GORGY RULA
Pinaunlakan ni Derek Ramsay ng exclusive interview ang kaibigan niyang si Morly Alinio para sa YouTube channel ng huli.
Sabi ni Morly, co-host ko sa radio program namin sa DZRH, two parts ang interview niya.
Sa first part, ibinahagi ni Derek ang masaya nilang bakasyon ng kanyang anak na si Lili sa United Kingdom noong Pasko.
Kasama rin nila ang magulang ng nagbabalik-acting na aktor.
Ayon kay Derek, ang daddy niya ang nagpaalam sa estranged ng aktor na si Ellen Adarna na isasama nila si Lili.
Pumayag naman si Ellen kaya ipinagpasalamat daw ito ni Derek.
Sa second part ng interview ni Morly sinagot ni Derek ang tungkol sa hiwalayan nila ni Ellen, pero hindi pa ito naa-upload.
Ang sabi lang ni Derek sa teaser: “Talagang nasaktan ako! Yung pinagdaanan ko during that time, talagang lubog ako nun.”
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
DEREK RAMSAY ON HIS PARENTS' ILLNESS
Ang isa pang pinagdaanan ni Derek ay ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang magulang.
Sobrang apektado raw siya kahit lumalaban ang kanyang ama at ina.
Hindi niya binanggit kung ano ang sakit ng kanyang ina.
Ang kanyang ama na si Derek Arthur Ramsay Jr. daw ay may prostate cancer.
Pagbabahagi ni Derek: “It’s Stage 4 cancer sa prostate at nag-metastasize na sa bone.
"But all the doctors say that it’s a slow cancer. Most likely, hindi yun ang ikamamatay niya."
Pero malakas naman daw ang daddy niya.
Kuwento ni Derek: “Malakas ang daddy ko, naggo-golf pa rin. Pero nakikita mo, may iniinda siya sa kanan ng leg niya na hindi niya maramdaman yung paa niya.
“Iyon yung ina-address namin ngayon.”
Pati ang mommy niya ay very strong din daw.
Ibinahagi ni Derek ang nangyari sa kanila nung nasa UK sila na talagang ikinataranta raw niya, at kung anu-ano raw ang naiisip niya.
“I don’t really think I’m handling it well because sabay sila na nakikita mong tumatanda, nanghihina,” bulalas ni Derek.
“Iyon yung biggest scare ko sa buhay, e. Overthinker ako na nung sa UK kami, ang saya nung araw namin, lumabas kami.
"Dinala ko si Lili, pumunta kaming Winter Wonderland.
“Pagdating namin sa Winter Wonderland, biglang nagsuka si Mama, nahilo, nag-collapse.
“Ako yung… being strong like my dad, ako yung sobrang worried.
“'Dalhin mo na sa hospital yan,' ayaw ng mommy ko. 'Ano yung gamot?' Kung sinu-sino yung mga tinatawagan ko.
“Mabuti, kasama namin yung brother-in-law ko na doctor.
“Siya yung nagsasabi sa akin, ‘Derek, you have to relax. Ayaw makita ng mom na…’ Parang ako yung nagpa-panic.
“Sobrang apektado ako kapag nakikita ko yung ganun.”
Read: Derek Ramsay spends heartwarming Christmas with Baby Lily in UK
NOEL FERRER
Sabi ni Derek, kailangan niyang magpakatibay para sa kanyang pamilya, at sa buong pamilya.
Ito raw ang araw-araw niyang ipinapanalangin.
“Sinabi ko sa sarili ko, I have to take control of myself na huwag kong ipakita sa kanila na nagwo-worry.
“Mahirap makita yung tumatanda, humihina yung magulang mo. Every day I pray just good health.
“I always tell my dad, 'You’ll be around for another 20 years.’ Siya, ‘I’m ready to go.’ Oh gosh!
“Pag sinasabi niya yan, ‘Oh, you're gonna be around for 20 years.’ Sabi niya, ‘Ayoko na ng 20 years,’” lahad ni Derek.
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
JERRY OLEA
Sa ngayon ay gusto raw mag-focus ni Derek Ramsay sa pag-aartista na binalikan niya.
Ito ay sa kabila ng pagdedeklara noong nagretiro na siya sa showbiz, kaya hindi siya sumasagot sa gustong mag-interview sa kanya noong kasagsagan ng usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila ni Ellen.
Magsisimula na siyang mag-taping para sa The Kingdom: Magkabilang Mundo, ang upcoming primetime series ng TV5.
Tinanggap niya ang alok ni Direk Mike Tuviera na maging kontrabida sa seryeng ito na pagbibidahan ni Piolo Pascual.
Last daw siyang nagkontrabida sa Cinemalaya movie na The Janitor (2014) ni Direk Mike Tuviera rin.

“Pinag-pray ko, and I decided na tanggapin ko,” pakli ni Derek.
“Isang araw, nag-storycon kami. Pagpasok ko, para akong tumiklop. Hindi ako sanay.
“Nandun yung mga artista, reporters, cameras. I stepped back. Na-shock nga si MJ Marfori.
“Hindi ako sanay. Para ako nung unang artista ako. Wow! Sobrang ninerbiyos ako.
“Nag-script reading kami. Patay! Hindi naman ito parang sumasakay ka ng bisikleta.
“Nalagpasan ko naman yung araw na yun. Hindi pa rin ako sanay. Slowly, masasanay din ako.
“Honestly, hindi ko talaga naiisip na babalik talaga ako sa TV.”
Pero totoo bang hindi raw sila nagkikibuan sa ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes sa story conference?
Maliban kina Derek at Cristine, tampok sa The Kingdom: Magkabilang Mundo sina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Ryza Cenon, at Ruby Ruiz.
Read: Derek Ramsay at Cristine Reyes, magsasama sa The Kingdom series
