GORGY RULA
Ewan ko kung nakarating na sa kampo nitong bortang aktor na siya ang pinag-uusapan ng ilang production staff sa teleseryeng ginagawa nito.
Ang laki raw kasi ng ipinagbago ng bortang aktor na malayo sa ipinakita niya noon.
Ibang-iba na raw siya ngayon na tuwing may taping sila ay may hanash ito.
Nagrereklamo raw si bortang aktor kapag maraming eksenang kukunan.
“Ano ba naman to! Nung last, ang dami kong kukunan, ngayon ang dami pa rin!” tipong ganun daw ang hanash nito sa taping.
Minsan ay umaalis daw si bortang aktor na hindi pa nakukunan ang lahat na eksena. Kaya tuloy napapansin na ang mga diperensiya nito.
Hindi naman daw magaling umarte si bortang aktor. Walang dating.
Maganda lang ang katawan, at nadala lang daw ito ng dati niyang ka-loveteam.
Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien
SUNGIT-SUNGITAN KAHIT LATE NA NGA
Minsan daw ay na-late si bortang aktor sa set ng halos tatlong oras.
Hindi raw siya napagsabihan ng executive producer dahil sungit-sungitan ang drama nito pagdating sa set.
Hindi raw namamansin, pero may mga eksena namang nakunan.
Yun lang, nabawasan na siya ng sequences dahil sa halos tatlong oras na nawala.
Siguro nahiya rin si bortang aktor dahil pagkatapos ng taping ay hindi raw pumirma sa attendance.
Itinuloy niya ang trabaho nung araw na yun, pero hindi na siya nagpabayad.
Read: BREAKUP TALES: Swap na nauwi sa separation
JERRY OLEA
Sabi ng ilang nasa production na napagtanungan namin, parang pagod na raw si bortang aktor sa ginagawa niya.
Palibhasa raw kasi yayamanin kaya parang hindi naman kailangan ni bortang aktor ang trabahong ito.
Parang ganun ang dating sa ilang nasa production na napagtanungan namin.
Ang layo raw nito sa magandang bidang aktres ng teleserye na walang reklamo kahit ano ang ipinapagawa sa kanya.
Tiyak na si magandang aktres daw ang magdadala nitong teleserye nila, hindi itong si bortang aktor.
Read: Willie Revillame finally speaks up about past relationship with Sugar Mercado
NOEL FERRER
Naku, umayus-ayos ang bortang aktor na ito na never pa kinilalang mahusay ay may ganito nang hanash sa buhay.
Baka magulat na lang siya na pakonti na nang pakonti ang mga eksena niya dahil matagal na rin siyang nababansagang bopol sa aktingan.
Actually, hindi na rin siya sineseryoso at pinapansin ng iba niyang kasamahan sa trabaho.
At ang mga staff, pinakikisamahan na lang siya dahil sa trabaho nila.
Good luck talaga sa kanya!
Read: Manny V. Pangilinan addresses end of TV5 partnership with ABS-CBN
