GORGY RULA
Masaya ang mga taga-CinePop sa magandang feedback sa kauna-unahang BL series nilang That Summer: Reunion.
Natuwa sila sa magandang chemistry nina Zuher Bautista at Awin Valencia na bida sa five-episode series na ito.
Naglabasan tuloy ang iba pang BL series sa vertical drama, at kahit si Direk Darryl Yap ay nag-post na gusto rin daw niyang gumawa uli ng BL series para sa kanyang vertical drama.
Napagpasyahan tuloy ng mga taga-CinePop na sundan itong That Summer: Reunion tampok ang tambalang Zuher at Awin.
Ang kaibahan lang talaga nito ay mas mapangahas na tila gustong talbugan ang Heated Rivalry nina Hudson Williams at Connor Storrie.
Read: Who Is Hudson Williams, the breakout star from Heated Rivalry?
AWIN ON SHOOTING SEX SCENES WITH ZUHER
Aminado si Awin na nung unang sequences nila sa first shooting day ay medyo naiilang pa siya. Pero nung medyo tumagal na, naging kampante na siya at bigay na bigay na sila sa sex scenes.
“Yung una kasi po talaga, ang hirap maka-connect kay Zu. Kasi parang ano… lalo na first day namin. And especially, parang two days lang naman yung shooting days namin.
“Parang nung first day pa lang, kailangan na namin kumuha ng connection. Naramdaman ko naman sa kanya.
“Nagkaroon lang kami ng mga dalawa to three sequence na parang kusa na lang na ano…” napangiting pahayag ni Awin.
Naging kumportable sila, dahil pareho sila ng sexual preference na sinabi nilang puwede sila sa guy, o kahit sa girl.
“I’m bisexual po. Puwede po sa girl, puwede po sa guy,” pag-amin ni Zuher.
Sabi naman ni Awin, “Straight naman ako, pero gender fluid ako. Any gender naman, hindi ko naman kino-close ang mga ganun po.”
Read: Zuher Bautista, Awin Valencia "all the way" sa bagong BL series
NOEL FERRER
Second time ni Awin Valencia mag-BL series, at si Zuher Bautista naman ay marami nang nagawa.
Pero dito sa CinePop ay talang itinodo na raw ni Zuher.
Saad ni Zuher: “Nakagawa na kasi ako before ng BL. Meron na akong ginawa dito na restrictions ko before, tinanggal ko dito. Nag-all out ako dito.
“Kasi kampante ako kay Awin at saka sa production. I feel safe.”
ZUWIN LOVETEAM?
Tinanong na rin namin kung puwede bang sundan ang tambalan nila sa CinePop at mas mapangahas pa.
“Bakit naman hindi?” bulalas in Zuher.
Pag nagkataon, sila ang first loveteam ng CinePop para sa BL series. Napaisip sila kung ZuWin na ba ang tawag sa kanilang loveteam.
Noong nag-guest silang dalawa sa teleradyo program namin sa DZRH, nagkayayaan na pala silang lumabas. Si Awin lang ang medyo nahihiya pa.
Napag-usapan namin doon ang komento ng ilang viewers na mas type daw nila kung straight guys ang gumaganap sa BL series.
May mga nagsasabi ring mas okay na pareho silang nasa queer community, na hindi maiwasang maisip kung puwede silang magkatuluyan.
Sagot ni Awin, “Actually po, me and Zuher, napag-usapan din naman namin and… work-work. Siguro sobrang galing lang talaga ni Zuher.”
Sabi naman ni Zuher sa katambal, “Magaling ka rin. Kaya nakampante din po ako.”
Read: OSCARS 2026: Sinners breaks record with 16 nominations
JERRY OLEA
Mas may advantage ba kung parehong miyembro ng LGBTQIA+ ang gumaganap sa isang BL series? O mas may excitement kapag parehong straight na lalaki ang gumaganap?
Sagot ni Zuher: “Sa akin po kasi, malalaman niyo po ba kung straight sila or may isa sa kanila, hindi, o pareho silang hindi? Not unless tatanungin sila at sasagot sila ng tama.
“Though ang dami din pong straight na magagaling na una kong na-experience na lahat sila straight, pero nagawa nilang mabuti kahit hindi sila part ng LGBTQ community.
“Ang galing pa rin nila. Nasa actor pa rin po yun siguro at sa viewers.
“Kasi nung nag-start ako, akala talaga nila straight ako. So straight din sila. Last year lang naman po sa Sparks Camp ako nag-out, e.
“In fairness naman po nung bumalik ako from Sparks Camp, bumalik uli ako kasama yung mga straight pa rin.
“Wala naman akong naramdaman na ilang. Wala akong naramdaman na parang, ‘Ay, bakla ito, baka mamya dito may malisya,’ or what. Parang mas nakampante ako na alam nila.
“Parang mas natuwa pa nga sila dahil alam nilang umamin ako. Nakabuti din siya.”
Tugon naman ni Awin: “Sa akin naman, hindi ako nasaktan dun. Siyempre, lahat naman ng tao, may kanya-kanyang opinyon. And valid yun kasi ayun yung gusto nila.
“Pero yung point kasi na sa isang kuwento, may mga artistang kinakailangan. At sa pagkakataong yun, kami po yung napili para gampanan po yung role na yun.”
Ang mahalaga raw ay kung maganda ang kuwento, hindi na kailangang isipin kung straight ba o bading ang gumaganap.
Pagmamatuwid pa ni Awin: “Siguro i-set aside na po natin kung ano yung gender, e. Kung ano yung gender preference ng isang tao, kung ano siya, e.
“Parang it’s not all about the gender, it’s all about the story na kailangang ilahad and i-share sa ibang tao. Kasi this is not the ordinary BL series po, e.
“At some point may matutunan din sila dito.
“Siguro lahat ng tao, may pananaw and valid po yan, and thank you for comment po sa ganyang klase. And masarap na nakakakuha kami ng ganung klaseng comments.”
Read: Cha Eun Woo linked to 20B won tax evasion allegations involving his
