PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jojo Abellana: Walang imbitadong Abellana sa kasal ni Carla

Jojo Abellana umaasang magkaayos na si Carla at ama nitong si Rey "PJ" Abellana.
by PEP Troika
Published Jan 29, 2026
jojo abellana carla reginald wedding
Jojo Abellana on niece Carla Abellana's wedding to Dr. Reginald Santos: “Para sa akin, masaya ako. Kasi kung saan ka masaya, masaya na yung uncle mo. Masaya na ako dun, basta happy ka. Alam mo yan."
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH ang singer-actor na si Jojo Abellana noong Miyerkules, January 28, 2026.

Nag-promote siya ng vertical drama niyang She’s Not My Sister ng Viva Media Box.

Napag-usapan namin ang tungkol sa pagpapakasal ng pamangkin niyang si Carla Abellana, kung saan hindi naimbitahan ang ama nitong si Rey "PJ" Abellana.

Si Jojo ay nakababatang kapatid ni PJ.

Tinanong namin kung hindi rin ba siya imbitado sa kasal ng pamangkin kay Dr. Reginald Santos noong December 27, 2025.

Meron bang naimbita sa kanilang pamilya Abellana?

Sagot ni Jojo: “Ang dami na po nagtanong. Hindi lang po sa media, kundi pati sa mga kaibigan namin.

"Kasi, wala nga pong nakitang ni isang Abellana family doon sa kasal ni Carla recently.

“Sa totoo lang po, honest to goodness, wala pong na-invite ni isa po sa amin. Especially yung papa po nila.”

Read: Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOJO ABELLANA SADDENED BY RIFT BETWEEN CARLA AND PJ

Malapit daw si Jojo sa kanyang mga pamangkin, lalo na kay Carla at sa ate nitong si Erica—mga anak ni PJ sa dati nito asawa na si Rea Reyes.

Nalungkot din daw siyang hindi nasaksihan ang bagong yugto ng buhay ng Kapuso actress.

Saad niya ni Jojo: “Sa totoo lang, nalungkot din ako as an uncle kasi dahil yung mga pamangkin ko na yan, even the ate of Carla. Kasi nga, yun nga po ang unang family ni Kuya, no?

“Siguro everybody knows na nakatatlong pamilya ang aking kapatid.

“Sila po yung panganay sa aking mga pamangkin—si Erica and then si Carla. Sa totoo lang, super malapit po yan sa akin yung dalawang yan ever since.

"Kaya nakakalungkot din dahil yung mga pangyayari lately, which is hindi naman natin ini-expect na lalala nang ganun.

“Sa totoo lang, kasi parang sa interview lang naman nagsimula yun. Which is para sa akin, hindi para magalit o sumama ang loob sa kanilang ama, kung ano man yung nasabi ng ama nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero siguro dahil sa experience naman ng tatay nila kaya nasabi yun,” sabi ni Jojo.

Ang tinutukoy marahil ni Jojo ay ang interview ni PJ noong March 11, 2022, kung saan nagsalita siya tungkol sa hiwalayan ni Carla sa una nitong asawa na si Tom Rodriguez.

Sinabi ni PJ na umamin sa kanya si Tom na nagkaroon ito ng "one-night stand."

Pero diin ni PJ, hindi maituturing na "third party" ang dahilan ng hiwalayan nina Carla at Tom.

Pahayag ni PJ: “Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party.”

Hindi ito nagustuhan ni Carla.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

NOEL FERRER

Masaya raw si Jojo Abellana para sa kanyang pamangkin na si Carla Abellana Santos. Pero hangad daw niyang sana ay magkaayos na silang lahat.

“Nakakapanghinayang lang siyempre, kasi sa totoo lang, kaming mga Abellana, nasa clan na namin na solid kaming magkakapatid, even the whole family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayaw naming may kaaway. Gusto namin, kasundo namin lahat.

“Gusto namin masaya ang aming buhay. Dahil simpleng buhay lang, basta masaya lang.

“Ang nakakalungkot kasi lumala nang lumala habang tumatagal, which is dapat ayusin na, di ba?

“We’re looking forward na maayos sana ng papa ni Carla sa aming mga Abellana.

“Kung ano man yung nakaraan, let’s forget about it kasi hindi naman tayo mga bata, even si Carla,” pahayag ni Jojo.

Knowing Carla, she has transcended all these — and will just let time heal everything. Maaayos at maaayos din iyan sa tamang panahon.

Read: UPDATED: Rhian Ramos at Michelle Dee, sinampahan ng torture, serious illegal detention

JERRY OLEA

Ano ang mensahe ni Jojo Abellana para kay Carla?

Aniya: “To my pamangkin, actually I used to call her Cara, hindi Carla.

“First of all, Cara, I would like to congratulate you sa inyong bagong asawa, of course.

“Para sa akin, masaya ako. Kasi kung saan ka masaya, masaya na yung uncle mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya na ako dun, basta happy ka. Alam mo yan.

“Before nag-usap na tayo, ano ba ang sinabi ko sa iyo, puro ganyan.

“Basta kung saan ka masaya, nandiyan yung tito mo to support you all the way.

“So Cara, ang akin lang, hopefully sana magkaayus-ayos na tayong lahat.

“Alam ko naman, ramdam ko, Cara, of course na malaki yung puso mo. Alam ko.

"Napakabait mong bata, napakabait mong tao na alam ko na nandiyan pa rin sa puso ang nag-iisang ama mo, yung kapatid ko, si Papa mo.

“So, alam nandiyan pa rin sa iyo yan. So sana maayos na natin lahat. Maging okay tayong lahat.”

Nag-text ang PEP Troika kay Carla Abellana Santos kaugnay rito.

Humingi ang PEP Troika ng reaksiyon sa mga sinabi ng tiyuhin niya. Pero at this writing ay wala pa siyang tugon.

Read: Tommy Tiangco addresses alleged falling-out with Tim Laude, "f*** boy" issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jojo Abellana on niece Carla Abellana's wedding to Dr. Reginald Santos: “Para sa akin, masaya ako. Kasi kung saan ka masaya, masaya na yung uncle mo. Masaya na ako dun, basta happy ka. Alam mo yan."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results