JERRY OLEA
Andaming posts kaugnay sa “absence” ni Ian de Leon sa recent wedding ng bunso ni National Artist Nora Aunor na si Kenneth de Leon.
Conspicuous na wala si Ian sa wedding pictures, at ang hanash ng netizens — Noranians? — ay hindi talaga tanggap ang mga ampon ng ina.

Kaugnay rito, nag-post si Matet de Leon sa Facebook nitong Enero 26, 2025, Lunes.
Pakiusap ni Matet (published as is): “Please stop harassing my brother dahil sa wedding na may ‘kulang.’
“Wala kaming obligasyon na mag explain sainyong lahat dahil pinipili lang namin kung ano ang willing kami i share sa lahat. Yung iba, amin na lang.
“Napakadali para sainyo to judge us. Sinasabihan ko na kayong lahat na magsisimula nang mawalan ng bigat sa amin ang opinyon ninyo dahil hindi na kami magbabasa ng pinagsusulat ninyo na walang ka kwenta kwenta at bulok.
“Humihingi din kami ng pasensiya sa lahat ng may good comments. Hindi na po namin mababasa yun. Pero salamat sainyo na may mga matuwid na pag iisip at maaayos ang pag uugali.
“Sa totoo lang, wala nang ginawang tama kaming mga apat na ampon ng nanay namin, ms. nora aunor.
“Ngayon, tatanggalan na namin kayo ng power over our minds. From now on, lahat kayong bulok na tao na may nakakasukang comments ay wala nang importansya sa amin.
“Again, maraming maraming salamat sa lahat ng mga mabubuting tao na bukas ang isip at mabuti sa aming apat na ampon. God bless all of you.
"Lahat ng mag sscreenshot nitong post ko at ipo post sa kani kanilang pages kagaya sa ginawa ninyo sa post ko about ken’s wedding ay mananagot sa mga kinauukulan. Mga magnanakaw."
Sa Abril 16, 2026 ang first death anniversary ni Nora. Magkakasama-sama kaya sa araw na iyon ang mga anak niyang sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth?
Read: Award-winning actor Raoul Aragon dies at 78
GORGY RULA
Hindi maikakailang nandiyan pa rin ang hidwaan ng magkakapatid kay Ian de Leon.
Napansin na namin iyan na ipinost ni Matet ang kasal ni Kenneth. Pero hindi na kami nagtanong sa aktres.
May mga nag-comment lang sa absence ni Ian, at kamakailan lang ay nabigyan pa ng ibang kahulugan ang ipinost ni Lotlot sa kanyang Facebook account tungkol sa pagiging "echosera."
Sa kanyang FB post ay inilatag ni Lotlot ang ibig sabihin ng salitang "Echosera" o "Echusera."
Mahaba ang paliwanag niya roon kung saan nanggaling ang naturang salita na madalas ay ginagamit ng mga kabadingan.
Bahagi ng mahabang post na yun (published as is): “Origin: From ‘echos’ (joke, lie, made-up thing) + ‘-era (a suffix indicating a female or someone who does something).
“Usage: Can be used to playfully call someone out for lying or to describe someone who’s delusional. Variations: also spelled echusera, etsosera.”
Tila may patama ang huling bahagi ng post nito na sinabi niyang: “Sa Tagalog. Sinungaling, magaling gumawa ng kwento at mag-imbento ng kung anu-anong hanash! Regardless of gender! So pwedeng Echusera or Echusero!”
NETIZENS REACT TO LOTLOT DE LEON'S POST
May mga nagko-comment doon na tila alam ang totoong kuwento na may patama rin.
Merong nag-comment na: “Ang meaning ng etchosera sa akin ay inaangkin ang isang karapatan na hindi sa kanya. Hindi honest gumagawa ng diversionary tactics para sa sariling kapakanan.”
Sa mga nakakaalam ng mga totoong nangyayari, puwedeng isiping may kinalaman ito sa isyu nilang magkakapatid. Ano kaya ang kahihinatnan nito?
Read: Lotlot de Leon at Ian de Leon, may hidwaan?
NOEL FERRER
Nakakalungkot talaga ito. Pero it is what it is.
Nangyayari yan hindi lang sa kanila pero sa maraming pamilya.
Ang mahirap lang sa kanila, mas mahirap ayusin kasi may publikong nakamasid na napapalaki ang mga bagay-bagay.
Sana lang talaga, maayos ito at hindi mabahiran ang anumang magandang legacy ng artistry na iniwan ng kanilang ina. Sana talaga.
Ipinagdarasal natin sila.
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."
