PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas, ayaw na sa mas bata at ayaw na sa kasal

Ai-Ai delas Alas, ayaw na sa mas bata at sa kasal
by PEP Troika
Published Jan 30, 2026
ai-ai delas alas batang paco
Ai-Ai delas Alas reveals her preferred age for future suitors: “Siguro, mga 46 and above. Or 50. Ayoko naman ng mga 70, aalagaan ko pa yun?! Walanghiya, inaalagaan ko nga ang sarili ko, e. Kasi, mag-isa na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kita Kita meets Ang Tanging Ina!

Bida sina Empoy Marquez at Ai-Ai delas Alas sa comedy movie na Batang Paco, na ipapalabas sa mga sinehan umpisa Pebrero 18, 2026.

Parang mag-mommy ang turingan nina Empoy at Ai-Ai. Pero si Ai-Ai, na-in love sa mas bata sa kanya.

Posible ba na maging sila ni Empoy?

“Hindi. Hindi na ako pumapatol sa bata ngayon,” sambit ni Ai Ai sa mediacon noong Enero 29, 2026, Huwebes, sa Pandan Asian Café, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Ayoko na… hindi na. May age limit na siya ngayon. May tuldok na yon. Tapos na tapos na tapos na tapos na.”

empoy marquez ai-ai delas alas batang paco
Empoy Marquez and Ai-Ai delas Alas
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagpaparamdam ba sa kanya nowadays?

“Waley! Nganga!” bulalas ng 61-anyos na comedienne, na isa nang lola.

“Hindi ako ready. In case, in case lang siguro, mga three years pa. Two, two pa.”

Read: Ai-Ai delas Alas admits marrying Gerald was a wrong decision

AI-AI DELAS ALAS NOT YET READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP

Paano kung isa sa mga araw na ito ay may kumatok sa kanyang puso, at mainlab siyang muli?

“Ahhh ang hirap kasing magsalita, e. Kahit sabihin ko na ayoko na, di ba? Baka mamaya, ma-bash pa ako,” pagmamatwid ni Ai Ai.

“‘Sabi mo, ayaw mo na dati, e!’ Pero mahirap kasing magsalita nang tapos.

“Pero as this moment, ngayon, hindi pa ako ready. Siguro one and a half or two years, ready ako.

“Or nainlab ako, e di kung inlab din siya, ‘Puwede tayong mag-intay ng two years?’

“Kasi siyempre, alam mo naman na sobra akong maka-Lord, Lord, Lord. In fairness naman, up to now — married pa rin ang status ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, hindi pa ako annuled dito dahil dito. And hindi pa rin kami divorced ni Gerald [Sibayan]. So I’m still married.

“And sa mata ng Diyos, kasal pa rin ako.”

Read: Claudine thanks all Barretto siblings for taking care of Mommy Inday

NOEL FERRER

May balak ba si Ai Ai de las Alas na ipawalang-bisa ang kasal nila ni Gerald Sibayan?

“Meron naman. Para naman maging... not for anything, para kampante din ako na if ever may dumating, at least, clean slate ako,” sey ni Ai Ai.

“Wala akong kasalanan sa mata ng Diyos. Wala akong poproblemahin in case. Pero never, eto…

“Never na akong magpapakasal. Iyon, tuldok talaga yun. Kagaya ng ayaw ko na ng bata.”

Mga ilang taon ang puwedeng mag-apply?

“Siguro, mga 46 and above. Or 50. Ayoko naman ng mga 70, aalagaan ko pa yun?!” himutok ni Ai Ai.

“Walanghiya, inaalagaan ko nga ang sarili ko, e. Kasi, mag-isa na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE COMPATIBLE WITH AFAM?

Gusto niya ng foreigner? Afam?

“Actually, iyan ang sinasabi ng mga tao. Baka swak ako sa afam,” saad ni Ai Ai.

“Ang dating naman sa akin, ‘Pucha, Pilipino nga, hindi kami magkaintindihan. Afam pa?!’ Alam mo yon?

“Mahirap kasing mag-converse ng pagdating sa emosyon, di ba? Kunyari, mag-aaway kayo. Kunyari lang, meron kayong pag-aawayan.

“Kunyari, ‘Ikaw! Walanghiya ka, wala kang utang na loob!’ E, ano ba ang utang na loob sa English?

“Iisipin ko pa. ‘Ikaw, you… you… huwag na nga lang! Huwag na tayong mag-usap! ChatGPT, you wait for me!’ Ganyan. Ang hirap, di ba?”

Read: Tommy Tiangco addresses alleged falling-out with Tim Laude, "f*** boy" issue

GORGY RULA

Nasa healing process pa raw si Ai-Ai delas Alas.

Malaking bagay yung pagiging madasalin niya at nandiyan ang kanyang mga kaibigan na natatakbuhan niya kapag dinadala niya ang sakit ng paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan.

Sabi niya, si Lord, si Mama Mary, at meron daw siyang best friend na lagi niyang nakakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parati ako sa simbahan,” pakli ni Ai Ai nang nakausap ng PEP Troika pagkatapos ng open forum sa presscon ng pelikulang Batang Paco.

“Doon ako nagsusumbong. Doon ako nagsasabi kung ano yung kailangan ko, and yung best friend ko.

"Marami naman akong kaibigan, e. Pero meron talaga kong best friend na parati kong kausap, almost every day, from the beginning nung nangyari ito sa akin.

“Hi Koy! I love you best friend!” shoutout pa ni Ai-Ai.

THE HEALING PROCESS

Alam daw ni Ai-Ai na mahaba ang proseso ng pagpapagaling niya sa sakit na pinagdaanan niya sa hiwalayan nila ni Gerald.

“God is so good to me na parang... parang innate… madali yung process,” lahad ni Ai-Ai.

“Mahirap minsan kasi hindi naman siya agad-agad, e. Kumbaga, pumupunta ako sa parang hagdanan yan na talagang iniisa-isa na hindi puwedeng… ngayon hindi na ako malungkot, ngayon hindi na ako iiyak.

"Hindi ganun e. Kailangan dadaanan mo yung proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And in fairness, marami naman akong nagawa sa buhay ko na mga exercises, gym, trabaho.

"So, parang madali rin sa akin yung proseso ng buhay ko na nag-heal ako later on."

Read: Inday Barretto, mother of Gretchen, Marjorie, Claudine, dies at 89

AI-AI ON POSSIBILITY OF MEETING GERALD AGAIN

Naisip na ba ni Ai-Ai kung ano ang gagawin niya kung sakaling magkita sila ni Gerald?

“Hindi ko alam! Hindi ko pa alam,” kaagad na sagot ni Ai Ai.

“I think, I pray na huwag muna habang hindi pa ako ready. Pag ready na, alam naman ni Lord kung ready na.”

Paano kung kailangan na nilang humarap sa hearing ng annulment?

Ipinaliwanag ng comedienne na iba ang proseso ng annulment sa simbahan. Nasa proseso pa rin daw ang nai-file niyang divorce.

“I don’t think so na magkikita kami, kasi sa… hindi ko ito sure, ha? Pero nung nagtanong ako, I think signature lang niya ang kailangan doon sa parang may isusulat ka e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba kasi yung church annulment, may tribunal yun e. Iba yun. Ang divorce, madali yung divorce.

“Divorce is in the process na. Pero yung church annulment, iba yung ano, ibang proseso yun,” saad ni Ai Ai.

Noong naghiwalay sila ni Gerald, naghabol ba ito sa conjugal properties?

“Actually, ayoko nang pag-usapan ito. Pero may prenup kasi kami,” pagtatapat ni Ai-Ai.

“Saka I don’t think naman na maghahabol siya, e. Hindi naman ganoon si… feeling ko, hindi naman ganoon si Gerald.”

Read: Ai-Ai, ipinaliwanag bakit binawi ang petition para kay Gerald

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas reveals her preferred age for future suitors: “Siguro, mga 46 and above. Or 50. Ayoko naman ng mga 70, aalagaan ko pa yun?! Walanghiya, inaalagaan ko nga ang sarili ko, e. Kasi, mag-isa na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results