JERRY OLEA
“Taon Natin ‘To!” ang battlecry ng GMA Network, at sa unang buwan pa lang ng 2026 ay ramdam na natin ang pamamayagpag ng mga programang Kapuso.
Nagwakas ang afternoon drama series na Cruz vs. Cruz noong Enero 17, 2026, Sabado.
Enero 19, Lunes, nag-pilot sa afternoon prime ng GMA ang House of Lies nina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Mike Tan, at Martin del Rosario.
Ang Sang’gre ay extended, at pakiwari natin ay hanggang Abril pa ito.
Nasa finale week na ang Sanggang Dikit FR nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."
KAPUSO PROGRAMS
Sa unang Lunes ng Love Month, Pebrero 2, mag-uumpisa sa Kapuso primetime ang nina Jillian Ward at David Licauco.
Sa buong buwan ng Pebrero ay iigting ang mga ganap sa Bahay ni Kuya. Ikinakasa na ang big night ng PBB Celebrity Collab 2.0 sa last weekend ng February.
Ayon sa source ng PEP Troika, Marso 2 eere ang The Secrets of Hotel 88 tampok ang housemates ng OG PBB Celebrity Collab.

Kabilang pa sa forthcoming programs ng GMA-7 ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes, Apoy sa Dugo, at Born to Shine.

KAPATID PROGRAMS
Sa Kapatid Network, napabalitang lumipad na pa-Czech Republic sina Enrique Gil, Andrea Brillantes, Cedrick Juan, at Kim Domingo para sa taping ng A Secret in Prague.
Read: Enrique Gil at Andrea Brillantes, magkasamang lumipad sa Prague
Naulinigan natin na hanggang Abril pa ang Totoy Bato nina Kiko Estrada at Diego Loyzaga.
Siyempre, magtatagal pa ang back-to-back replay ng Nag-aapoy Na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso sa TV5 primetime.
Nakakakiliti ang pagsakay ng TV5 sa BL series na Heated Rivalry.
Ang pasiklab kina Kiko at Diego, “Heated ang Bakbakan!”

Kina Tony Labrusca at JC de Vera, “Nag-aapoy na Rivalry!”
Ang disclaimer ng Singko: “PROMISE, MAGKARIBAL LANG SILA! Walang mapupunta sa cottage!”

Abang-abang tayo sa mga darating na pasiklab ng TV5 gaya ng My Bespren Emman, The Good Doctor, The Kingdom: Magkabilang Mundo, Project Loki, Magic Boys, Isayaw Mo, at Artista Academy.
Read: Matet, nagsalita tungkol sa "absence" ni Ian sa kasal ni Kenneth
KAPAMILYA PROGRAMS
Sa Kapamilya Network, rumaratsada ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Ang What Lies Beneath (100 episodes) at Roja (80 episodes) ay parehong sa Marso pa magwawakas.

Looking forward tayo sa Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, at Baron Geisler.
Andiyan din ang Love is Never Gone nina Joshua Garcia at Ivana Alawi, at Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
GORGY RULA
Pagdating sa ratings, ang GMA-7 pa rin ang nangunguna, kahit GTV lang ang kasama nito sa aggregated ratings.
Ang ABS-CBN shows ay kabilang ang A2Z, AllTV, at Kapamilya Channel sa aggregated ratings.
Malakas naman talaga ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin kaya talagang lumaban ito sa katapat na Sang’gre ng GMA-7 at Totoy Bato ng TV5.
Minsan ay umungos ang Batang Quiapo, pero nakabawi agad ang Sang’gre.
Ang Totoy Bato ang pinulbos nang lubos.
JANUARY 23 & 26 RATINGS
Noong Biyernes, January 23, ang Sang’gre ay 9.2%, ang Batang Quiapo ay 8.1%, at ang Totoy Bato ay 1.1%.
Ang Sanggang Dikit ay 7.7%. Ang Roja ay 4.3%, at ang What Lies Beneath ay 2%.
Sumunod ang PBB: Celebrity Collab 2.0 na 4.1%.
Noong Lunes, January 26, naman ay naka-10.2% ang Sang’gre; ang Batang Quiapo ay 9.6%; at ang Totoy Bato ay 1.1% pa rin.
Ang Sanggang Dikit ay 8%, ang Roja ay 4.5%, at ang What Lies Beneath ay 2.2%.
Sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ay four consecutive days na parehong ligwak ang Roja at What Lies Beneath — mula Enero 23, Biyernes, hanggang Enero 26, Lunes.
Ngayong Enero 27, Martes ay nakasampa sa 10th place ang What Lies Beneath.
Read: Award-winning actor Raoul Aragon dies at 78

NOEL FERRER
Alam ninyo, siguro’y mas magiging significant ang TV ratings kung sa probinsya kukunin ang data.
Kasi, mukhang doon sa kanayunan, ito pa rin ang pinaka-source nila of information and entertainment.
Pati naman advertisers, TV pa rin ang basis nila sa pagkuha ng endorsers at ad placements.
Pero ang tanong, bakit maraming sumisikat at nakakapuno ng pinakamalalaking venue at nagto-top sa mga Spotify countdown pero wala sa TV?
Or better yet, iniiwasan talagang mag-TV, kasi hindi na raw nagti-TV ang followers nila? Ibang klase rin, ano?
Talagang maraming may cult following — social media na talaga ang medium.
Kaya ang paalala na lang natin, kung nasaang platform ka man, ke mainstream or alternative medium, gandahan at galingan mo ang content mo.
Dahil hindi man kaagad o bigla-biglaan, mapupunta sa rin sa iyo ang audience na deserve mo!!!
Read: Kampo ni Raymart Santiago, sinagot ang "kidnapping" allegation ni Claudine Barretto
