JERRY OLEA
Napanood ko ang opening night ng Bagets The Musical noong Enero 23, 2026, Biyernes, sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Tampok doon sina Andres Muhlach bilang Adie, Ethan David bilang Arnel, Noel Comia Jr. bilang Gilbert, Milo Cruz bilang Tonton, at Sam Shoaf bilang Topee.

Pinanood ko rin ang 3:00 P.M. matinee kinabukasan, kung saan tampok baman sina Mico Hendrix Chua bilang Adie, KD Estrada bilang Arnel, Tomas Rodriguez bilang Gilbert, Migo Valid bilang Tonton, at Jeff Moses bilang Topee.

Na-enjoy ko ang parehong pagtatanghal.
Siyempre pa, most applauded sa opening night si Andres, kesehodang may konti siyang buckles and blunders, at hindi ganoon ka-confident sa pag-awit.
Sa matinee set naman noong Sabado, bet na bet ko ang star quality ni KD, ang husay niya sa pag-awit at pagsayaw.
Maipagkakapuri mo ang pagiging masigasig ng lahat ng bida. Andoon ang puso nila sa kani-kanyang karakter.
Ang pelikulang Bagets ay idinirek ni Maryo J. de los Reyes, mula sa panulat ni Jake Tordesillas. Ang line producer ay si Douglas Quijano o Tito Dougs.
Read: GMA News reporter Bam Alegre survives fall from ship during coverage
"LOST IN TRANSLATION"
Of course, hindi maiiwasan na may mga “lost in translation” sa transition ng pelikulang Bagets into a two-act musical sa entablado.
Lima ang bida na may kani-kanyang kuwento sa pamilya, tibok ng puso, at angst sa buhay.
Yayamanin si Arnel (Raymond Lauchengco).
Nangungupahan lang ang pamilya ni Gilbert (Herbert Bautista) at tatlong buwan na silang hindi nakakabayad sa renta.
Artista ang mommy ni Topee (JC Bonnin).
Raket kete raket ang parents ni Tonton (William Martinez).
Middle class din ang pamilya ni Adie (Aga Muhlach).

Napakalaking hamon para sa theater production na maipakita ang pagkakaiba ng estado sa buhay ng limang bagets.
Ang playwright ng Bagets The Musical ay si Jmee Katanyag, at ang direktor ay si Maribel Legarda.
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."
BAGETS THE MOVIE VS BAGETS THE MUSICAL
Heto ang ilan sa mga kaibahan ng stage adaptation sa kuwento ng pelikula.
TOPEE’S AGE
Sa pelikula, 15 anyos si Topee (JC Bonnin) — karaniwang edad ng magpo-fourth year high school student.
Sa stage musical, ginawang 16 ang age niya.

LOST CHRISTINE
Sa pelikula, love interest ng 15-anyos na si Topee ang flight stewardess na si Christine (Chanda Romero).
May nangyari sa kanila, kaya nga nasabi ni Christine kay Topee sa may ending ng movie, “I made you a man, remember? So, act like a man! Hindi ka na bata, di ba?”

Sa stage musical, walang love interest si Topee.
Yung love interest ni Adie sa stage musical ay pinangalanang Ivy Christine.
Sa movie, Ivy (Baby Delgado) ang name ng married neighbor na love interest ni Adie.
MEET-CUTE NINA ARNEL AT JANICE
Sa pelikula, nagkakilala sina Arnel (Raymond Lauchengco) at Janice (Eula Valdes) nang mag-blind date sa Christmas ball.

Sa musical, nagtagpo ang dalawa sa isang protest rally.
Matatandaan na Agosto 21, 1983 in-assassinate si Ninoy sa Manila International Airport (NAIA).
Noong Pebrero 1984 na ipinalabas ang Bagets, panay-panay na ang mga kilos-protesta laban sa pamahalaang Marcos, na ang ending ay People Power Revolution noong Pebrero 22-25, 1986.
Sa pagkakaalam ko ay sadyang dinedma ng pelikulang Bagets ang political issues noong panahong iyon.
Kaya nga parang inspired ito ng 1981 sex-comedy film na Porky’s.
Noon ding panahong iyon ay hindi pa uso ang internet, cellphone, at social media. Wala pa noon sa diwa ng madla ang AIDS at HIV.
HAVE YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
Instrumental version ng 1943 song na "Have Yourself A Merry Little Christmas" ang ginamit sa Christmas montage ng pelikulang Bagets.
Ang nasabing awit ay kinanta ni Judy Garland sa 1944 MGM musical na Meet Me in St. Louis. Swak na swak iyon sa angst ng limang bida.
Sa stage musical, ang kinanta ng limang bida ay "Silent Night" na 1818 composition ni Franz Xaver Gruber.
Ayon sa Wikipedia, 1905 first time ni-record ang "Silent Night," na isa sa most recorded Christmas songs.
SWIMMING IN FEBRUARY
“Swimming, waterfalls in December?”
Linya iyan ng ina (Celia Rodriguez) ni Adie (Aga Muhlach) nang magsabi itong magsu-swimming sila ni Ivy (Baby Delgado) sa waterfalls.
Natuloy ang outing nina Adie at Ivy, at nag-pakwan sila.

Sa stage musical, dinedma ni Ivy Christine (Ava Santos) ang tawag ni Adie (Andres Muhlach/Mico Hendrix Chua), kaya hindi hindi sila nag-watermelon sa waterfalls.
SKIN EXPOSURE
Sa pelikulang Bagets, may pa-cleavage ang Spanish teacher (Irma Adlawan) na tila nagpainit sa hormones ni Adie (Aga Muhlach).
Nang mag-swimming si Adie sa pool ng bahay ni Ivy, naka-underwear siya.

Sa sauna bath sequence, may butt exposure ang isang ekstra nang ma-raid ang establishment.
Sa beach scene, naka-swimwear si Tonton (William Martinez).

Walang mga ganitong pauga sa stage musical.
FASHION
Angat na angat ang bright color combinations sa mga suot ng limang bida sa pelikula, dahil ang ibang mga karakter ay naka-uniform o plain ang mga suot.

Sa stage musical, pati mga ermats at forgets ay naghuhumiyaw ang mga costume.
Ang mga nasa ensemble, sari-sari rin ang mga pakulo sa kasuotan, kaya natatabunan minsan ang limang bida.
Read: Matet, nagsalita tungkol sa "absence" ni Ian sa kasal ni Kenneth

GORGY RULA
Sa mga boomers na napanood ang pelikulang Bagets, mapapakunot ang noo mo dito sa musical, dahil ibang-iba na siya.
Mahirap naman kasi talagang i-translate ang pelikula sa entablado.
Pero nandoon ang effort. Sinusubukan talagang masunod ang pelikula, pero hindi lahat.
Hindi mo ganun maramdaman ang '80s na setting.
Kahit ang dialogues nila ay tila sa ngayon na ito nagagamit.
May mangilan-ngilang nagagamit ang mga termino noon, pero hindi pa rin maramdaman ang kapanahunan ng mga bagets na pinasikat nina Aga Muhlach.
Pero na-enjoy ko pa rin siya dahil magagaling ang performers.
Sa matinee ako nakapanood noong Sabado na wala roon si Andres Muhlach.
Magagaling silang lahat, at pinakagusto ko dun sa mga nag-perform ang ka-alternate ni Andres na si Miko Hendrix Chua.

Singer yata talaga siya, kaya ang galing niyang kumanta, at kahit sumayaw.
Pero magagaling ang mga bata at bagay sila sa role na ipinagkatiwala sa kanila.
Sa pagtatanghal sa Enero 29, Huwebes, at Enero 30, Biyernes ng 8:00 P.M, parehong tampok si Andres bilang Adie, at si KD Estrada bilang Arnel.
Ang halaga ng tiket sa Bagets The Musical ay P4,000 (SVIP), P3,500 (VIP), P2,000 (Silver), at P1,000 (Bronze).

NOEL FERRER
Maganda ang nasabi ng PETA director na si Tiyang Maribel Legarda sa interview niya sa Theater Fans Manila.
Aniya, mahalaga ang women characters sa Bagets and it is an interaction that is often forgotten or disregarded, but is actually more important to the family and even society than they realize.
Ang sabi ni Maribel: “The clarity of a woman’s mind and what she thinks is also what goes into mothering.
“If we are more clear about what we want, then we also raise stronger, better men. And to become such a strong mother, you have to grow within yourself.”

Hindi nakakagulat na ginawa nina Maribel at Jmee Katanyag (writer) at ng kanilang mga kasamahan sa Philippine Educational Theater Association (PETA) ang materyal na mas nakakapagbigay-lakas sa mga kababaihan ng anumang henerasyon.
Kailangan din nilang manatili sa orihinal na diwa ng 1980s, na itinuturing na mahalaga ng producer na VIVA Communications.
Ang pagbalanseng ito ay nagdulot ng isang kawili-wiling hamon: kung paano ipakita at isadula ngayon ang maraming lumang mga prinsipyo at pag-uugali ng isang mas tradisyonal na panahon.
Maraming eksena sa pelikula ang maaaring mukhang outdated, politically incorrect, o kahit na nakaka-offend sa mga Millennial at Gen-Z.
Ang ilan ay maaaring amoy-misogyny o simula ng toxic masculinity.

Sabi ni Legarda na marami sa mga tropang iyon ay "isang repleksyon ng panahon at pag-iisip nito.
“Hindi ko gustong ultra-sanitize ito pero gusto naming maghanap ng paraan upang sabihin ang isang bagay na may kaugnayan ngayon."
Nagbigay si Katanyag ng isang malikhaing solusyon: ipakita ang mga salaysay na iyon sa musikal at tanggapin ang mga ito bilang isang representasyon ng kanilang panahon ngunit pagtatanungan ang mga ito "upang mayroon ding usapan na hinihingi ng madla kapag pinanood nila ito."
Uulitin niya na ang mga usapan ay magpapatuloy dahil sa kabila ng paglipas ng 40 taon, marami sa mga isyu na pinaglabanan ng mga bagets at ng kanilang mga ina noon ay naroroon pa rin ngayon.
I have yet to watch the musical, lalo pa’t nauso ang materyal ito sa panahon namin, kaya excited ako.
May nagsabi lang sa akin after watching this piece, baka mas maganda kung Working Girls daw ang ginawang theater material? Oh interesting…
In the meantime, purbahan muna natin itong Bagets The Musical.
Gusto ko ring makita, maaral at maintindihan how our kababayans will support this local musical in Newport World Resorts vis-a-vis Les Misérables na nasa Solaire naman.
Read: NEW FACES TO WATCH IN 2026: Eman, Elias, Marco, Tyke, Than
