PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mestisong aktor, na-trauma sa hubaderang girlfriend ng ama

Mestisong aktor, nakabalik na sa Pilipinas matapos manirahan sa U.S.
by PEP Troika
Published Jan 31, 2026
blind item mestisong aktor
PHOTO/S: Chat GPT

GORGY RULA

Hindi na active sa pag-aartista si mestisong actor na nabigyan ng magandang break sa isang pelikulang tumatak sa kabadingan.

Promising si mestisong aktor, dahil marunong umarte. Pero hindi na nasundan ng magandang project.

Nag-decide siyang bumalik ng Amerika at tumira sa kanyang ama na dati ring kinahumalingan ng mga kababaiha’t bading nung kabataan niya.

Ang daddy ni mestisong aktor ay merong kinakasamang girlfriend, na hindi lang nilinaw sa amin kung Kana o Pinay.

Hindi raw kumportable si mestisong aktor sa kinakasamang girlfriend ng kanyang ama. Parang nahahalayan daw siya sa mga ginagawa nito sa bahay.

Nagugulat na lang daw minsan si mestisong aktor na gumagala sa loob ng bahay itong GF ng tatay niya na hubo’t hubad.

Nasa-shock pa raw siya minsan kapag nag-uusap ang daddy niya at ang girlfriend nitong nakahubo.

Pinag-uusapan daw nila kung ano pa ang puwedeng baguhin sa katawan pati sa mukha ni girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtatanong pa raw itong si girlfriend kung puwede niyang padagdagan ang boobs niya.

Kaharap si mestisong aktor nang mga sandaling iyon. Natu-trauma raw si mestisong sa ganoong eksena sa loob ng bahay.

Nag-decide na lang daw si mestisong aktor na bumukod. Naghanap ng trabaho at nakaya naman niyang paaralin ang sarili.

Ang latest na nabalitaan namin, nagti-training daw sa military si mestisong aktor.

Hindi sinabi ng aming source kung nasaan ang nanay ni mestisong aktor, pero may komunikasyon daw ito sa mga kapatid niya sa kanyang ama, na ito na ang itinuturing niyang pamilya.

Lalong gumuwapo raw si mestisong aktor, at puwedeng-puwede pa raw itong bumalik sa pag-aartista kung gusto niya.

JERRY OLEA

Sabi pa ng source ng PEP Troika, nandito na sa Pilipinas ang ama ni mestisong aktor.

Totoo kaya ang tsikang hindi na raw ito makakabalik ng Amerika dahil ipina-deport daw ito?

Hindi lang nilinaw kung ano ang kaso. Pero aalamin natin iyan sa ama ni mestisong aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Namomroblema nga raw ang dating asawa nitong ama ni mestisong aktor dahil hindi raw niya alam kung paano niya mapapipirmahan ang divorce paper.

Lalong nairita raw ang dating asawa nang napanood niya ang interview sa isang blog.

Sabi ng dating asawa, pawang kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi nito kaya kinamumuhian daw ito ng mga anak niya.

NOEL FERRER

Wala na tayong interes sa ama nitong mestisong aktor.

Mas ang concern natin ay kung nakakaarte nga itong batang aktor, sana’y bumalik siya at ituloy ang pagiging artista. Sayang kasi.

Pero kung makakuha siya ng mas maraming life experiences kung nasaan man siya para kapag nagbalik-artista ay mas magaling pa siya… G! Kung darating nga ang pagkakataong iyon ulit!

MORE BLIND ITEMS:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results