5% sa A2Z at AllTV.
Ang It’s Showtime nung araw na yun ay 4.5%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang Hating Kapatid ay 4.7%, ang Frontline Express ng TV5 ay 1.7%, at ang replay ng Lavender Fields sa A2Z at AllTV ay 0.8%.
Pagkatapos ng House of Lies ay ang Fast Talk With Boy Abunda na 3.5%.
Ang replay na Unica Hija ay 3.6%, at ang sumunod na Delightfully Deceitful ay 2.3%.
Ang Family Feud naman ay 7.2%.
Noong Martes, January 20, ay mas bumaba ang viewership sa afternoon prime.
Ang It’s Showtime ay 4.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.
Ang Hating Kapatid ay 4.3%; ang replay na Lavender Fields ay 0.7%; at ang Frontline Express ay 2.1%.
Sumunod ang House of Lies na 4.2%; at ang Cine Cinco sa TV 5 ay 1.1%; at ang Senior High naman ay 0.4%.
Ang laki naman ng ibinaba ng Fast Talk With Boy Abunda na 2.6%; at ang katapat na Gold Hits ay 0.2%.
Ang Unica Hija ay 2.5%, at ang Delightfully Deceitful ay 2%.
Bumaba rin ang Family Feud na naka-6.7% lamang. Ang katapat nito ay Deal or No Deal na 1%, at ang Frontline Pilipinas na 2.5%.
Sa Sabado, January 24, ay babalik na uli ang Hating Kapatid pagkatapos ng It’s Showtime.
Ito ang dating pinalitan ng Cruz vs. Cruz sa Saturday afternoon slot.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial admit “private relationship”
