PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, nilinaw na hindi siya maninirahan sa Amerika

Paolo Gumabao, planong kumuha ng acting course sa Amerika.
by PEP Troika
Published Jan 21, 2026
paolo guambao spring in prague premiere
Paolo Gumabao on first leading role in Spring In Prague: “Alam naman ng mga tao ang mga projects na ginagawa ko before. Very different compared to what I did here. So, ayun siguro overall, as a collective experience, it was a beautiful journey for me.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Paolo Gumabao sa premiere night ng pelikula niyang Spring in Prague na ginanap sa Cinema 12 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Lunes, Enero 19, 2026.

Muli naming pinag-usapan ang balak niyang pagbakasyon sa USA nang matagal-tagal. Baka magtatagal daw siya roon sa kanyang kapatid na nakabase sa California.

Kung magkakaroon ng chance na makapag-audition doon para sa isang TV show o pelikula ay gagawin daw niya. Pero mas mukhang Latino raw siya.

Ang duda ng iba ay baka pinag-iisipan nitong doon na sa Amerika manirahan.

Tinanong namin si Paolo tungkol dito.

“No naman. Just to relax muna. Chill,” napangiting pakli ng sexy actor.

Read: Paolo Gumabao, susubukang tumira ng ilang buwan sa Amerika

PAOLO GUMABAO TO STUDY ACTING IN THE U.S.

Ang isa raw sa inaayos niya ngayon ay baka puwede siyang mag-aral doon ng acting.

Ani Paolo: “May mga narinig kasi akong mga acting schools dun. Yun talaga yung goal ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maybe, I’ll try to get a student visa to study acting in the U.S. Yun yung pinaka-goal ko kaya ako pupunta dun.

“I wanna scout for acting schools. Kasi, I think it’s also allowed for foreigners to get a student visa para makapag-aral ng acting sa ibang bansa.”

Bakit sa Amerika pa niya gustong mag-aral ng acting?

“I guess, different knowledge naman,” tugon ni Paolo.

“Siyempre lahat ng binabasa nating libro tungkol sa acting, tungkol sa filmmaking, most of them nanggagaling sa U.S.

“So, gusto ko lang matuto from the best, I guess.

“Ngayon, ang bread and butter ko is acting, being an actor. So, I wanna focus on that first.

“I just wanna learn first. I just wanna be a student, matuto, matutunan ko kung anong puwedeng matutunan.

“Ma-explore kung ano ang puwede kong ma-explore as an actor. Iyon yung pinaka-goal ko pagpunta ko sa U.S.”

Ayon kay Paolo, may isa pa siyang pelikulang magso-showing kaya ipo-promote pa raw niya ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mauuna itong Spring in Prague na magso-showing na sa February 4.

Sa gitna ng pagpo-promote ay maghahanap na raw siya ng school sa Amerika na pag-aaralan niya ng acting.

Read: Priscilla Meirelles opens up on why she gave up her marriage

NOEL FERRER

Natuwa si Paolo Gumabao sa magandang feedback na natatanggap niya sa Spring in Prague.

Hindi siya nagpa-sexy rito, kaya wholesome ito para sa kanya.

Nagpapasalamat siya sa Borracho Films dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang si Alfonso Mucho sa naturang pelikula.

Sabi pa ni Paolo: “First time ko kasing mag-leading man sa pelikula, e.

“Alam naman ng mga tao ang mga projects na ginagawa ko before. Very different compared to what I did here.

“So, ayun siguro overall, as a collective experience, it was a beautiful journey for me.”

Hindi na bumalik dito sa bansa ang leading lady ni Paolo na si Sara Sandeva.

Abala rin sa Czech Republic si Sara sa kanyang modelling at acting career. Kaya hindi na raw siya nakabalik dito para tumulong sa promo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Busy siya sa paggawa ng mga projects doon,” pakli ni Paolo.

paolo gumabao sara sandeva spring in prague
Sara Sandeva and Paolo Gumabao
Photo/s: Borracho Films

Read: Paolo Gumabao on frontal nudity: "One time is okay."

JERRY OLEA

Nasa premiere ng Spring in Prague ang co-stars ni Paolo Gumabao na sina Marco Gomez, Elena Kozlova, Nhorms McLeod, at Jose Abdel Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, present din ang Borracho producer na si Atty. Ferdie Topacio, ang direktor ng pelikula na si Lester Dimaranan, at scriptwriter nasi Eric Ramos.

Sumuporta sa premiere sina Mark Neumann, Dave Bornea, Victor Relosa, Simon Ibarra, Butch Francisco, Dante Balboa, Manny Valera, Sean Raval, Jesy Vidal, at Jimmy Bondoc.

Si Paolo ang nag-lead ng prayer bago ang screening.

Bahagi ng dalangin ni Paolo: “Sana, pagpalain pa po yung Borracho Films Productions na makagawa pa ng maraming pelikula.

“Na makagawa pa ng mga pelikulang mag-i-inspire ng mga kapwa Pilipino, at maraming salamat po sa mga biyaya na bigay po sa aming lahat. Amen.”

After ng screening, masaya si Paolo sa reaksiyon ng mga tao.

Aniya, “Naririnig namin kung saan kami tama. Kumbaga ganun, natutuwa kami na ramdam din sa audience, yung kung paano nila nagustuhan.”

Susog ni Elena, “After watching the film, kinilig ako.”

elena kozlova spring in prague
Elena Kozlova
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Elena afterwards kina Direk Lester at Atty. Topacio.

Saad naman ni Marco na gumanap bilang Coconut Man na si Diego: “Very great experience. First time ko nakita ang sarili ko na hindi villain. So it was cool!”

marco gomez spring in prague
Marco Gomez
Photo/s: Jerry Olea

Pahayag ni Direk Lester: “Actually kanina noong pinapanood ko po, parang mas na-appreciate ko po ngayon kumpara noong ine-edit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi parang more than 300 times ko na siyang napanood, pero laging nakatutok ako sa color grading, sa editing…

“Pero nang pinanood ko siya nang buo, ang ganda-ganda niya po talaga.”

Ipinagtapat ni Direk Lester na nakasubaybay sa kanilang shooting si Atty. Topacio kahit hirap itong lumakad — sa Puerto Galera, Oriental Mindoro pati sa Czech Republic kung saan sobrang lamig.

Dagdag ni Direk Lester: “Nagrereklamo si Attorney na pabalik-balik sa Puerto Galera. Sabi niya, ‘Ano ba yan?! Double take na naman, take na naman?!’ Kasi, paulit-ulit yung shoot niya.

“Hindi niya akalain, pagdating sa Prague, mas malamig pala. Nagkakaroon pa siya ng problema, hanggang ngayon, dala niya pa.

“Pero yun nga, experience sa amin. Nakakatuwa at, yun po, salamat sa lahat ng mga nagpunta rito.

“Sana po, ipakalat po natin na merong kakaibang love story na puwedeng upuan ngayong Valentine.”

Kasama rin sa cast ng Spring in Prague sina Keahnna Reyes, Juvz Tesalona, Doc Che Lejano, Ynah Zimmerman, Heartney Martinez, Tori Topacio, Esel Mae Pabillaran, Michela Flenerova, at Luminita G.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mga anak ni Gelli de Belen, mas naka-focus sa biko business nila sa Canada

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on first leading role in Spring In Prague: “Alam naman ng mga tao ang mga projects na ginagawa ko before. Very different compared to what I did here. So, ayun siguro overall, as a collective experience, it was a beautiful journey for me.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results