JERRY OLEA
Crush ng bagong VMX star na si Allison Ross ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.
“Kasi sobrang hot niya and yummy niya. Kahit noong bata pa ako, siya na yung fantasy ko,” pagtatapat ni Allison sa Bagong Tukso na nag-streaming sa VMX umpisa Enero 27, 2026, Martes.
Kasama rin si Allison sa VMX movie na Sulutan kung saan kaniig niya sa magkahiwalay na eksena sina Mhack Morales at Mark Dionisio.
Read: Matet, nagsalita tungkol sa "absence" ni Ian sa kasal ni Kenneth
Pagkukuwento pa ni Allison sa sarili: “Ang zodiac sign ko ay Capricorn. Ang hobby ko naman, mag-gym. Favorite kong kainin ay spaghetti. At ang favorite kong kulay ay black.
“Actually wala akong daily routine. Tulog ako maghapon. Tapos kain ako, maliligo, pupunta ako sa kaibigan ko. Tapos pag nag-aya siya gumimik or uminom, go lang ako. Gusto ko iyon…
“Siyempre naman lalo na broken family ako, laking-lola at lolo ako, paggising ko sa umaga, may pagkain na sa ibaba. Ayun na iyong bonding namin — kumain together.
“Actually nabalitaan nila na VMX na ako noong nag-post yung VMX page. Tapos tinanong ako ng lola ko kung totoo ba yun. Ang sagot ko naman, oo.
“Akala ko noong una, magagalit sila sa akin. Kasi Christian kami. Sinuportahan ako ng lola’t lolo ko. Para sa sarili ko naman daw iyon.”

ALLISON ROSS GETS REAL ABOUT HER IDEAL BOYFRIEND
Nakadalawang boyfriend na raw si Allison. Ang gusto niya sa lalaki ay mayaman.
“Siyempre maging praktikal na tayo lalo na ngayon. Sobrang hirap ng buhay,” pagmamatwid ni Allison.
“Mas OK sa akin yung kahit hindi ganoong kaguwapuhan pero mayaman.”
Read: Derek Ramsay, may "biggest scare" kasama ang mga magulang sa UK
GORGY RULA
Tampok din sa Bagong Tukso sina Apphle Celso, Margaret Diaz, at Heart Fox.
Ang “special interest” feature na ito ay idinirek ni Rodante Y. Pajemna Jr.

Bet ng Manilenyang si Heart si Dennis Trillo.
Ang bet ni Margaret ay si Paulo Avelino.
Dalawa ang crush ni Apphle, sina Jamie Dornan (Christian Grey ng Fifty Shades franchise) at Michele Morrone (Don Massimo Toriceli ng 365 Days).

APPHLE CELSO
May bit role si Apphle Celso sa pelikulang Crush Kong Curly (2021) na pinagbidahan nina AJ Raval at Wilbert Ross.
Ang screen name niya roon ay Apple Celzo, at isa siya sa students.
Nakadalawang VMX movie last year ang 19-anyos na si Margaret, ang remake ng Balahibong Pusa with Itan Rosales and Mark Anthony Fernandez, at Aliwan Inn with Marco Mora and Rinoa Halili.
Nag-shoot na rin siya para sa remake ng Warat, katambal muli si Itan.

MARGARET DIAZ
Taga-Antipolo City si Margaret, at kumukuha ng kursong BS Tourism Management. Mahilig siyang magbasa ng libro.
Pahayag ni Margaret: “Before ako pumasok sa VMX, ang alam ko — don’t judge me, ha — pero yung sinasabi nila, e, parang porno.
“Pero noong naaral ko siya at nakapag-work ako sa ganitong industry, I realized na madaming mali sa mga iniisip ng ibang tao.
“May story yung VMX. And ayun ang gusto kong malaman ng madaming tao na hindi.. hindi yung mga VMX girls… kasi, nandun sila. They’re passionate about what they’re doing, not only with the love scene.
“Para lang naman siyang international movies na naglalabas din naman sila ng boobs.
“Narinig ko yung VMX sa social media. Dyina-judge natin yung mga ganung trabaho ng mga tao.
"Masyado pa kasing conservative yung thinking ng mga Filipino. Sana, ma-break natin iyong ganoong mindset.”
Read: Rita Daniela on Ken Chan: "We're not friends anymore."

NOEL FERRER
Ikalimang anibersaryo na ng VMX (dating Vivamax) bukas, Enero 29, 2026, Huwebes. Tuluy-tuloy ang mga palabas sa VMX.
Sa Biyernes, Enero 30, ay streaming na rito ang erotic mystery film na Sirena, kung saan tampok si Micaella Raz bilang isang mythic siren.
Nasa cast din ng Sirena sina Van Allen Ong, Rica Gonzales, Rash Flores, Renz Tantoco, Ian Sicat, Gyle Olivete, at Dave Fontanillas, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Sa Pebrero 3 ang streaming ng Valentine special na Foreplay, hosted by Sheree. This sensual guide features 10 curated VMX films.
Kabilang sa mga pelikulang naka-lineup sa VMX next month ay Sex Trip sa Pebrero 6, Sagaran sa Pebrero 13, Tenement sa Pebrero 17, Pansamantala sa Pebrero 20, at Scorpio Nights 4 sa Pebrero 27.
Read: GMA News reporter Bam Alegre survives fall from ship during coverage
