GORGY RULA
Naging madasalin daw si Derek Ramsay noong panahong lugmok na lugmok siya dahil sa paghihiwalay nila ng asawang si Ellen Adarna.
Ibinahagi ito ng nagbabalik na aktor sa second part ng exclusive interview ni Morly Alinio sa kanya.
Hindi niya gaanong sinagot ang ibang tanong na may kaugnayan sa hiwalayan nila ni Ellen.
Ang sabi lang ni Derek, marami siyang nakalimutan at isa raw sa napagtanto niya ay hindi dapat makalimutang magpasalamat sa Panginoon.
Malaki raw ang nagawa ng pagdarasal niya kaya siya nakabangon sa pagwawakas ng pagsasama nila ni Ellen.
Read: Ellen Adarna disputes Derek Ramsay’s "never cursed my wife" claim
Saad ni Derek: “Siyempre yung support system ko is always been there. But really, going back to your faith… I’ve always been a man of faith. May takot ako sa Diyos.
"Pero I think lahat naman tayo guilty na kaya masarap yung buhay mo, everything is going great, masaya ka, minsan nakakalimutan mo magpasalamat.
“Pinalaki ako ng mommy ko na to have faith, for your faith to be strong.
“Siguro during that time, I’m so focused with my family, and everything was going well in my life. Nakalimutan ko Siya. Nakalimutan ko magpasalamat.
“So with good friends, and of course family ko, they have me get back to my faith. Para siyang reminder, kumatok sa pinto si Lord na, ‘Hoy, nandito Ako!’
“I focused to Him. Kahit anong ingay, kahit anong problema, ibinigay ko na lang sa Kanya. Yun talaga yung nakatulong sa akin.”
Read: FAMAS officials reveal Ian Veneracion, The Kingdom declined recognition
GOING TO CHURCH AND CONFESSION
Madalas daw ang pagsisimba pangungumpisal niya. Malaki raw ang nagawa nito para gumaan ang bigat na pinagdadaanan niya.
Ani Derek: “I’m sure marami ang magsasabing, ‘Ayan na naman, ginagamit na naman ang pangalan ng Diyos.’
“That’s why Jesus died. Died to forgive us of our sins. Nagpapagamit talaga Siya.
“For me, I’m happy that I have good friends and family, kasi lost talaga ako. I was lost during times like that, you can easily make wrong decisions.
“So yun! It came to a point na, ‘Alam mo God, Lord, binibigay ko na sa ‘Yo to!’
“Kaya binigyan Niya ako ng lakas to again, focus on me, rebuild, reflect, take care of my health, be strong to my parents.
“Minsan nakikita ko talaga silang nasasaktan, o may sakit, ako yung nara-rattle. Pero yun, I’m working on that. Binigay ko lahat sa Kanya,” seryosong pahayag ni Derek.
Read: Claudine thanks all Barretto siblings for taking care of Mommy Inday
NOEL FERRE
Hindi direktang sinagot ni Derek Ramsay ang kasunod na tanong kung ano ang "wrong decisions" na ginawa niya nung panahong yun.
Aniya: “Ang dami! The thing that… yung emotions take over you.
“Ano ka ngayon, as in… parang na-reset ko yung sarili ko.
“Like I said, binigay ko na sa Diyos. Ayoko nang balikan yung oras na pinagdaanan ko during that time na talagang lubog ako nun, lubog na lubog ako nun.
"Parang wala akong gana sa buhay nung time na yun.”
Ilang beses daw niyang iniyakan ito. Sa bawat sulok ng bahay raw niya ay naiyakan na niya.
Pero nung panahong hindi sila kailangang magkita ni Ellen Adarna ay pansamantalang nasa isang condo unit daw muna siya.
“Nung panahon na yun, nakatira ako sa condo, e.
“So, one bedroom lang yun. Dun lang talaga nagkukulong ako dun. Nilalabas ko. Kailangan mong ilabas e, or it will consume you.
“There was a time na nagmamatigas ako, hindi ko nilalabas, ayun kinain talaga ako.
“Bagsak! To the point na naging hindi na ako mabuting anak.
“Every day ko tinatawagan ako ng magulang ko….
“Yung panahon na yun, wala akong gustong kausapin,” umiiling na pahayag ni Derek.
Read: Jojo Abellana, inaming walang imbitadong Abellana sa kasal ni Carla
JERRY OLEA
Napabalita pa noong sinubukan daw ni Derek Ramsay na magkaayos pa sila ni Ellen, pero nabigo siya.
Pero sabi ni Derek: “Ayoko nang isipin yun, friend.
"Like I said, binigay ko na sa Diyos and out of respect, again, to the people involved, ayun, ayoko nang pag-usapan yan.
“I just want to move on with my life and really focus on my mom and my dad, my daughter.
“Daming battles, e. You have to choose your battles.”
ELLEN ADARNA'S CRYPTIC POST
Noong Huwebes, January 29, ay may post si Ellen Adarna sa kanyang IG story na parang isang comment na hindi nakalagay kung kanino nanggaling.
Ang sabi rito: “Natatawa ang group chat at nasabi nalang talaga…
“Sana talaga ganyan cya sa totoong buhay…sana talaga… kasi, ang buti buting taooo sa camera… wish namin sana ganyan ka talaga…ung lang ung wish namin sana maging ganyan ka talaga kung ano ka sa camera…Promise.”
Naisip lang namin, hindi kaya si Derek ang tinutukoy nito?
Read: Ellen Adarna posts cryptic message about 'buti-buting tao'
