PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Sexy actress at sikat na actor, may second chance?!

Paano na ang umaasang ex ni sexy actress?
by PEP Troika
Published Jan 24, 2026
Sexy actress at sikat na actor na may supling, posibleng magbalikan?
Paano na ang umaasang ex ni sexy actress?
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA:

Sadyang mahiwaga ang pag-ibig.

Noong teenagers pa lang ang isang morenong aktor at morenang aktres ay umusbong ang pagmamahal sa kanilang pagitan.

Pero may ibang ka-loveteam ang morenong aktor, at nagkahiwalay sila ng morenang aktres.

Naging magkasintahan ang morenong aktor at ang kanyang ka-loveteam. Nagkaroon ang morenang aktres ng ibang boyfriend na taga-showbiz din.

Hindi nagkatuluyan ang morenong aktor at ang ka-loveteam, na nagpakasal sa isang non-showbiz guy.

Nagkaanak ang morenang aktres sa bagong boyfriend, pero hindi sila nagpakasal, at nagkahiwalay pero nanatiling magkaibigan alang-alang sa kanilang supling.

Nagkrus muli ang landas ng morenong aktor at morenang aktres sa panahon na pareho silang malaya. Nagkabalikan sila at nagbunga ang kanilang pag-iibigan this time.

Paglipas ng mga taon ay maraming pagsubok silang pinagdaanan, hanggang maghiwalay sila. Nagkaroon sila ng kani-kanyang bagong katuwang sa buhay. At mukhang iyon na ang kani-kanyang forever.

BLIND ITEM ON SEXY ACTRESS AND SIKAT NA ACTOR

Ang love story ng morenong aktor at morenang aktres ay maihahalintulad sa kuwento ng pagsinta ng hunk actor at sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong makulay ang lovelife ng hunk actor at sexy actress, hanggang masumpungan nilang mahal nila ang isa’t isa.

Sandamukal na pagsubok ang kanilang pinagdaanan, na akala namin ay nagpatibay lalo sa kanilang relasyon.

Ngunit… subali’t… datapwat… ang sinumpaan nilang pag-irog ay nauwi rin sa wala.

GORGY RULA:

Umaasam yata si hunk actor na mapaghihilom ng panahon ang sugat sa puso ni sexy actress at magkakaayos din sila.

Pero sa takbo ng mga ganap sa ngayon ay mukhang malabo nang mangyari iyon.

Ang hinala ni hunk actor, nakikipagmabutihan muli si sexy actress sa ex-boyfriend nito na isang sikat na aktor.

May supling si sexy actress at sikat na aktor, at dati pa ay maayos ang co-parenting arrangement nila.

Paminsan-minsan lang daw nagtatagpo sina sexy actress at sikat na aktor kasama ang anak nilang bagets.

Pero gaano kadalas ang minsan? May magagawa ba ang hunk actor para hawakan at pigilan ang kahapon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit nga ba may kahapon pa? Nasilayan ng hunk actor ang picture na magkasama sina sexy actress, sikat na aktor, at kanilang anak na namasyal yata sa isang park.

Ewan kung nakaramdam ng panibugho ang hunk actor. Ayaw niyang magkomento kaugnay sa litratong iyon.

May “history” na sina sexy actress at sikat na aktor. Will history repeat itself?

Ang nangyari noon kina morenong aktor at morenang aktres, kanino nga ba mauulit? Hay!

Sa masalimuot na mga rigodon na ito, nais naming hiramin na lang ang bunga ng malikot at marupok na diwa ng premyadong manunulat na si Jerry Gracio…

Bin*mb*ng Ka Ngunit Kulang!

NOEL FERRER:

Para sa akin, matatanda na ang mga taong involved dito.

May sarili na silang isip at gulugod para gawin ang nararapat na pagsasaayos ng kani-kanyang buhay.

Sa huli’t huli, magkakadugtong ang kanilang mga history dahil sa mga bunga ng kanilang pag-ibig.

Kailangan nilang mag-coexist talaga. Kung paano nila gagawin iyun, manalig tayong kaya na nila iyan, matatanda na sila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related stories

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paano na ang umaasang ex ni sexy actress?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results